Chapter 36

215 6 2
                                    

Chapter 36
Ericka P.O.V.

Ano na naman kayang bibilhin ko? Sasamahan ko nalang sila Jessie bumili ng kailangan nila. May maisusuot naman ata ako doon sa mga gamit ko.

Nagkasabay naman kami ng paglabas ni Sam. Magkatapat lang kasi ang pintuan namin.

"Good morning." He's wearing polo. May trabaho kaya siya?

"Morning." Sabi ko at sinarado ang pinto.

"Saan ba kayo bibili?" Tanong niya habang pababa kami ng hagdanan.

"Sm ata. Hindi ko paalam eh." Bakit ang dami namang tao? Mga naka itim pa. May libing ba ngayon?

"Morning bessy, Sam." Salubong saamin ni Jessie.

"Morning." She's wearing light pink plain dress. Si Alex din naka polo. Ano bang meron sa mga to. Naka pantalon at T shirt nga lang ako tapos sila naka formal?

"Coffee oh." Tinanggap ko naman agad yung inabot ni Alex na baso.

"Thanks." Mabilis lang kami natapos mag almusal. 8:30 na. Hay nako baka abutin pa kami ng tanghali don.

"Do you have a work?" Tanong ko pagka-sakay ko sa sasakyan. Ito daw ang ga-gamitin namin eh.

"None. Sasamahan ko kayo." Nakaka-hiya naman pala tong suot ko sa mga suot nila.

"Sino sila?" Tinuro ko yung doon sa isang van na nasa likod namin. Sumakay naman si Sam doon sa Driver seat.

"My personal escorts." Nilingon ko naman sila. Ang dami!

"Sasama din sila saatin?!"

"I have no choice." Tss. Dapat kasi hindi na siya sumama eh. Para hindi na kami mahirapan.

Mabilis lang naman kami nakapunta sa Sm wala pa din naman masyadong tao dahil kakabukas lang.

"Anong motif ba ni ma'am baby?" Tanong ko kay Jessie.

"Hmm. Peach ata iyon." Medyo nai-ilang ako dahil doon sa kasama namin na maraming bantay.

"Just choose anything you want." Lumapit naman agad saakin si Sam nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya.

Naglakad lakad pa ako. May nakita akong isang dress na peach.

"Maganda?" Tanong ko doon sa babae na kasama ni Sam. Personal Secretary niya daw.

"Yes,ma'am." Tss.

"Pangit naman ng taste mo." Sabi ko at binalik yung dress. Totoo naman ang baduy. May mga lace sa manggas parang kulambo tss.

"This. Bagay to sayo." Napalingon sa hawak ni Sam. Marunong din palang pumili ng magandang damit ang unggoy.

"Oo nga maganda." Sabi ko agad. Simple lang na dress. Kaso yung presyo tss. 5,999 pesos. Ang mahal naman.

"Itago lang muna diyan" sabi ko at nilagay sa likod yung dress. Kapag wala na akong nahanap iyon nalang ang bibilhin ko.

"Why? You don't like it?"

"Maganda naman. Maghahanap pa ako ng iba. Ang mahal eh." Sabi ko at tumingin pa sa iba.

"Bessy!! Maganda ba saakin?" Nakasuot siya ng blue na maxi dress.

"Yes. Pero hindi naman yan ang motif ah."

"Ang ganda lang kase hehehe bibilhin ko din to." Tss. Napaka gastos.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now