Chapter 23

240 11 0
                                    

Chapter 23
Ericka P.O.V.

Pumunta na agad ako sa pinto para makalabas. Bakit naka lock na to?!

"Open this door!" Hinampas ko yung pinto. Kanina pa niya ako pinipilit na pirmahan ko iyon.

"The only way to get out of here is this." Sabi niya at tumayo. Pumunta naman siya doon sa isang lamesa at uminom ng alak.

If I sign in that contract. Ibig sabihin non ay pinapatawad ko na siya at magsasama kami. If I don't?

What will happen?

 How can I fogive him? Pinatay nila ang pinaka importanteng tao sa buhay ko! Pero hindi ko namang maitatanggi na nandito parin siya sa puso ko.

"Go. Sign that contract baby. Para Makalabas ka na dito sa opisina ko." Nakangiting sabi niya. Ibang iba na siya sa Sam na nakilala at minahal ko noon.

"As I promise you. You'll gonna marry me at your 23rd birthday baby." He added. Naalala niya pa iyon?

"No. Never." Matigas kong sabi sa kaniya.

"Then you'll stay here with me." Sabi niya at umupo ulit. Sinundan ko naman agad siya.

"Palalabasin mo ako o magwawala pa ako dito?" Inis kong tanong sa kaniya at tinuro ang pintuan.

"You can do what ever you what." Talagang iniinis ako neto?! Tumingin ako sa paligid. Nakita ko yung terrace niya. Siguro maririnig ako nila Alex.

"Ikaw lang ang mapapahiya kung sisigaw ka jan." Napalingon ako sa kaniya alam niya kung ano ang iniisip ko. Pumunta nalang agad ako sa terrace niya. Mabuti naman at hindi ito naka lock.

Napatigil ako nang makita ko kung gaano kataas ito. Nakikita ko sila Jessie at Alex na nasa baba pero hindi ako makapagsalita o makagalaw.

Naninigas ako sa sobrang takot. Hindi ko ini-expect na ganito ito kataas.

"Ericka?" Rinig kong tawag ni Sam sa likod ko pero hindi ako makalingon. Nakakapit lang ako sa barandilya ng terasa niya.
"Ericka." Tawag niya ulit pero this time hinila niya ako papalapit sa kaniya.

"S-sorry.." Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Hindi ko talaga kaya kapag mga nasa matataas na. Inalalayan niya ako para makaupo ako sa sofa niya. Hindi naman niya ako binibitawan.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa panginginig. Makisama ka naman Ericka.

"I'll get you a water." Sabi niya nang tinulak ko siya palayo at agad nang tumayo. Pilit ko namang pinapakalma ang sarili ko. Naninigas pa rin ang mga daliri ako at ang paa ko.

Martin's calling..

Lumapit naman si Sam sa lamesa bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag pero binigay iyon saakin.

"Hello? How are you?" Sasabihin ko ba sa kaniya? Naupo naman sa tabi ko si Sam at nilapag ang baso sa lamesa.

"O-okay lang. Ikaw?" Hindi ako makapag-salita ng maayos dahil sa pagtitig saakin ni Sam.

"Fine. Lunch time."

"C-can you do me a favor?" Tanong ko. Alam ko namang gagawin niya ang kahit anong gusto ko pero ayokong sabihin sa kaniya iyon.

"Ano?" Tanong naman agad ni Mart.

"Pwede pakisabihan si Jessie na tawagan ako." Sabi ko. Tumayo naman ba si Sam pabalik doon sa lamesa niya. Maayos na din ang pakiramdam ko ngayon.

"Why? Hindi kayo magkakasama? Nasaan ka ba?" Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kasama ko si Sam..

"Kase. Uh?" Kilala niya na si Sam dahil sa mga sinasabi nila Jessie pero tuwing kaming dalawa lang ang nag uusap at nababanggit niya si Sam pakiramdam ko hindi niya iyon gusto.

"Kase?"

"Basta--"

"HAHAHA trip niyo na naman siguro ako. Nagba blog ba kayo ni Jessie?" Putol niya sa sinasabi ko. Bakit yon pa iniisip niya?

"Cut that phone conversation." Nagulat ako sa sinabi ni Sam sa likod ko.

"Sino yon? May kasama ka ba jan?"

"Kase--" bago ko matapos ang sasabihin ko inagaw na agad ni Sam ang cellphone ko.

"Give it back." Utos ko pero umalis agad siya sa harapan ko.

"No. Unless you sign in that contract." Bumalik siya sa lamesa at nilagay ang cellphone ko sa drawer ng lamesa niya.

Think. Kailangan makalabas ka na okay.

"Nagugutom na ako. Palabasin mo na ako--"

"I have kitchen. On your left." Napalingon ako sa tinuro niya. Bakit hindi ko nakita iyon?!

Bumalik nalang ako sa sofa at naupo. Wala na akong ibang alam na pwede ko pang puntahan.

Hindi naman na ako kumibo sa kaniya hanggang mag alas onse. Mahigit dalawang oras na kami dito pero walang nagsasalita saamin.

Naglapag siya ng pagkain sa harap ko. Pakiramdam ko nakakulong na ako dito dahil sa ginagawa niya.

"Tss. I don't want that."

"What do you want, then?" Tss. Bahala ka diyan sa buhay mo. Hindi ko na siya sinagot at tumingin sa terasa niya. Kung kaya ko lang tumalon diyan ginawa ko na kanina pa.

"Hello?.. Yes..." nilingon ko naman siya ulit nang magsalita siya. Tumingin din naman siya saakin bago ibaba ang papel na hawak niya.

"Move the meeting, next week. I'm quite busy this week." Kung lumipat kaya kami ng resort pagkalabas ko dito? Kaso nakapag-bayad na kami. Nakakapang-hinayang naman kung hindi namin iyon gagamitin.

Sayang ang inipon namin. Tss.

"Kapag pumirma ba ako don  papalabasin mo na ako?" Tanong ko sa kaniya nang ibaba niya yung cellphone.

"Yes." Pagkasabi niya non ay tumayo na ako at lumapit sa lamesa niya.

'Marriage Certificate.'

Ito lang din naman ata ang kailangan niya.
Pinirmahan ko agad ang ibabaw ng pangalan ko. Lahat ng pangalan ko sa mga papel na nasa folder ay pinirmahan ko.

"Done." Sabi ko at hinarap ko siya. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Now open the door." Lumapit agad naman siya at kinuha ang folder na pinirmahan ko.
He smiled. Umiwas agad ako ng tingin ng tumitig siya saakin.

"Open the door." Sabi ko at pumunta sa pinto. Naramdaman kong lumapit siya saakin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Diyan ka lang.." sabi ko sa kaniya pero patuloy lang siyang naglakad nang nakangiti palapit saakin.

"Diyan ka lang!." Sigaw ko sa kaniya at mas lalong umatras.

"A-anong gagawin mo?!" Nilagay niya yung kaliwang kamay niya sa pintuan na nasa gilid ko.

"L-lumayo ka sabi." Yumuko siya sa akin para magkapantay ang tingin namin.
Pumikit agad ako. Wala namang ibang tao dito para mag kiss siya.

Wala namang nag sabi ng 'you may now kiss your wife' kaya hindi iyon pwede!

"I'll just open the door,baby." Sabi niya kaya napadilat ako. Sobrang lapit niya pa rin.

"Pfft. Are you thinking that Im gonna kiss you?" Nakaramdam ako ng hiya. Pakiramdam ko namula ng husto ang mukha ko dahil sa iniisip ko.

"I can do that if you want--"

"Bastos!" Sabi ko at tinulak siya. Binuksan ko na agad ang pintuan para makalabas ako.

Kainis!

(HAHAHA HINDI KO MAAYOS!)

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now