Chapter 34

216 6 0
                                    

Chapter 34
Ericka P.O.V.

Nasaan ako? Inikot ko yung paningin sa buong bahay.

Ang natatandaan ko magkakasama na kami nila Jessie kagabi. Nasaan na sila?

"Ang ganda." Bulong ko nang pumasok ako dito sa isang walk in closet. Automatic din ang pagbukas ng ilaw.

Babae ba ang nakatira dito? Sobrang laki naman ng bahay nato.

Lumabas agad ako doon baka dumating yung may ari mapagalitan pa ako.

"Jessie?!" Tawag ko. Sumilip pa ako sa terrace niya. 2nd floor pala to? Nasaan ang hagdanan?

Paano nabago ang damit na suot ko?!

Nananaginip lang ba ako na magkaka-sama na kami kagabi ni Jessie pero ang totoo naisama ako nung lalaki?

"How's your sleep, baby." Napalingon ako sa pumasok. Siya? Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, may mga pumasok naman na babae at pumunta sa pinag-higaan ko.

"Pfft. Welcome home. Tara na. Naghihintay na sila sa baba." Sabi niya at lumapit saakin. Lumayo naman agad ako sa kaniya at lumapit doon sa mga babaeng nagli-ligpit.

"Ako na po." Ngumiti naman sila at umiling. Hindi ko naman alam kung ano pa ang ililigpit ko dahil lahat sila ay may mga ginagawa na.

"Sila Alex. It's lunch time." Tiningnan ko naman yung wall clock 11:45 na pala. Ang tagal ng tulog ko.

"Magkikiligo muna ako. Nasaan ang Cr?" Tanong ko at binuksan ko yung maleta ko. Ito yung dala ko nung pumunta kami sa Lovericka. Nadala na pala nila dito ito.

"There. You have also new clothes on your closet." Nilingon ko naman agad siya. Tumitingin naman siya sa laman ng ref.

"Closet ko?"

"Yes. Sayo lahat ng andito. Sumunod ka nalang sa baba after mo. I'll wait for you." Sabi niya at iniwan ako. Saakin lahat ng andito? Baliw na ba siya.

'Wear this.' 

Tiningnan ko yung damit. Maganda naman. Simple white dress. Tapos may design sa harap na sunflower. Sakto hindi ko pa naman gusto ang damit na napili ko.

Nagpalit agad ako ng damit. Bagay naman saakin. Saktong sakto lang din saakin.

Nagsuklay na lang ako at naglagay ng lip-gloss para hindi naman masyadong maputla labi ko. Bago lumabas kung saan lumabas kanina si Sam.

Ang laki naman na bahay to. Nakita ko yung hagdanan sa may gilid ng kwarto ang dami ding pintuan. Paupahan ata to eh kaso para namang palasyo. May pa-chandelier pa.

"Good afternoon ma'am" nagulat ako sa biglang nagsalita. Siguro kasing edad ko lang din siya. Lumapit naman ako sa kaniya.

"This way po. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir." Sabi niya nang makababa ako. Sobrang laki naman ng bahay na to.

"Good afternoon bal/bessy." sabay nilang sabi kaya lumapit agad ako. Kumakain na si Jessie pero si Sam ay nakatingin lang sa cellphone niya.

"Ang fresh mo ngayon ah." Sabi ni Alex tatabi sana ako sa kaniya nang magsalita si Sam.

"You'll seat here." Sabi niya at tinuro ang kaliwang side niya. Sumunod nalang ako. Siya ata may ari ng bahay eh.

"Uuwi din kami mamaya." Sabi ko agad nang makaupo ako. May mga lumapit naman saakin at inayos ang pinggan ko.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now