Chapter 73

197 7 1
                                    

Chapter 73
Ericka P.O.V.

12:30 na. Nagugutom na ako. Hindi naman ako makaalis dahil dito sa lalaking natutulog.

"Sam.." gising ko sa kaniya. Hay nako. Gusto ko na tong itulak kanina pa ako nangangalay. Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pintuan.

"Son?" Andito ang daddy ni Sam! Lumingon naman sa gawi namin yung daddy niya kaya tinulak ko si Sam.

"Uh.. G-good morning po." Tumayo agad ako dahilan ng biglaang pagkahulog ni Sam.

Napaupo naman agad siya sofa, halatang naalimpungatan siya sa pagkaka-tulog.

"Bakit ka tumayo?! Aish." Ginulo niya pa yung buhok niya. Hindi ko lang siya masampal dahil andito ang daddy niya.

Ngayon ko nalang pala ulit siya nakita. Halos magka-edad lang sila ni Daddy kaya siguro nasa 55 above na din siya.

"Sam-"

"Ano?!.. Ay dad!" tumayo naman agad si Sam at lumapit sa daddy niya.Kinakabahan ako. Ang huling kita namin ng daddy ni Sam ay nung paalis kami noon papunta sa ibang bansa nila Sam at Aica.

"Sa thursday na ang promotion mo. Be ready." Sabi niya kay Sam. Lumingon naman agad saakin yung daddy ni Sam kaya tiningnan din ako ni Sam.

"You're Ericka. Isn't?" Nakilala niya ako!

"Y-yes po." Tumingin naman agad siya kay Sam. Mas dumoble ang kaba sa dibdib ko. Lumapit naman saakin si Sam at agad niyang hinawakan ang kamay ko.

"You can go down. May cafeteria sa baba. Susunod ako." Bulong niya saakin kaya tumango agad ako. Para makaalis na din ako dito.

"Mauuna na po ako." Sabi ko sa daddy ni Sam. Tumango naman agad siya kaya lumabas na ako.

Ano kayang iisipin nung daddy ni Sam. Baka naririnig niya yung usap usapan na bayarang babae ako. Tapos baka isipin niya pa na sisirain ko yung relasyon nila ni Gizzelle at ng anak niya.

O nago-over think lang ako?

"Good afternoon ma'am. This way po." Nasabihan na ba sila ni Sam? Sumunod naman agad ako doon sa babae na lumapit saakin.

Nagbigay naman siya ng menu pagkaupo ko. Napansin ko din na pinagtitinginan ako dito kaya napaayos ako ng pagkaka-upo.

"2 order of this set nalang and paki-serve yung isa pagdating ni Sam-- I mean ni Mr. Cuesseff."  Tumango naman siya saakin.

"And! I want my meat cooked-well please.. Thank you." Yumuko naman sila bago umalis. Hindi talaga ako sanay ng ganitong trato saakin. Wala naman akong ginawa kanina. Hindi nga din nya ako pinatrabaho.

Kung kailan wala naman na sila saka naman ako nakaramdam ng pagka uhaw. Tumingin naman ako sa paligid nakita ko agad yung kinukuhaan ng mga empleyado ng mineral water.

"G-good morni-- afternoon po ma'am!" Nagulat naman ako nang tumigil silang lahat nang kumuha ako ng baso.
"K-kayo na po ang mauna.." sabi pa nung isang babae.

"Hindi na. Kayo na muna." Ngumiti naman yung isa at akmang kukuha na nang pinigilan siya nung lalaki. "Okay lang. Hayaan mo na. Empleyado din naman ako dito. You don't have to treat me as your boss." Nahihiyang tumango naman siya at hinayaan yung mga kasama nilang maunang kumuha.

Natutuyo na ang lalamunan ko bago ako makakuha ng tubig. Pagkabalik ko sa pwesto ko ay dumating na yung inorder ko.

"You can call me ma'am if you need anything." Tumango naman ako sa kaniya. Pagkahiwa ko palang nung steak ay halatang hindi ito masyadong luto.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now