Chapter 5

331 15 0
                                    

Chapter 5
Ericka P.O.V.

"Bye baby!" Paalam niya.

"Bye. Text mo ko pag nakauwi ka na!" Sabi ko nang sumakay na ulit siya.

"Opo." Pfft. Baliw talaga. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Ay hala yung libro ko?! Hay nako! Nagmadali na akong lumabas pero hindi ko na talaga siya naabutan.

Binuksan ko naman agad yung cellphone ko nang may nag text.

'Si Sam ang may dahilan kung bakit namatay ang tatay mo, Ericka.'

Bakit naman si Sam ang may dahilan?
Pfft. Baliw siguro to.

Pero paano niya nalaman na hinahanap namin ang nakasagasa kay papa? Siya ba yung inutusan ni Sam?

Iisa lang ba yung lalaking kumausap saakin kanina at yung may ari ng cellphone number na to?

Sam P.O.V

"Ate si Aica po umuwi na ba?" Tanong ko kay ate Lora, asawa ni kuya Rex. Dito sila sa bahay nagkakilala kaya halos ka-pamilya na ang turing namin sa kanila.

"Ang alam ko sir. Nasa taas na po ata." Sabi niya. Tumango naman ako at dumiresto sa kusina para uminom ng tubig. Parang magkakasakit ako ngayon ah. Hayst.

"Sir. Sila sir Samuel po ba kailan uuwi?" Napalingon naman ako sa kaniya. Tumitingin siya sa hagdanan kaya tumingin din ako doon. Ano bang problema don?

"Next month pa po ata. Dipende pa. Bakit po?" Tanong ko.

"Wala sir. Hehehe." Inalis naman niya ang tingin doon nang mapansin niyang tumitingin din ako sa taas. Pinagpa-pawisan din si ate. Tingin ko may problema talaga ngayon. May sira ata dito sa bahay.

"Sige po. Sabihin niyo nalang po saakin kung may kailangan kayo." Sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang bag ko. Hinawakan naman niya ako kaya tiningnan ko siya ulit.

"Akyat na po muna ako ate." Sabi ko sa kaniya. Halatang gusto niya pa akong pigilan pero binitawan niya din ako.

Tiningnan ko din yung ibang kasama namin dito sa bahay na nakatingin lang saakin. Ano bang meron ngayon at bakit parang ayaw nilang umakyat ako?

"Ano pong meron sa taas?" Tanong ko kay kuya Rex. Umiwas naman siya ng tingin saakin kaya tumingin ako sa second floor.

"W-wala magpahinga ka na lang-- nilalagnat ka." Sabi niya nang hawakan ako. Tumakbo naman agad palapit saakin si ate Lora.

"Kunin niyo yung gamot doon sa sala! Magluto ka na din Belle." Sabi naman niya doon sa iba at kinuha nila yung dala kong gamit.

"Okay lang po ako. Magpapahinga lang ako sa taas." Umiling naman saakin si Ate Lora kaya hinayaan ko nalang siya.

Ano na kayang ginagawa ni Ericka ngayon?
Napahinto ako ng may narinig akong nahulog na kung ano sa kwarto ni Aica.

"Aica?" Tawag ko sa kaniya. Nilingon naman agad ako nila ate Lora. Bakit hindi siya sumasagot?

"Aica, okay ka lang ba jan?" Bat naka lock? Dumating naman agad si kuya Rex at pinigilan akong kumatok.

"Bakit? Ano bang meron sa loob?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila nagsalita si ate Lora naman ay nakita kong umiiyak. Bakit siya umiiyak? May nangyari ba kay Aica?

"Aica open this door!" Sigaw ko at hinampas ko na ang pintuan niya.

"Aica Marie Badeth! Open this door!" Hindi niya ba ako naririnig? Nilayo naman ako ni kuya Rex kaya hindi ko na mapigilan ang sarili kong itulak siya.

Bakit nila ako pinagbabawalan na buksan ang kwarto ni Aica?

"Pakikuha ng susi, ate Lora." Utos ko pero hindi sila kumikilos. Mas lalo lang akong nahihilo sa ginagawa nilang hindi pag-sunod saakin.

"Ate pakikuha ng susi kung ayaw niyong sirain ko ang pintuan." Hinawakan ko agad ang sentido ko. Binaba naman niya yung gamit ko at agad nang bumaba para kumuha ng susi.

"Ako nalang ang titingin kay Aica, kailangan mo nang magpahinga." Umiling ako sa kaniya. Lumapit ulit ako sa pintuan at kumatok. Bakit hindi niya binubuksan?

"Sam." Nilingon ko naman ulit si kuya.

"May tinatago po ba kayo saakin?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya at agad nang yumuko. Meron. May mali talaga sa kanilang lahat ngayon.

"Ate Lora!" Tawag ko ulit. Ang tagal. Maya maya pa ay narinig ko na siyang umakyat kaya inagaw ko sa kaniya yung mga susi.

"S-sam kami nalang ang titingin kay Aica." Umiling ako sa kanila. May tinatago sila saakin na tungkol kay Aica. Kapag may mangyaring masama kay Aica nang hindi nila sinasabi saakin hindi ako magda-dalawang isip na paalisin sila dito sa bahay.

"Bumaba na po muna kayo. Kakausapin ko lang si Aica." Sabi ko nang mabuksan ko ang lock ng pintuan ng kwarto niya. Akmang bubuksan ko na ang pintuan niya ay may pumigil saakin.

"Kuya please. Gusto ko lang makita si Aica. Dahil sa pinapakita niyo mas lalo akong nag aalala sa kaniya." Paki usap ko sa kaniya. Wala naman na siyang nagawa kundi bitawan ako at hayaan niyang gawin ang gusto ko.

"K-kuya.."

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now