Chapter 83

191 6 0
                                    

Chapter 83
Ericka P.O.V.

Wala na sila mama at daddy dito sa tabi ko nung gumising ako. Anong oras na ba? '7:00' hayst. Parang hindi ako nakatulog ng matagal. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto nila mama.

May narinig akong nagtatawanan sa baba. Bakit parang andito si Aica? "HAHAHA. Nakaka excite!!" Rinig kong sabi ni Jessie.

Bumaba na ako pagkatapos kong magtoothbrush para tingnan kung andito ba si Aica. Andito nga sila pati si Sam, Antony at James. "Pfft. Anong nangyari sayo?" Tanong saakin ni Jessie. Bakit ano bang nangyari saakin?

"Good morning baby. How's your sleep?" Hinalikan niya naman ako sa noo.

"Morning. Bakit ang iingay niyo? Umagang umaga eh." Tanong ko sa kanila. Tumatawa naman saakin sila Jessie. Ano bang nakakatawa?


Jessie P.O.V.

Ang hirap magpigil ng tawa kay Bessy. Puno kase ng drawing yung mukha niya. Parang pusa tapos may bahay sa noo niya. Yung baba naman niya may bulaklak. Basta kung ano ano ang nasa mukha niya.

"Isa pa Jessie tingnan mo. Babatuhin talaga kita ng kutsara." Pinipigilan ko nalang yung tawa ko. Parang hindi lang naman ako ang natatawa sa mukha niya. Lahat kami maliban kay Sam. Ang galing magpigil ng isang to.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Sam saamin.
"Sa Sm Fairview lang kuya then another Mall basta!" Pfft. Actually hindi talaga namin alam kung saan kami. Dipende nalang mamaya kung saan maisipan.

"I'm busy for the whole day. Hindi kita masasamahan." Pfft.

"Kuya. Girls bonding kase diba? Girls bonding tapos sasama ka?!" Natawa naman agad kami kay Aica.
Akala ko paguwi neto magiging inglesera. Pero hindi naman.

"Yes. Kasama niyo si Ericka. So I need to be there too. Baka maghanap pa kayo ng mga ka-date niyo." bagay na bagay tong dalawa na magsama. Parehas seloso at selosa.

"Sundan nalang natin sila bro." Tiningnan ko naman agad si Antony. Anong sasama?!

"No!" Sabay sabay naming tatlo na sabi. Pfft. Bff goals.

"Kapag sumunod kayo makikipaghiwalay kami sa inyo. Lalo ka na Sam." Pfft great Idea bessy. Tiningnan ko naman si Antony na nakataas ang kilay saakin. Iniisip niya ba na hindi ko kayang makipaghiwalay sa kaniya?

Hindi talaga.

"Oh ano? Sasama ka pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh ikaw? Sasama ka pa James? Once I said. I do. Sasama ka o hindi?" Tanong niya naman. Hshshs. Tumawa naman si tito sa kanila nang magwagi kaming tatlo pfft.

"Ganyan para walang gulo. Ganyan ang tunay na lalaki." Natatawang sabi ni Tito kinurot naman siya ni tita. "Aray! Totoo naman na dapat ganoon diba? Baka--"

"Manahimik ka Rene." Nagtawanan agad kaming lahat kay tita. Napaka sungit habang tumatanda pasungit ng pasungit. Manang mana si Ericka.

"Hindi ba may party bago ikasal?" Bulong saakin ni Alex. Oo nga noh? Bridal Shower ba ang tawag don? Kinuha ko naman yung cellphone ko at nag text kay Aica. Nakita kong tumingin saamin si Sam. Mahirap na.

"Night before the wedding. So mamaya. Should I invite dancers?" Text ko sa kaniya. Kumain nalang ulit ako. Nakita ko naman na nagta type na siya kaya kinuha ko yung cellphone ko. Baka kunin ni Antony mahirap na.

"Go! I'll call Cristoffer later. Magparty tayo sa bar niya." Text naman niya. Yes! More drinks to come!

"Si Cristoffer yung main dancer! Tapos sasayaw ng sexy dance!Excited ako!! More drinks and boys! " excited na sabi ko kay Aica. Napahinto ako ng nakatingin na pala silang lahat saakin. Omy gosh! Why did I said that out loud?!

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now