Chapter 17

237 12 0
                                    

Chapter 17
Ericka P.O.V.

"Tara na." Sabi niya at binuksan ang pintuan na nasa gilid ko.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Umalis na tayo!--."

"Baby. Ito ang gusto mo di ba." Iyon ang gusto kong mangyari pero hindi ko kayang makita siyang makulong.

"Hindi na iyon ang gusto ko."

"Pfft. Love na love mo talaga ako." Yumuko nalang ako nang sabihin niya iyon. Siya na din ang nagtanggal ng seat belt ko.

"Ayoko." Naiisip ko palang na nakakulong siya parang hindi ko kakayanin. Hindi naman na ako umaalis sa kinauupuan ko.

"Tara na. Gusto kong tuparin  yung pinangako ko sayo--"

"A-ayoko nga!" pinunasan niya agad yung pisnge ko. Bakit ba hindi siya makaintindi ng ayoko?

"I-iyon ang gusto mo. Nagha-handa pa nga lang akong umamin sayo pero sinabi na pala ni tito sayo. Humingi ako sa kaniya ng tulong." Napalingon ako sa kaniya. Kaya ba nalaman ng tito niya?

"Sabi ko tulungan niya ako. Pero binigla niya pala eh haha. Hindi pa nga ako handa." Tumawa siya ulit habang umiiling. 
Bumaba nalang ako at hinayaan ko ang sarili kong yakapin siya.

Bakit niya ba sinosolo ang lahat ng iyon ? Mapapatawad ko naman siya.. Nabigla lang siguro ako at hindi ko pa matanggap sa ngayon. Pero sigurado akong mawawala din ito.

"Sabay tayong papasok jan pero mag isa ka nalang lalabas mamaya.." sabi niya at naglabas ng cellphone. Tiningnan ko naman agad siya. Halatang desidido na siyang gawin yung gusto ko noon.

"Hello kuya Rex. Pumunta na po kayo." Sabi niya sa cellphone.

"Andito na kami ni Lora sir." Sabi ni kuya Rex. Napalingon ako sa nagsalita. Sila kuya Rex at ate Lora. Umiiyak sila. Alam din ba nila?

"Promise me. Mamaya kapag lumabas ka jan magiging masaya ka. Mamaya din paglabas mo jan wala nang tayo. Pfft." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ko siya kayang pakawalan. Oo ako ang unang nakipaghiwalay sa kaniya pero hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan.

Ang tanging gusto ko lang na lumayo para makapag isip isip. Tanging gusto ko lang naman magpahinga nang mag isa.

"Wag kang maging masungit sa iba ah.. Maging mabait ka na. Marami na sayong manliligaw niyan. Piliin mo yung seryoso sayo ah." Bakit ba siya nagsasalita ng ganyan.

"I love you." Sabi niya at hinalikan ang ulo ko. Naglakad na siya papunta sa loob pero pinigilan ko siya.

"Akala mo ba madali lang para saakin iyon Sam?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Naiinis ako, bakit sa dinami daming tao bakit ikaw pa?! Sobrang nahihirapan akong tanggapin na iyon ang totoo.  Nasasaktan ako sa pagkawala ni papa. Pero mas nasasaktan ako nang nalaman kong ikaw ang may dahilan non."

Kung kaya ko lang bawiin ang lahat ng sinabi ko noon. Kung pwede ko lang pigilan ang sarili ko noon na hindi na hanapin ang taong nakasagasa kay papa gagawin ko.

"Kaya nga gagawin ko to diba." Hinampas ko ang braso niya pero hinahayaan na niya akong gawin iyon.

"Shh. Naga-alala ka saakin iyon ba?" Napatahimik ako sa sinabi niya. Tumawa naman siya at niyakap ako.

"Okay lang ako. Masaya ako sa gagawin ko. Ito noon pa ang gusto mo at gusto kong magawa ko iyon para sayo because I Love you." Hindi na siya nagsalita hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak habang yakap niya ako.

"Matatapos na ang oras ko. Tara na."Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Parang kinakasal ka lang habang naglalakad tayo ah pfft. Ang bagal mo." Tawa siya ng tawa habang papasok kami sa loob ng prisinto. Hindi naman na saamin sumunod sila ate Lora.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ng pulis na nasa harap namin.

"Aamin na po ako sir." Hindi ko alam kung bakit andito pa rin ako. Gusto ko nang lumayo para hindi ko ito marinig pero hindi ako makaalis.

"Ano yon?" Tanong ng pulis sa kaniya at naglabas ng ballpen at papel.

"T-two years ago.--"

"Sam." Pigil ko sa kaniya. Seryoso ba siya sa gagawin niya? Pwede pa naman siyang umatras. Hahayaan ko namang gawin niya iyon.

'Gagawin ko to para sayo. Gawin mo din ito para sa papa mo'

Iyan ang sinabi niya saakin kanina bago kami makapasok dito sa Police station.

"Two years ago. Nakabunggo ako sir." Seryoso niyang sabi.

"Kilala mo ba kung sino yung nabunggo mo?" Tumingin naman saakin yung pulis kaya yumuko ako.

"Yes. Gerald Santos po. Tinago ko po iyon dahil ayokong makulong. Pero hinahabol ako ng konsensya hanggang ngayon. Gusto ko pong pag bayaran iyon." Sabi ni Sam habang nakatingin saakin.

"Meron ditong record na nasagasaan. Two years ago. Pero na hold iyon dahil ayaw nang ipahanap ng pamilya ng naaksidente ang nakasagasa. Tatawagan muna namin ang kamag anak--"

"H-hindi na po kailangan. Andito na po yung anak niya." Sabi niya kaya tiningnan ako ng ibang pulis.

"Ma'am pwede po nating kasuhan si Sam ng reckless imprudence resulting in homicide." Sabi niya saakin. Tumango lang ako sa kanila pero hindi ako makatingin ng maayos.

"Kakausapin pa kita ma'am. Leo. Kuhaan mo siya ng background at ilagay niyo na siya sa loob." Napatingin agad ako sa kanila.

"S-sam." Niyakap niya agad ako. Hindi na ako makakilos dahil sa sobrang takot ko. Makukulong na yung taong may kasalanan sa pagkawala ni papa.Makukulong na si Sam.

Humiwalay naman saakin si Sam kaya nilagyan siya ng posas. Nakangiti siya saakin habang ako hindi ko alam ang gagawin ko.

Gusto ko siyang itakas dito.

"Yung bilin ko ah. I love you." Nakangiting bulong niya saakin bago siya umalis.

At ngayon nakulong na ang taong may kasalanan sa pagkawala ni papa. Kasabay din non ang pagkawala sa tabi ko ng pinaka importanteng lalaki sa buhay ko.

Nakulong na si Sam Cuesseff.



MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now