Chapter 31

209 12 0
                                    

Chapter 31
Jessie P.O.V.

"Don't lie to me!" Nagulat kami sa sigaw ni Sam at sa kalabog na narinig namin.

"N-nag aaway na talaga sila." Bulong ni Alex. Anu ba iyan ang ingay pa tss. Nakikinig pa ako eh.

"Ano ba!Tapos na tayo! Matagal na tayong tapos, Sam kung iniisip mo makukuha mo ako dahil pumirma ako doon sa lintek na marriage certificate na yon, pwes hindi. Kahit ilang marriage certificate pa ang ipagawa mo saakin hindi magbabago ang totoo. Hindi na ikaw ang mahal ko." Nagulat kami nang biglang lumabas si Ericka kaya nagtago kami sa gilid. Hindi man niya kami nilingon at dumiretso palabas.

Pumasok naman agad ako doon sa kwarto namin nakita ko si Sam na nakaupo at nakayuko. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ganito. Yung bago sila maghiwalay at ngayon.

"Siguro dapat hayaan mo na si Ericka. Kase look marami nang nagbago hindi lang sa kaniya. Pati sayo. Hindi ko naman alam yung totoong nararamdaman ni Ericka. Pero ang gusto ko lang eh yung hindi siya masasaktan." Sabi ko sa kaniya tiningnan naman niya agad ako. Sana huwag niya akong bugbugin huehue.

Mahal ko pa ang mukha ko at ang sarili ko noh!

"Kase sa loob ng pitong taon na wala ka sa tabi niya andoon si Martin. Seryoso iyon palagi at bihira magbiro pero napapa-saya niya si Ericka.. Sumama pa nga si Martin saamin doon sa Manila para lang ma-alagaan si bessy.. Tapos hindi tumigil si Martin sa kaniya kahit sinabi niya na wala siyang pag-asa para kay Ericka. Pero tuloy tuloy pa rin siya... Madami na kasing nag-bago at madami ding sinakripisyo si Mart--"

"I can sacrifice everything just to make her happy. Even my family. Hindi pa ba sapat yon?" Putol niya sa pagpa-paliwanag ko.

"Hindi ko kase masasabi iyon. Iba iba kase yung tao. Matagal ko nang nakasama si Ericka pero hindi ko pa rin siya kilala. I mean yung bagong Ericka. Ang laki na kasi ng pinagbago niyo eh." Joke lang. Pfft. Tumayo naman siya at pumunta sa tapat ng bintana.

"Pero kase ibang iba si Ericka eh. Siya yung tipo na kapag sinabi niya na papanindigan niya. Like doon sa parents niya. 7 years na silang hindi nagkikita, Sam. Saakin nalang kumokontak sila tito Rene at tita Andrea kung kamusta na si Ericka eh." Sabi ko at ako naman ang naupo. Kanina pa ako nakatayo tapos hindi man lang aluking umupo. Tss. Iba talaga kapag gusto mo yung babae eh.

Nagiging gentleman.

"Is Ericka still love me?" Kumuha ako ng unan bago ko siya nilingon. Mas lalo pala talaga siyang pumogi! Hayst.

Maganda ang magiging lahi nila ni Ericka.

"Let's say 100 percent yung heart ni bessy. 30percent sa papa niya. 15 sa sarili niya  Another 30 para kila tito at tita. Tapos 10 percent saamin then 10 din kay Martin. Mga 5 percent ka nalang ganon." paliwanag ko. Sa nakita at narinig ko kasi kanina sa sinabi ni Ericka hindi na niya talaga gusto si Sam.

"Then I'll take that 5 percent." Sabi niya kaya napalingon ulit ako sa kaniya. Umiinom na naman siya. Saan niya ba nakuha agad iyon? Wala pa naman iyon kanina nung tumingin ako ah.

"What do you mean?"


Alexander P.O.V.

Seryoso ba sila sa gagawin nila? Hindi maganda ang kakalabasan non kapag nalaman agad iyon ni Ericka.

"Please! Pumayag ka na!" Lumayo naman agad ako sa kaniya. Baka mahawa pa ako dito ng kabaliwan.

"Naba-baliw ka na ba gurl? Bakit ka pumayag? At bakit mo ako pinipilit? Alam mong magagalit si Ericka kapag nalaman niya iyon." Pumunta ulit siya sa harapan ko at ngumuso ng pagkahaba haba. Parang pato. Tsk.

"Hindi naman niya malalaman kung sasabihin mo eh. Please!" My gosh. Nakaka-stress to. Nasa akin lang ang huling desisyon bago nila gagawin iyon.

Gusto kong tumulong kay Ericka at wala nang iba iyon. Maybe I support Sam pero hindi ibig sabihin non ipagpipilitan ko na si Sam kay Ericka. It's her choice will be my choice too. She's my sister. Not in blood but in heart.

"Fine. Pero kapag hindi pumayag si Ericka na sumama wala na akong magagawa--"

"HAHAHAHA YES! This will gonna be great!" Tss. Tiningnan ko naman si Sam na kaka-pasok lang dito sa kwarto.

"Pack your things. Aalis na tayo."

"Just go on the flow lang HAHAHAHA Im pretty sure maganda kakalabasan neto." Hayst. Ewan ko nalang.

Basta ako? Gagawin ko lang inuutos nila.

Ericka P.O.V.

Nasaan na iyon? Pinatay ko naman yung makina ng sasakyan at agad nang bumaba. Sarado na ang bahay na inuupahan niya.

Iniwan na ba niya talaga ako?

"Ericka." Napalingon ako sa tumawag saakin. Napangiti naman ako nang makita ko siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya habang yakap yakap ako. Hindi ako sanay na malungkot ang mukha niya. Mas gusto ko yung seryoso keysa sa ganito.

Pinahid ko agad ang basa sa pisnge ko.
"Naga-alala ako. Bakit ka ba pinaalis ni Ma'am? Tapos bakit ka pinaalis sa bahay mo? Diba monthly ka naman nagba-bayad. Baka naman--"

"HAHAHA. Shh! Okay lang. ikaw bakit ka nag drive pa? Napaka kulit mo talaga." Ginulo naman niya yung buhok ko. Kaya humiwalay na ako sa kaniya sa pagkaka-yakap.

"Nag aalala nga kase ako. Hindi mo sinasagot yung mga text at tawag ko. Hindi mo muna ako hinayaan mag explain about don sa papel na yon. Tapos kung hindi pa sinabi ni Joana kay Alex yung nangyari sayo hindi ko pa malalaman." Ngumiti naman siya saakin at pinisil ang pisnge ko. Nababaliw na naman siya. Pfftm

"Kahit na.. Paano kapag naaksidente ka? Sabi saakin ni Jessie may sakit ka daw. Okay ka na ba?" Tanong niya at hinawakan noo ko. Hayst. Iniiba pa ang usapan.

"Saan ka na tutuloy ngayon?" Tanong ko. Hindi ko nakita yung mga gamit niya kung saan nakalagay.

"Sa condo diyan lang. Nagpa book na muna ako. Bukas na ako ba-byahe. Kumain ka na ba?" Tumango ako sa kaniya. Akala ko ngayon na siya aalis eh. Kung sumama nalang din kaya ako sa kaniya papuntang Masbate? Nakasama ko na din naman ang pamilya niya nung nagbakasyon kami doon.

"Bakit ka pa ba-byahe? At bakit ka pinaalis sa inuupahan mo?" Tanong ko ulit.

"May bumili na kase ng lupa at bahay kaya kailangan umalis agad." Napaka walang modo naman non. Sana bawian siya ng kasamaan niya! Gusto ora orada ang pagpa-palayas akala mo kung sinong hari eh.

"Hindi ba man lang humingi ng palugit yung may ari? Para sayo? Biglaan naman kase." Umiling naman siya at hinawakan na ang kamay ko.

"Pfft. Okay lang. Tara kumain na muna tayo. Ako na magma-maneho." Sabi niya at naglakad kami pabalik sa sasakyan ko.

Mamaya ko nalang sasabihin yung tungkol sa Marriage contract. Marami din naman na kakilala si Martin na abogado para tingnan iyon. Ang saakin lang ay kailangan kong makuha iyon kay Sam.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now