Chapter 12

247 15 0
                                    

Chapter 12
Sam P.O.V.

Kinukutuban na ako. Pero kanino naman niya malalaman iyon?

"Tao po?" 

"Sam. Pasok ka." Sabi agad ng daddy niya at pinagbuksan ako ng gate.

"Ano pong nangyayari?" Kinakabahan kong tanong nang makita kong umi-iyak ang mama ni Ericka.

"Alam na niya ang totoo,Sam." Sabi ng mama niya saakin. Sana mali yung nasa isip ko. Wala namang kaming pinagsa-sabihan kundi ang malalapit lang saamin.

"Ano pong totoo? " tanong ko ulit nang lumapit ako.

"Lumayas siya dahil nalaman niya na ang kapatid mo ang may kasalanan kung bakit namatay si Gerald. Galit na galit siya saamin dahil tinanggap namin ang binigay na pera ng mga magulang mo." Kanino niya iyon nalaman? Sinabi ba nila?

"Ibabalik namin sa inyo yung pera para magkaayos kami ng anak ko." Sabi ng mama niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko din gusto yung ginawa ni daddy pero hindi na iyon maiba-balik. Galit na saamin ngayon si Ericka.

"Please hanapin mo siya" napalingon ako sa Daddy ni Ericka.

"Hindi ko pwedeng iwanan mag isa dito ang asawa ko. Kaya sayo ako makikiusap. Pauwiin mo na siya." Sabi niya saakin.

"Susubukan ko po ang makakaya ko." Sabi ko bago umalis sa bahay nila.

Isa lang ang alam kong tatakbuhan niya. Hindi ko pa alam kung ano ang mga sasabihin ko kapag nagkita kami. Pakiramdam ko makikipaghiwalay na din saakin si Ericka.

Hindi pa ako handa sa araw na to.
Bakit parang ang bilis..



Aica P.O.V

"Kuya." Tawag ko sa kaniya pero diret-diretso lang siya papunta sa taas.

"Magkakabati din kayo niyan." Nakangiting sabi ni kuya Rex saakin kaya sumunod ako kay kuya hanggang sa labas ng kwarto niya.

"kuya, sabay na tayo kumain." sabi ko pagkatapos kong kumatok. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago niya ako pagbuksan.

"Pumasok ka may sasabihin ako." Nagulat ako sa mukha ni Sam. Ngayon ko lang siya makita na namamaga ang mata niya. Umiyak ba siya kanina? O nag away sila ni Ericka?

Pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko yung mga bote ng beer at wine sa mga sulok. Ngayon nalang ulit ako nakapasok dito. Kailan pa siya nagsimulang uminom dito?

"Okay ka lang ba kuya?" Kinakabahan kong tanong. Hindi naman ako makapunta kahit saan dahil baka pagalitan niya ako.

"Maupo ka." Dumeretso ako sa lamesa niya. Sobrang seryoso ng mukha ni kuya Sam ngayon. Papagalitan ba niya ulit ako?

"May gusto akong malaman mo." Panimula niya. Uminom ulit siya. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko magawa. Natatakot akom

Hindi nalang ako nagsalita, parehas na parehas sila ni Daddy. Makulit sila pero kapag may problema or galit sila nagiging sobrang seryoso sila.

"I'm sorry." Napatingin ako sa kaniya. Over protective siya saakin at dahil mahal niya ako bilang kapatid niya. Naiintindihan ko na siya.

"N-no kuya. Kasalanan ko iyon. Hindi ako nag iisip. Masyado akong nagtiwala sa kaniya to the point na maibibigay ko sa kaniya yung sarili ko." Sabi ko agad tumingin lang siya saakin kaya yumuko nalang ako para hindi magtagpo ang mata namin. Ayoko nang umiyak.

"Sorry dahil sa nagawa ko. Pangako kuya hinding hindi ko na uulitin iyon. H-hihiwalayan ko si James kung gusto mo. L-layuan ko din siya." Kahit kabisado ko na to pero naiiyak parin ako.  Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako. Kaya hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"You promise me that?"

"Y-yes kuya. If you want ipabantay mo saakin si Kuya Rex kahit saan ako pumunta para lang mapanatag ang loob mo." Pinunasan niya agad yung luha ko ngumiti naman siya saakin kaya medyo napanatag na ang loob ko.

"I will do that."sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Ilang minuto ko din siyang tinitigan lang habang nakayuko siya sa harapan ko. Kanina pa siya umiiyak.

"May problema ka ba?" Lakas loob na tanong ko sa kaniya. Kinuha niya naman yung upuan niya at inilapit saakin.

"Sa mga susunod na araw hindi na ako makakauwi." Pinunasan niya ang pisnge niya at ngumiti ulit siya saakin.

"May kailangan lang akong tuparin."

"T-tuparin?" Tanong ko. Tumango naman siya kaya mas lalo akong naguluhan. Saan siya pupunta?

"Y-yes. That is what she really wants." She? Babae? Sino naman?

"Sino kuya?" Bakit ba nag iiyakan kami?

"My love." Si Ericka? Bakit magsasama na ba sila? Pero imposible namang magsama sila ayaw pa nga ni Ericka na palagi silang magkita kasi daw baka magsawa siya agad kay Sam pfft.

Hindi na ako nagsalita dahil kitang kita ng dalawang mata ko na umiiyak siya. Bakit ba siya umiiyak?

"Naalala mo ba yung nakaaksidente tayo?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Tumango nalang ako. Iyon ang pinaka ayokong balikan sa nakaraan.

"Kailangan kong pagbayaran iyon." Binitawan ko naman ang kamay ni kuya. Bakit niya pa kailangang gawin iyon?
"Tinago namin sayo ni Dad and mommy kung sino iyon." At anong koneksyon nung lalaki kay Ericka?

Ang gulo naman ni kuya...

"What are you talking about? Sabi niyo magaling na iyon di ba? And anong konek naman yan kay Ericka? HAHAHAHA kuya naman magpaprank ka nalang magulo pa." Sabi ko at tumawa ako. Hindi naman siya kumikibo kaya mas lalo akong natatawa sa kaniya para kasing baliw--

"Iyon ang totoong papa ni Ericka." Napatigil ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagtayuan ang balahibo ko sa batok.

"Tinago namin iyon sayo dahil ayokong nakikita kitang umiiyak at sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari." Yung bangungot na iyon bumalik ulit saakin. Bakit? Bakit nila tinago saakin iyon?

"Remember this. Wala kang kasalanan okay? This is all my fault." Niyakap agad ako ni kuya kaya hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Ito ba ang dahilan kung bakit siya nagbago? Simula lang ito nang hanapin nilang dalawa ang nakapatay sa papa ni Ericka..

"Gusto kong maging okay kami ni Ericka. Ito lang ang tanging paraan para mapatawad niya ako." Alam na din ba ni Ericka? Sinabi na ba nila daddy sa kaniya?

"Bisitahin mo ako palagi doon ah." Bumuhos na agad yung luha ko. Wala siyang kasalanan don. Ako ang nakabangga dahil hindi ko sila sinunod. Dapat ako ang magbayad non.

"Hindi kuya.. kasalanan ko--"

"Shh.. It's my fault. Ako ang nagtuturo sayo noon. Pumayag ako na ako ang magturo sayo. So it's all my fault." Umiling ako. Ako yung nakapatay at hindi siya. Ako ang dapat sisihin ni Ericka. At hindi si kuya.

"Kung kakalat ito sa media. Ikaw na ang bahala sa school ko. Wag na wag kang magsa-sabi na kasalanan mo iyon! Mas mahihirapan lang tayo." Umiling ako sa mga sinasabi niya. Dapat ako ang makulong.. ako lang.. wala siyang kasalanan.

"Listen." Inangat niya yung baba ko.

"Wala kang kasalanan. This is all my fault. Yung pinangako mo saakin kanina. Sana tuparin mo." Sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit. Hindi ko kayang maiwan ng mag isa dito. Mas lalong hindi ko kayang mawala si kuya sa tabi ko.

Mawala na ang lahat wag lang si kuya..

"I'll miss you Badeth." Sabi niya at iniwan ako. Hindi naman ako makagalaw o makaalis dito.

'Take care of yourself baby girl.
Always remember that I love you both
Kaya ginagawa ko to. I love you..'

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now