Chapter 52

191 10 0
                                    

Chapter 52
Jessie P.O.V.

Walang nagsasalita saamin habang papunta kami sa Hospital. Nilingon ko ulit si Sam na yakap yakap si Bessy. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni bessy. Iyon siguro yung mga binili niya kanina.

"Papunta kami... Yes... Something happened... Ericka.. I need Dr. Martinez.." rinig kong sabi ni Sam sa likod.  Busina naman ng bumusina si Alex dahil sa hindi umuusad ang sasakyan.

"Traffic pa. Paano na to--"

"Find another way!" Sigaw ko agad. Hindi pa namin alam ang kondisyon ni Ericka baka kung anong mangyari pa sa kaniya kapag matagal kami.

"Yes. Don't shout. Nagpapanic na ako!" Sabi agad ni Alex.

"Emergency. Yes. Do something!" Rinig ko pang sabi ni Sam sa cellphone niya.
" 5 minutes?! I need that now! Wag mo na kaming paghintayin!" Nagulat ako ng sumigaw yung nasa likod. Ipinunta ni Alex doon sa isang eskinita yung sasakyan.

"Do something on that Article, Ciana.." Nagulat ako nang may motor na pumalibot sa sasakyan namin.

"Anong nangyayari?!" Tanong ko agad. Sino sila?  "Just drive." Sabi agad ni Sam kay Alex. Yung iba ay nauna nang pumunta sa unahan at nagbibigay ng daan para saamin.

"Sir. Sundan niyo po ako." Sabi nung isang nakamotor.  Sumunod naman agad si Alex. Dito sa dinadaanan namin walang sasakyan kaya sobrang bilis namin makarating doon sa hospital. Lumabas agad si Sam at binuhat si Bessy.

Bumaba naman agad kami at sumunod sa kanila. Napayakap nalang ako kay Alex. Ano kayang mangyayari kay bessy.

"Uy si Sam!" Napalingon kami sa tumawag
"Anong nangyari?/bakit andito siya?" Rinig pang tanong nung ilang tao saamin. Nasa emergency room na si Ericka.

"Bayaran mo sila!... Then do something! Iyon lang ang trabaho mo." Galit na sabi ni Sam doon sa  katawagan niya. Pinaalis naman ng mga bantay ni Sam yung mga taong nagaabang.

Walang nagsalita saamin habang nag aantay kami sa doctor na tumingin kay Ericka. Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay may lumabas na doktor.

"We need to do some test to make sure her organs are fine, once she wakes up." Sabi niya saamin.

"Kailan po siya magigising?" Tanong ko.

"Dipende pa iyon kung paano ng katawan niya tatanggapin ang mga gamot. Mostly it takes 1 to 14 days." Ang tagal pala. Sana magising na agad si Ericka.

"It can lead also to a stage of coma." Nagkatinginan kami ni Alexander. Comatose? Hindi iyon pwede!

"We need to monitor her vitals in the next hours. She can go to her room now." Nakipag kamay naman sa kaniya si Sam para akong nanghina sa sinabi niya.

02:00 na. Andito kami sa kwarto ni bessy. Nagugutom na ako. Hayst. "Jessie oh. Kumain ka na muna." Binigyan ako ni Alex ng isang styro. Wala pa ring malay si Ericka.

"Kumain ka na. baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Sabi pa ni Alex. Ano oras kaya siya gigising? Gusto ko sa oras na gumising si Ericka makita niya agad kami na nasa tabi niya.

"Si bessy kase." Naiiyak na naman ako.

"Magiging okay din yan. Bukas pa yan magigising. Kumain ka na. Nagtext saakin si Antony. Hindi mo daw sinasagot tawag niya sayo." Napalingon ako sa kaniya. Oo nga pala nakalimutan ko si Antony!

Tiningnan ko naman yung cellphone ko. Ang dami na pala niyang missed calls saakin.

"Tawagan mo na yun."

Alexander P.O.V.

Lumabas muna si Jessie dahil kausap niya yung boylet niya. Tiningnan ko naman sila Ericka at Sam.

Nasa higaan si Ericka nasa gilid naman si Sam. Siguro kapag gising ngayon si Ericka masasapampal niya si Sam pfft. Kanina pa nakatitig.

Sana makahanap ako ng boylet na kagayan ni Sam.

"Stable na ba ang lagay niya? Anong gamot yung ininom niya?" Tanong ko kay Sam. Siya lang naman kinausap kanina eh. Pinakuhaan na namin siya ng laboratory para kung sakali mang magka-problema maagapan namin siya.

"She take sleeping pills.. kapag hindi pa siya magising within 24 hours it can lead to a comatose." Within 24 hours lang talaga. Tama ang nasa isip ko kanina.

"Wala naman tayong magagawa kundi ang maghintay." Sabi ko.

Kailangan tong malaman ni tita Andrea at tito Rene. Bukas ko nalang ipapaalam sa kanila yung nangyari kay Ericka. Baka natutulog na iyon ngayon.

"Ericka?" Tiningnan ko naman si Ericka nang marinig ko si Sam na nagsalita.
"Tawagan mo si Dr. Martinez." Sabi niya. Lumabas naman agad yung isang escort ni Sam.

Bumababa ang vitals niya. Anong nangyayari?

"Doc, bumababa po ang vitals niya." Sabi naman agad nung nurse nang pumasok sila sa kwarto, umatras naman kami ni Sam.

"We need to move her to the ICU." Kitang kita ng dalawang mata ko ang panginginig ng katawan ni Ericka. Nilingon ko naman si Sam. Hindi siya umiiyak pero namumula na ang ilong niya. Namumutla din yung labi.

"Anong nangyari? Saan nila dadalhin si Ericka?" Pinuntahan ko naman si Jessie na umiiyak. Naiiyak din naman ako at nata-takot sa kalagayan ni  Ericka pero hindi ko pwedeng hayaan na manghina ako sa harapan ni Jessie.

"Tara na. Kailangan tayo don ni Ericka." Inalalayan ko naman siyang maglakad. Si Sam ay nauna na saamin kaya nakita na namin siyang kausap yung doktor ni Ericka.

"I can't do anything, Sam. Nasa sa kaniya nalang kung gusto niya pang mabuhay--" lumapit naman ako sa kanila nang kunin ni Sam yung kwelyo ni Dr. Martinez. Tinulungan din ako ng mga bantay ni Sam na awatin siya.

"Ang tanging ginagawa lang naming mga doktor ay tulungan ang pasyente. Hindi namin sila kayang buhayin. Mauuna na ako." Tinapik naman ni Doc. Martinez ang braso ni Sam bago umalis.

"Kasalanan ko to eh.." walang may gusto neto.

Punong puno na ng tubong nakakabit sa katawan ni Ericka.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now