Chapter 20

247 15 0
                                    

Chapter 20
Ericka P.O.V

"Ano? Ready na? Swimsuite niyo?" Tanong ni Alex saamin. Kanina pa siyang umaga tanong ng tanong ng ganyan.

"Tss. Kung gusto mo ikaw nalang mag suot." Inis na sabi ko at inilagay ang bag ko sa likod.

"HAHAHAHA napaka sungit. Smile!! Birthday mo sige kaa. Nakasimangot ka na niyang buong taon." Tss. Hindi ko nalang siya kinibo at sumakay na sa driver seat. Sumakay na din naman sila kaya maingay na naman hindi ba sila napapagod kaka-daldal?

Nag drive ako papuntang Lovericka. Excited na ako shempre that's my dream resort! Pinag-ipunan ko iyon dahil sikat na sikat sila. And pag yayamanin diba. Ano kaya ang una kong gagawin don?

"Here we go." Sabi ko at bumaba. Andito kami sa parking lot nila kahit nasa parking pa lang kami ang ganda na. Ang pagkaka-landscape ng halaman sa gilid. Napaka ganda.

"Picture!!"sabi ni Alex kay Jessie.

"Wait magba-vlog ako!!" Sabi ni Jessie at naglabas ng camera. Kinuha ko naman ang mga gamit namin. Dito palang ibang iba na ang ganda.

The painting on the parking lot was 3d. Parang nasa dagat na kami. Isama mo pa yung amoy ng dagat. Hayst. Ang saya siguro tumira sa ganito.

"Good morning JessieBies ! It's me again Your one and only Jessie!!" Tss. Corny.
Nang isarado ko na ang sasakyan ay hindi pa rin pala nila kinukuha ang gamit nila. Hayst gusto ba nilang ako pa ang magbuhat neto?

"Kunin niyo na ang gamit niyo." Sabi ko sa kanila. Hindi naman ako nililingon ni Jessie kaya kinalabit ko si Alex.

"Mamaya na!" Tss. Binuhat ko na lang iyon at dumeretso sa loob. Kung aantayin ko pa sila baka gabi na kami makapasok.

"Let me help you." Napahinto ako sa isang malalim na boses na nasa likod ko. Akmang kukunin niya yung dala ko ay iniwas ko agad iyon.

"No need." Sabi ko agad. Baka magnanakaw to eh tapos paraan niya lang ang ganyan. Nagtaas siya ng kamay at lumapit agad yung isang staff.

Hindi na ako nag abalang tumingin sa kanya at dumeretso sa lobby.

"Good morning ma'am." Sabi nung lalaki at kinuha ang bag na dala ko at nilagay sa cart. Nilingon ko yung lalaki kanina, seryoso lang siyang nakatingin sa labas.

Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Pero mukha naman amerikano, baka hindi ko siya talagang kilala.

"Uy!" Nagulat ako sa biglang umakbay saakin. Pagtingin ko ulit doon sa lalaki nakatingin na siya saakin.

Hala. Nakakahiya!

"Bakit ba ang tagal niyo? Ikaw na kuma-usap jan may nakalimutan pa ako sasasakyan." Sabi ko at umalis ulit. Nakatingin lang naman yung lalaki saakin hanggang makalabas ako.

Iniisip siguro non type ko siya kaya tinitingnan ko.

"Sama na ako!" Sabi ni Jessie.

Lumabas ulit ako dahil naiwanan ko yung cellphone ko. Makakalimutin na talaga ako. Pasensya na HAHAHA.

Alex P.O.V.

Parang nakita ko na to dati eh. Uhm.. 

Aha!

"Sam?!!" Gulat na tanong ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako kaya lumapit na ako sa kaniya. Sabi na! Tama ako eh.

"Ang pogi mo na! Pa picture!" Sabi ko at nagpapicture sa kaniya. Grabe na ang pinagbago niya. Hindi ko talaga naisip na siya si Sam noon.

"May girlfriend ka na?" Tanong ko agad. Baka may pag asa pa ako diba. Joke!

Baka may chance pa sila ni Ericka..

"I have my wife." Eh?

"K-kasal ka na?" Paano si Ericka?! Sila pa naman ang mas bet ko keysa kay Mart. Pfft.

"Yes."

"Seryoso?? Nasaan? Nagbabakasyon ba kayo dito?" Okay na siguro iyon na may iba na si Sam. Ang laki na din ng pinagbago nilang dalawa ni Ericka eh. Mukhang malabo pa na magbalikan sila.

"I owned this resort... And that is my wife." Sabi niya at tumingin doon sa labas. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin.

"What?!" Nagulat ako ng makita ko kung sino yung nasa labas. Papa-lapit si Ericka. Ang ibig sabihin ba ni Sam hindi niya pa rin nakakalimutan si Ericka?

"Here's my number. Call me later." Sabi niya at agad nang umalis. Hindi naman na ako makakilos dito. Kasal na din sila?

Kailan pa? Bakit hindi sinabi ni Ericka saamin?

"Bakit tulala ka na jan?"salubong ni Ericka.

"Excuse me sir. Wala pong nagpa-book na pangalang Alexander Martinez." Sabay sabay kaming napalingon sa kaniya. Bago pa ako makapagsalita ay nauna nang lumapit si Ericka.

"What do you mean?" Tanong agad ni Ericka. Warfreak pa naman to.

"Wala pong nakasulat--"

"Check it again. That's impossible!" Pfft highblood na naman. Kaya wag na huwag mong galitin ang malambing na dragon kung ayaw mong masira ang buhay mo.

"Relax HAHAHA" bulong ko sa kanya. Hindi naman na siya kumibo kaya naghintay pa kami dito hayst.

"Wala po talaga ma'am--"

"Imposible! You already verify--"

"That's okay. Magcheck in nalang kami ngayon." I cut her. Nakakahiya halos pagtinginan na kami ng mga tao dito.

"And sir we only have one available room at sa May 2 po ay may nagpabook--"

" Nagpabook kami last week pa tapos ganito ang mangyayari?! We leave our job for this kind of Resort?! Na hindi maayos?."
Okay. Galit na talaga siya pfft. Hinawakan ko naman agad ang braso niya. Talaga bang magagalit siya doon sa babae? Kawawa naman. Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya.

"Give my room to them." Napalingon ako sa nagsalita. Ano bang plano neto? Ayaw niya ba yung hindi siya nakikilala ni Ericka?

"No need. Aalis na kami dito. Ang dami dami pa namang magagandang reviews ang resort na to pero wala naman palang katotohanan --"

"Ericka.." pigil ko sa kaniya. Halata na din kasing napipikon si Sam sa mga sinasabi ni Ericka.

"Bakit totoo naman ah!" Galit niyang sabi.

"All the reviews on our social media are from our customers Miss. We didn't say that they should rate our resort for being best resort here in the Philippines. So technically, the reviews on our social media are true." sagot ni Sam. Tiningnan naman siya ng masama ni Ericka.

"Blah blah blah. Wala akong pakealam. Aalis --"

"Thank you. Tatanggapin namin iyon." Sabi ko at hinila ko na si Ericka palabas. Nakakaloka naman na may kasama kang ganito tuwing aalis. Hayst.

"Stop. Bakit ba pumayag ka--"

"May ari yon ng resort kambal. Magpigil-pigil ka ha naka-kahiya." Sabi ko at inirapan ko siya.

"Wala akong-- what did you say?! May ari ng resort?!" Pfft. Pinigilan kong mapangiti sa nireact niya.

"Yes. And lagot ka sa kaniya." Sabi ko at iniwan siya. Hindi na ako nag abalang tumingin sa kaniya dahil alam ko naman na gulat pa rin siya.

Ano kayang mangyayari ngayong araw? Magkaka-balikan kaya sila pfft.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now