Chapter 61

189 10 0
                                    

Chapter 61
Ericka P.O.V.

Andito na kami sa loob, mabuti naman at hindi naman na siya nakilala. Parang si Aica lang tong kasama ko eh. Nasa likod lang din naman sila Roxanne at yung ibang bantay ni Sam. Pfft.

"Wala ka bang bibilhin Sam?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala." Napailing nalang ako sa sagot niya. Bagay talaga sa kaniya maging babae. Pinatungan ko nalang ng coat yung balikat niya para hindi makita yung malalaki niyang braso HAHAHA.

"Tara sa watson muna tayo." Hinila ko agad siya papunta sa watson. Napansin ko agad yung dalawang babae na nakatingin kay Sam. Nakikilala ba nila si Sam?

"Tara!" Hinila ko agad si Sam papunta doon sa gilid.

"Why?"

"Tinitingnan ka kase nung dalawang babae. Baka makilala ka." Paliwanag ko sa kaniya. Tiningnan ko agad yung lotion na buy1 take 1. Ang ganda neto ah. Makaka-tipid pa ako.

"Pfft. I love you." Bulong niya saakin at niyakap ako. Pinalo ko pa siya para umayos. May spf 60 itong lotion. Mura din naman sayang yung promo. Magkahawak kamay kami ni Sam habang umiikot dito sa loob ng Watson.

"Di ba siya yung nasa balita na binayaran ni Sam para pagselosin si ate Gizzelle?" Napalingon agad ako sa nagu-usap. Humigpit din ang pagkakahawak ni Sam sa kamay ko.

"Tara na nga ang ingay mo!" Hinila naman agad siya nung babaeng kasama niya.

"Don't mind them." Tumango nalang ako kay Sam. Tumingin pa ako sa mga make ups. Bibigyan ko din sila Jessie at Alex.

"Maganda ba to?" Tanong ko doon sa sales lady.

"Yes ma'am. Bagay po sa inyo yan. You have a white skin." Sabi niya kay Sam. Anong konek naman ng dark na lipstick sa kulay ng balat? At ako yung nagtanong tapos si Sam ang sasabihan?! Kalbuhin ko to eh.

Kumuha nalang ako ng dalawa para kay Jessie at Alex.

"Baby." Nagulat ako nang tawagin niya ako ng ganon. Napalingon agad ako sa kaniya, may hawak at suot siyang head band. Pfft.
"Try this one." Hinila niya agad ako at nilagyan ng headband na kulay blue.

Nagulat ako ng kunin niya lahat ng headband na naka display at nilagay iyon sa basket na hawak ko.

"Sam?!--"

"Samantha." Kinindatan niya pa ako. Imbes na mainis ako sa kaniya ay natatawa ako. Hindi talaga bagay sa kaniya na maging bakla. Hinila niya pa ako papunta ulit doon sa side ng mga make ups.

"Look baby. Bagay ba?~" tanong niya saakin pagkatapos niyang maglagay ng blush on.

"Tama na nga mukha ka nang clown Sam. HAHAHA. Kung ano-ano na naman ang bibilhin mo." Hinila ko naman siya papunta sa counter. Magkatabi lang kaming dalawa ni Sam dahil siya yung may hawak ng basket.

"1,146 po." Maglalabas na sana ako ng pera nang biglang nag abot na si Sam ng bayad doon sa counter.

"Sam?!" Inis na tawag ko sa kaniya pero nginitian na naman niya ako. Kung hindi lang siya nakabihis ng pambabae ngayon kanina ko pa siya nasampal.

"You gave me 2,000 pesos. Your change is 854 ma'am. Thank you." Kinuha naman agad ni Sam yung paper bag at naglakad kami agad palabas.

Kumain na muna kami bago kami umakyat para maglaro sa Timezone.

"1,000." Binigay na agad ni Sam ulit yung pera niya.

"Baliw ka ba?! Ang dami na non?!" Inis na sabi ko sa kaniya. Kinuha naman niya agad yung mga token at naglakad na palayo.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now