Chapter 55

198 5 0
                                    

Chapter 55
Ericka P.O.V.

Pagkadating ko dito sa bahay nagulat ako ng andito yung ibang escort ni Sam.
"What are you doing here?" Tanong ko pagkababa ko sa sasakyan. Sinalubong naman agad nila ako.

"Good evening ma'am. Magba-bantay po kami sa inyo." Bago pa ako magsalita ay may mga ilaw akong nakita na nakatapat saakin.

"Ayon siya!" Napalingon ako sa sumigaw ang dami nila. Paano nila nalaman ang bahay ko?

"Pumasok na po kayo ma'am. Nasa loob na din po sila Sir. Sam." Sabi niya at inalalayan ako. Teka ano sabi niya? Nasa loob sila?

"Ma'am. Totoo po ba na binayaran ka lang ni Mr. Sam Cuesseff para pagselosin ni Mr. Sam si Ms.Gizzelle Corpuz?" Tanong nung isang reporter. Yumuko naman agad ako. Talaga bang ganoon ang iniisip ng mga tao?

"Ma'am I have a question." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. She's so young.

"Do you love Mr. Sam Cuesseff?" Tumango ako sa kaniya. Nanlaki naman agad ang mata niya. Siguro di niya ine-expect ang sagot ko.

"Ma'am totoo po bang pinagawa ni Mr. Cuesseff ang bahay na to para sa inyo?" Napatingin ako sa doon sa isa pa. Pinapalayo naman sila saakin kaya dumeretso nalang ako sa loob. Nakita ko naman agad sila pagkapasok ko. Bakit nauna sila dito?

"Bessy.." dumeretso na agad ako sa taas. Aalis ako ayokong mag stay muna dito. Hinding hindi ko na gagawin ang ginawa ko nung nakaraan ng dahil kay Sam o sa kahit anong problema.

Pagkatapos kong magpalit at mag ayos nagulat ako nang may kumatok.

"Anak? Pwede ba akong pumasok?" Binuksan ko naman ang pinto para kay mama pero bumalik lang din ako sa make up table na andito sa kwarto ko.

"A-ang laki na ng pinagbago mo nak. Kamusta ka na?" Hindi siya umaalis doon sa pwesto niya kanina kaya napatingin ako sa kaniya. "Kakamustahin ka lang naman namin.. sana." Nakita ko ulit siyang umiiyak kaya tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Inalalayan ko siyang maglakad papunta sa higaan ko.

"Sorry.." sabi niya at agad akong niyakap. Sobrang na miss ko to. Sinanay ko yung sarili ko na wala sila sa loob ng pitong taon pero nangungulila parin ako sa kaniya.

"Ako po ang dapat na humingi ng tawad." Pinunasan ko agad ang pisnge niya na basang basa na dahil sa pag iyak. "Sa sobrang dami ng ginawa niyo saakin wala man lang akong naisukli sa mga iyon." Sabi ko at niyakap ko ulit siya. Ramdam na ramdam ko na ang mga kulubot sa mga braso niya.

"Sa loob ng pitong taon na wala kayo. Sobrang nahirapan ako.. Hindi ko din inintindi ang dahilan niyo noon kung bakit niyo nagawa iyon.." napatigil ako nang umiyak na siya ng sobrang lakas. Hindi naman na ako nagsalita at hinintay ko muna siyang tumigil.

"Nagawa namin iyon dahil ayokong masaktan ka.. Alam ko na mahal na mahal mo ang papa mo.. Kaya mas pinili ko na hindi iyon sabihin sayo.." napalingon ako sa biglang pumasok.

"I know that now ma.. Don't cry please.." sabi ko at hinawakan ko ang buhok niya. Nakatingin lang saamin si Sam pati si daddy. Pinunasan ko agad ang pisnge ko at binalik ko ang tingin kay mama.

"Aalis na muna ako. Magpahinga ka na po muna." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.
"Anak.." napalingon ako sa tumawag saakin. Alam ko naman kahit hindi na magpaliwanag si daddy ganoon din ang sasabihin niya.

"I miss you too daddy.." sabi ko at niyakap ko siya. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nang mag-hiwalay kami ng pagkakayakap nakita ko si Sam na nagbigay kay mama ng tubig.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now