Chapter 32

216 11 0
                                    

Chapter 32
Ericka P.O.V.

"He really loves you." Napalingon ako kay Martin. Pinadaldal niya ako ng pinadaldal. Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari ng pagkarating namin doon. Kung paano ako naka pirma doon sa marriage certificate.

"Who?"

"Sam." Tss. Imposible. Sa loob ng pitong taon hindi siya makakakilala ng bago? Napaka imposible talaga.

"Ewan ko sa unggoy na yon. Hayaan na natin siya." Sabi ko at sinandal ko ulit yung ulo ko sa balikat niya. Ito ang madalas kong ginagawa para mawala yung stress ko kapag kasama ko siya

"Hindi niya yon gagawin kapag hindi ka niya mahal. I know you still love him too." Nilingon ko naman agad siya. Iyon? Mahal ko pa?

"I don't love him anymore. Alam mo naman diba na.. Na sila ng kapatid niya yung may dahilan sa pagkawala ni papa.." napatigil ako nang tumawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Mahal mo pa nga talaga." Sumeryoso na naman siya. Napaka moody talaga neto. Nag seselos lang naman ata HAHAHAHA.

"Ikaw na mahal ko,okay?"

"Are you sure?" Napabangon tuloy ako sa tanong niya. Pinagdu-dudahan niya ba ako? Kung kaya ko lang palayuin saamin si Sam, gagawin ko talaga!

"Don't lie to me honey.." totoo naman sinasabi ko. Siya na ang mahal ko bakit hindi siya naniniwala?

" I know from the very first start na mahirap palitan jan si Sam." Kung pwede ko lang baguhin ang isip niya at palitan ko yung iniisip niya ginawa ko na.

"Bakit mo ba sinasabi yan?"

"Dahil mahal mo pa siya."

"Hindi ko na siya mahal, okay? Bakit ba ayaw mong maniwala saakin?" Inis kong tanong. Umiling naman siya at tumawa.

"Sa kwento at sagot mo palang kanina halatang mahal mo pa siya. Kung hindi ba nangyari yung aksidente kayo pa rin ni Sam?" Kami pa nga rin ba kapag hindi iyon nangyari?

O kapag hindi ba iyon nangyari magka-kilala kaya kami ni Sam?

"Siguro hindi niya pa nasasabi sayo kung gaano ka niya ka mahal pero kitang kita ko iyon. He can do anything just for you, Ericka." Pinigilan ko naman ang sarili kong mainis sa sinasabi niya.

"Kung ang paraan naman ng pagmamahal niya ngayon ay ang pagkasira natin, hindi ko iyon matatanggap." Nilingon naman niya agad ako. Hindi na magbabago ang desisyon ko.

Siya ang pinipili ko sa kanilang dalawa ni Sam.

"Siguro ang paraan lang para malaman mo iyon kapag sasabihin ko sayo ang totoo." Binitawan naman niya ang kamay ko at tumingin ulit sa langit. Ilang araw nang maganda ang panahon.

May kinuha naman siya na maliit na pulang kahon sa bulsa niya kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Handa na ba akong makasama ko na siya? Hindi ba masyadong maaga pa?

Mas lalo naman akong hindi mapakali nang binuksan niya iyon at ngumiti saakin.

"Joana and I have a relationship. Gusto ko na din siyang alukin ng kasal." Sabi niya habang nakatingin sa singsing. Si Joana? Binibiro niya lang ba ako ngayon?

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now