Chapter 82

232 10 1
                                    

Chapter 82
Ericka P.O.V.

Bakit hindi ko naalala iyon? Kaya pala ibang iba na ang trato niya saakin dahil Fiancee ko na siya. Bakit ngayon ko lang ba naisip iyon?

"Magtakip ka nga ng mukha mo. Baka may makakilala sayo eh." Sabi ko at agad kong binaba yung sumbrero niya.

"Wala na akong magagawa don.. Gwapo ako kaya kilala nila ako." Sabi niya at tinanggal yung sumbrero niya. Andito kami sa tambayan ko. Kagayang kagaya din to doon sa tinatambayan namin noon sa Bicol.

"Ang kapal mo. Kapag may nakakilala sayo at pinagkaguluhan ka iiwanan talaga kita." Tumawa naman agad siya.

"Doon nalang tayo kay nanay Rosie." Tinuro niya yung palagi kong binibilhan nung kwek-kwek at fishball.

"Kilala mo siya?" Tumango lang siya at agad na lumapit kay Aling Rosie. Sumunod nalang din ako.

"Good afternoon po." Bati ni Sam sa kaniya..

"Oh? Magkakilala kayo?!" Turo niya saamin. Nagulat siya. Halata naman eh. Hinawakan naman ni Sam yung kamay ko at pinakita sa kaniya.

"Sabi na! Tuwing bibili ka dito iha noon palagi kong nakikitang kasunod mo to eh." Napatingin naman ako kay Sam na kumukuha na ng pagkain namin.

"Stalker ko po iyan.--"

"Maliban lang doon sa nakita kita na nakahiga sa may unahan." Tinuro niya kung saan ako nagpark noon.

"Kapag di niya ako kasama lapitin ng aksidente po ito. Kaya dapat palagi akong kasama diba nay?" Tumawa naman agad si Aling Rosie kay Sam. Kumuha naman si Sam ng spicey sauce at naglagay doon sa dalawang cup namin.

"HAHAHA edi ikaw na ang knight and shinning shimmering armor ko." Kinurot ko yung tagiliran niya kaya umatras siya agad.

"As always my love." Pfft.

"Sabi na kayo talaga ang magkakatuluyan!" Sabi naman ni Aling Rosie. Hindi nalang ako kumibo. Tutal hindi pa naman alam ni Sam na naalala ko  iyon eh.

"Sam pwede po pa picture?" Sabay naman kaming napalingon sa isang grupo nung mga babae.

"If you'll buy here.. At magpaalam kayo sa asawa ko. Baka mag selos na naman eh." Sabi niya at nagtago sa likuran namin ni Aling Rosie.

"Sige bibili po kami.." kumuha naman agad sila ng cup at agad na kumuha atnagbayad.

"Ma'am.. Asawa na po ba talaga kayo--"

"Yes. She's my wife." Tiningnan ko naman ng masama si Sam. Fiancee palang asawa na agad?

"Papa-picture lang po kami please?" Pfft. Siguro mga highschool student palang ang mga to.

"Bakit niyo ba gustong magpapicture sa kaniya?" Tanong ko sa kanila.

"Pfft. Go baby." Rinig kong bulong ni Sam sa likod ko. Akala ba niya di ako papayag? HAHAHA Nakaka sense naman ako kapag gusto talaga nung babae na agawin yung unggoy ko. Pfft. Pwede ko na ulit siyang ipagdamot.

just kidding.

"Kasi po idol po namin siya. Sikat na sikat po siya sa buong school namin. Please ma'am? Please." pfft.

"Sige na." Lumingon naman ako kay Sam na nakataas ang kilay saakin. Nagtata-talon naman sila. Parang si Jessie lang noon kapag nakikita si Sam. Pfft.

"Sabi mo yan! Wag mo kong aawayin mamaya!" Sabi niya bago lumapit doon sa mga babae.  Isa isa naman na nagpapicture sa kaniya yung mga high school students. Tumitingin siya saakin tuwing papalit na nung magpapa-picture. Baliw talaga.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now