Chapter 57

192 12 0
                                    

Chapter 57
Ericka P.O.V.

"Kumain ka na muna." Rinig kong sabi ni Sam. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito saakin? Sa dinami dami ng tao, bakit ako pa?

"I love you." Nilingon ko siya. Dalawang araw na akong andito sa hospital parang mas gusto ko nalang mawala keysa sa ganito ang nangyayari saakin.

"Kami na bahala kay bessy, Sam. May naghahanap sayo sa labas."sabi ni Jessie at kinuha ang tray at tumabi saakin. Hinalikan naman ni Sam ang ulo ko bago lumabas.

"Bessy! Yuhoo andito ako!" Sabi ni Jessie habang kumakaway sa harapan ko. "Ayan! Kumain ka na para maging malakas ka na agad!" Sabi niya at tinapat yung kutsara na may pagkain saakin.

"A-ako na." Binigay naman niya agad yung tray saakin. Iniisip ko palang na isa siya sa mga binayaran ni Sam nahihirapan na ako.
Inutusan lang din ba sila ni Sam?

"Bessy. Musta na pakiramdam mo? Hindi na ba masakit yung sugat mo?" Tanong niya ulit saakin. Tiningnan ko naman si Alex na nakatingin lang saakin.

Isa din ba siya doon sa inutusan ni Sam? Silang dalawa?

"Gusto mo bang lumabas muna? Tanungin natin yung doctor mo mamaya." Binalik ko ulit ang tingin ko sa maliit na kutsilyo na hawak ko. Siguro mas mabuti kung mawala nalang ako.

"A-ako na maghihiwa ng steak mo bessy." Sabi niya at inagaw ang hawak kong kutsilyo. "Niluto to ni Alex. Sigurado akong gagaling ka kaagad dito pfft. Kahit bawal ka pa neto." Nakangiti niyang sabi habang naghihiwa ng steak. Lumapit naman si Alex at nagbigay saakin ng tubig.

"Namumutla ka na. Uminom ka ng tubig." Seryoso niyang sabi saakin at nilapag sa tray yung baso.

"Pupunta mamaya dito si Martin at Joanna. Nabalitaan nila nangyari sayo." Sabi ni Alex at bumalik doon sa pwesto niya. Binigay naman na agad saakin ni Jessie ang tray pero hindi niya binalik yung kutsilyo.

"The knife, Jessie."

"M-may gagawin ka pa ba? Nahiwa ko na ah? Malalaki pa ba yan para sayo?" Tiningnan ko ng mabuti yung hawak hawak niya. Bakit ba hindi niya binibigay saakin iyon? Lumabas agad si Alex dahil may tumawag sa kaniya.

"Give me the knife."

"B-bakit ba bessy? Nahiwa ko na diba?" Kinakabahan niyang tanong saakin. Bakit naman siya natatakot? Hindi na sila mahi-hirapan saakin. Hindi na din ako mahi-hirapan sa gagawin ko.

"Please. Ayoko nang mahirapan. Just give me the knife." Lumapit naman agad siya saakin pero bago iyon nilagay niya sa lamesa yung kutsilyong gusto kong makuha.

"S-sana mali yung nasa isip ko." Sabi niya at dahan dahan niyang kinukuha ang tinidor na nasa tray ko. "E-ericka.." inagaw ko naman agad sa kaniya yung tinidor.

"Kumain ka na muna.. Ako nalang kaya ang tumulong sayo?" Tanong niya habang hawak hawak yung kamay ko. Pilit niya pang binabawi saakin yung tinidor.

"SAM!" Sunod sunod na ang mga luhang lumalabas sa mata niya. Sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Naghulog ang tray na nasa ibabaw ko pati din ang nasa gilid ni Jessie dahil sa pagpigil niya saakin.

"Tulong! Sam! Alexander!" Sigaw niya ulit.

"Hayaan mo n-na ako" naagaw niya agad saakin yung tinidor at tinapon doon sa may pinto. Sakto din naman iyon sa pagpasok ni Sam at Antony.

"Binayaran ka lang din naman ni Sam diba? Hayaan mo nalang ako. A-ayoko na." Lumapit sa kaniya si Antony at tumabi naman saakin si Sam.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now