Chapter 74

177 7 1
                                    

Chapter 74
Ericka P.O.V.

"Ericka." Napatingin naman ako kay Sam. Medyo nawala ang inis ko sa sinabi ng mommy niya saakin.

"Bakit?" Tanong ko agad pero hindi pa rin ibig sabihin non okay na saakin na gayahin niya yung kasal ng kaibigan ko.

"We should choose for the wedding cake." Umupo naman agad siya sa upuan na katapat ko.

"Ikaw na lang. Ikaw lang naman sinabihan diba?"  Nakakainis talaga. Nakita ko naman na nasa likod niya yung mommy ni Sam na nakatingin saamin. Kaya ngumiti agad ako kay Sam.

"We should choose. Hindi lang ako." Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nagbukas ako ng Facebook. Sabi ng mommy ni Sam kapag 5:30 pa daw kami aalis dito. May 1 hour and 30 minutes pa akong magtitiis na makita ko siya.

"Ikaw lang naman sinabihan diba? Edi ikaw mamili." Ngumiti ako sa kaniya at agad kong binalik yung mata ko sa cellphone ko. Hindi naman ako makairap dito dahil nanonood sa amin yung mommy at daddy niya saamin.

"Ericka.." Hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya."Para matapos na to. I'm not engage with Gizzelle." Sabi niya at nilagay niya yung dalawang braso niya sa lamesa.

Hindi nalang ako nagsalita hanggang dumating na ulit yung mga may dalang sample ng mga cake.

"It was too sweet." Sabi ko nang tikman ko yung unang binigay nila saakin. Pinalitan naman agad nila iyon pero hindi ko pa rin gusto yung lasa.

Kung hindi si Gizzelle ang fiancee ni Sam.. sino?

"Try this one." Inabot naman saakin ni Sam yung tinikman niya kanina. Masarap naman pero hindi ko pa rin gusto. The bread was tough.

Halos lahat na ata naibigay nila saakin kaso wala talaga akong gusto. Halatang naiinis na din si Sam. Ano bang magagawa niya? Wala naman akong gusto sa mga cake nila dito.

"Ayoko na. Ikaw nalang ang pumili." Sabi ko at tumayo para pumunta sa comfort room. May ibang staff din na nag aayos dito.

Nang lumabas ulit ako ay nakita ko si Sam na may kausap. Siguro para din iyon sa kasal ni Jessie. Pagkabalik ko sa inupuan namin ay may natitirang slice ng cake kaya tinikman ko iyon.

Ito yung hinahanap kong cake na gusto ko.
"Iyan po ang pinili ni Mr. Cuesseff." Paliwanag nung babae saakin.

"Okay. Ito na din ang gusto ko." Tumango naman sila at agad na nagsulat. Nakita ko naman na papalapit si Sam saamin kaya umalis na ako sa lamesa. Nilinis na din nila yung pinagkainan namin.

"Kung hindi si Gizzelle ang fiancee mo, sino?" Tanong ko nang maramdaman kong nakarating siya sa tabi ko. Hindi naman siya nagsalita kaya nilingon ko siya.

"A-anong ginagawa mo dito, Carl?" Tumingin ako sa likod niya at nakita kong kausap ni Sam yung magulang niya kaya binalik ko ulit yung tingin kay Carl.

"Bakit hindi ba ako pwede dito?" Pabalik na tanong niya saakin. Wala naman akong sinabi na hindi siya pwede dito bakit ba sila nagagalit?

"Hindi naman sa ganoon--"

"I need to tell you something, Ericka." Hinawakan niya yung braso ko kaya lumayo agad ako sa kaniya. Hindi na ako sanay. Nakarinig naman ako ng nahulog at nabasag na kung ano kaya nilingon ko sila Sam.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now