Chapter 78

178 6 0
                                    

Chapter 78
Ericka P.O.V.

Pakiramdam ko lasing na ako. Kanina pa bigay ng bigay ng wine saakin si Jessie. Balak ata nilang lasingin ako ngayon.

"Are you tired?" Umiling nalang agad ako kay Sam. Manonood naman daw kami ng movie. Hindi ko alam kung bakit ang tagal tagal naming umuwi.

Ang sabi saakin nila daddy may hindi pa daw nagagawa kaya dapat dito muna kami.

Kanina pa ako sinisinok. Gusto kong uminom ng tubig. "Wait for me here." Sabi ni Sam at agad na umalis.

4:30 pm na. Tinatamad na akong kumilos gusto ko nang matulog! Nakita ko naman na sumunod si Gizzelle doon sa loob kung saan pumunta si Sam.

"Uminom ka na muna ng tubig sa loob." Sabi saakin ni Daddy kaya tumayo na agad ako. Nahihilo na talaga ako, nilalamig na din ako. Mabuti nalang may binigay na jacket si Sam kanina.

"Sam. You know, I don't want this. Ipapalaglag ko to." Napahinto ako sa narinig ko. Boses ni Gizzelle iyon ah.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Gizzelle for the sake of all. Tumigil ka na. I love my fiancee." Sabi naman ni Sam. Mukhang nag aaway sila ah.

"S-sam. Please! I can't leave without you honey!" Umiiyak na si Gizzelle. She can't leave without Sam? Gaga ba siya? Pera at oxygen ang kailangan niya para mabuhay hindi si Sam. Hay nako.

"Gizzelle.. You can live without me. You can live happy with Carl." Si Carl? Anong konek naman ni Carl kay Gizzelle?

"I don't want him.. I don't love him.. That was only a mistake. I can do everything honey. I love you!" Hindi naman ako makaderetso dahil makikita nila ako kapag sumilip ako.

Bakit kase sa mismong daanan pa sila nag usap ng ganito.

"Thank you for loving me. But I don't need that. Please leave." Ano kayang pinag awayan neto? Hindi kaya si Carl yung tatay nung batang dinadala ni Gizzelle?

Hay nako nauuhaw na ako bahala na sila kung makita nila ako. Naglakad agad ako  na parang wala akong narinig.

"Sam!" Tumayo naman agad si Gizzelle galing sa pagkakaluhod at agad na hinila si Sam.

Hinalikan naman agad ni Gizzelle si Sam. Kaya umiwas na agad ako ng tingin at dumeretso ako sa kusina.

Binuksan ko agad yung ref at kumuha ako ng Pitcher. "E-ericka it's not what your thinking.." nilingon ko naman si Sam. Nakita ko naman agad yung lagpas na lipstick sa labi niya. Nagsalin naman ako ng tubig at agad akong uminom.

"S-sorry.. Yung nakita mo.." pinagsasabi na naman neto? Hinugasan ko agad yung baso na ginamit ko at tiningnan ko ulit siya.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Kanina pa siya andito eh. Hindi naman siya umaalis sa pwesto niya andoon lang siya sa may pintuan.

Nilagay ko nalang ulit sa lagayan yung baso na ginamit ko. Narinig ko naman na lumapit siya saakin kaya tiningnan ko ulit siya.

"Lagpas oh." Sabi ko sa kaniya at pinunasan ko yung  lipstick na nasa gilid ng labi niya. Bigla naman niya akong niyakap.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Mas gusto kong magalit ka saakin dahil sa nakita mo keysa sa ganiyan na tahimik ka." Tinapik ko naman agad yung braso niya para bumitaw siya. Hindi niya siguro naalala kung ano yung sinabi niya saakin kahapon.

Mahal niya yung fiancee niya at hindi ako. Hindi kami ni Gizzelle.

"Okay lang." Sabi ko at bumitaw sa kaniya. "Doon na muna ako." Sabi ko sa kaniya at tumuloy palabas ng kusina.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now