Chapter 28

236 8 1
                                    

Chapter 28
Alexander P.O.V.

Kanina pa kami nandito sa sala dahil hindi pa rin lumalabas si Ericka sa kwarto namin.
"Naka lock. Hayaan na muna siguro natin siya." Sabi ni Jessie habang papalapit saakin.

"Sigurado akong umiiyak iyon." Sabi ko sa kaniya. Kaka-sagot niya palang kay Mart naghiwalay na agad.

"Kung kailan ready na ulit magkalove life si bessy, ginulo naman ni Sam." Bulong ni Jessie at uminom ng wine.

Kapal ng mukha namin diba? Kami na nga lang nakikistay, lahat pa ng nasa ref kinu-kuha namin.

Pero isang bote lang naman diba wala naman masamang humingi. HAHAHAHA

"Pero bakit kaya gusto pa ni Sam si Ericka? After 7 years na hindi sila nagkita, mahal niya pa rin ba si bessy?" Sabagay pero yung mga naging ex ko naman pag nagkikita kami parang wala lang. HAHAHA

"Siguro, in love parin si Sam. HAHAHA true love never dies?" Hindi ko pa nakikita ang true love ko kaya single pa rin ako HAHAHA.

"HAHAHAHA naniniwala ka sa ganon?"

"Kapag napatunayan ko na love pa rin ni Sam si Ericka." sabi ko. Pero mukhang mahal naman pa rin ni Sam si Ericka kaya naniniwala na ako ng slight.

"Pero ang tanong. Mahal pa ba ni Ericka si Sam? Eh shempre after 7 years na hindi sila mag kasama diba." Nagulat ako nang naglakad si Sam sa likod ni Jessie. Binaba ko naman ang baso ko at tiningnan si Sam.

"Tapos si Martin ang kasama niya sa lahat ng bagay. There's a possibility na minahal na ni bessy ng totoo si Mart keysa sa pagmamahal ni Bessy noon kay Sam." Tuloy tuloy lang siyang nagsasalita. Hindi naman ako makapag react dahil parang mainit din ang ulo ng si Sam.

"Then I don't have a choice than to give him a taste of death while he's alive. " Sabi niya at umalis. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.

Alam ko naman na nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon pero sobra naman ata ang binago ni Sam?



Ericka P.O.V.

Nagising ako umaga na. Ang sama ng pakiramdam ko. Kahapon ko pa inaantay ang text o tawag ni Martin pero kahit sa tawag ko hindi sumasagot.

"Bessy?" Lumingon ako sa may pinto. Ang sakit ng ulo ko. Pumikit muna ako ng saglit dahil nanlalabo ang paningin ko. Lumi-lindol ba?

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at lumapit saakin. Tumango naman ako at pinilit kong bumangon pero nahilo ako kaya nahiga ulit ako.

"Nilagnat ka! ALEX! SAM! SI ERICKA NILA-LAGNAT!" Sigaw niya agad sa labas ng kwarto. Para namang mamamatay akonsa reaksyon niya.

"Okay nga lang ako." Sabi ko at sinubukan ko ulit bumangon. Mabuti hindi na masyadong umiikot ang paningin ko.

"Teka wag kang gagalaw. Mahiga ka lang jan--"

"Pwede ba?! Okay lang ako. Umalis ka na muna." Sabi ko at hinawi ko ang kamay niya. Kaya ko naman ang sarili ko hindi ko kailangan ng tulong.

"Ericka--"

"Umalis ka na." Sabi ko at tumayo. Kinuha ko na agad yung tuwalya ko na nakalabas at naglakad na papunta sa banyo.

"Saan ka pupunta?" Alangan namang lumabas ako ng bahay ng ganito ang itsura ko. Hindi talaga nag iisip.

"Maliligo ako."

"Are you sick?" Kahit hindi na ako lumingon sa may pintuan para tingnan kung sino ang pumasok, kilala ko na siya.

"I'll call a doctor. Magpahinga ka lang muna." Tss. Dumeretso agad ako sa banyo. Siya naman ang may dahilan kung bakit ako nilalagnat ngayon tss.

Bakit niya pa kasing gawin iyon? Wala naman akong naging kasalanan sa kaniya para gawin niya iyon at magkahiwalay kami ni Mart.

Naligo ako muna ako at nag blower. Mabuti may damit ako dito na nakalagay. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko nang matapos ako.

Nakita ko naman siyang nakatingin sa bintana nang matapos ako. Bakit pa kailangan andito to? Dumeretso na agad ako sa higaan at kinuha ang cellphone ko.

'Mart answer my calls,please.'

Tinawagan ko siya pagkatapos kong isend ang message ko. Hindi man lang niya pinakinggan ang tawag ko at agad nang umalis. Kung hindi lang sana ako pinigilan ni Sam kahapon nakapag-paliwanag pa sana ako mg maayos.

"The number you have dialed is an attended" pinatay ko agad yung tawag at pumikit. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag naalala ko kung paano ako pumirma doon sa marriage certificate.

Bakit niya pa kase kailangan gawin yon? Ano pa bang kailangan niya? I already forgave them. Pinalaya ko na din siya noon. Hindi pa ba sapat yon?

"Im sorry." Nilingon ko naman siya. Nandoon pa rin siya sa bintana pero nakatingin na siya saakin ngayon.

"B-bakit mo kailangan gawin yon?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman na maawat ang mata ko sa kakaiyak.

Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil lang kay Sam pero ngayon, nasaktan na naman niya ako.

"Because I love you." Sabi niya at lumapit saakin. Umiwas naman ako ng tingin at pinilit kong maupo ng maayos. Hindi kami nakakapag usap ng maayos dahil sa nangyari.

"Im still in love with you at hindi ko kayang makita ka na kasama niya. Ayokong makita ka na masaya kasama niya--"

"Kaya sinaktan mo ko?" Putol ko sa sinasabi niya. Sa pagkakaintindi ko, tanging sarili niya lang ang iniisip niya at hindi niya iniisip kung may masasaktan ba siya o masisirang relasyon.

"No. I did that for you to be happy and free, baby. Hindi ka niya totoong mahal--" hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko na siya. Ang kapal talaga ng mukha niyang sabihan ako na hindi ako mahal ni Martin.

"H-how can you say that? Mahal niya ako. I know that. Ramdam ko yon!" Sigaw ko sa kaniya. Tumayo naman siya at agad na umiling.

"If he really love you hindi ka niya babaguhin. You changed a lot. You even put make ups kahit ayaw mo non you're wearing dress now kahit gusto mo--"

"Wala kang karapatan para sabihin mo saakin yon. Yes I've changed a lot. Dahil iyon ang gusto ko!" Inis kong sigaw sa kaniya. Hindi naman na siya kumikibo pero alam kong galit siya saakin ngayon. Bakit ba nangengealam siya saakin?

May sarili na siyang buhay kaya sana naman hayaan na niya ako. Gusto ko nang tumakas sa alala ng nakaraan.

"I want that. Ginusto ko iyon--"

"Ginusto mo iyon dahil gusto niya iyon para sayo!" Napatigil ako sa sigaw niya. Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya. He has a point. Isa din iyon na dahilan ko noon kaya binago ko ang mga gusto ko.

"I never changed you when I loved you. Dahil yon ang minahal ko sayo. Iyon ang nagustuhan ko sayo hanggang ngayon." Napayuko ako sa lahat ng sinasabi niya.

Marami na ngang binago saakin si Martin. Maraming bawal at ang mga dapat ko lang gawin. Pero nang dahil don minahal ko siya.

Oo mahal ko na si Martin at hindi iyon magbabago.

"Eat your breakfast. Mamaya darating na ang doctor na titingin sayo." Sabi niya bago lumabas dito sa kwarto. Hinayaan ko na muna ang sarili kong umiyak mag isa.

They loved me in different ways kaya minahal ko sila dahil sa ginagawa nila. Minahal ko si Martin dahil sa mga ginagawa niya saakin. They both want what is the best for me.

Pero nakaraan na yung kay Sam.


MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now