Chapter 79

194 14 0
                                    

Chapter 79
Ericka P.O.V.

"Will you marry me?"  Rinig kong tanong ng nasa gilid ko--

"Ericka.." Ang sakit ng ulo ko!

"Bessy gising na. Darating na yung mag aayos sayo." Rinig kong sabi ni Jessie pero nagtakip ulit ako ng unan sa ulo. Inaantok pa ako eh.

"Ericka! Bawal ma late! Baka mapagalitan ka--"

"Shh! Masakit ulo ko!" Putol ko sa sinasabi niya. Naramdaman ko namang may yumakap saakin.

"Jessie! Lumayo ka nga! Kita nang masakit yung ulo ng tao eh!" tinanggal naman agad niya yung kamay niya. Tumingin naman ako sa paligid. Nasa kwarto na pala ako. Anong oras na ba?

Inabot ko yung cellphone ko na nasa lamesa.

'6:00am' tss ang aga pa eh.

Binalik ko ulit yung cellphone ko at nahiga ulit. Naramdaman ko na may humawak ng buhok ko at inayos iyon papunta sa kabilang side habang sinusuklay.

"Kailan mo pa nagustuhang pakealamanan ang buhok ko Jessie?" Tanong ko sa kaniya at humarap ako sa kaniya. Ang bango.

Inamoy ko ulit yung katabi ko. May ganito pa lang pabango si Jessie. Mas lalo akong lumapit sa kaniya.

"Ano bang pabango mo? Pahingi ako mamaya--" Bakit ang tigas naman ng braso neto?

"You have your own perfume, baby." Napadilat agad ako nang marinig ko yung boses na iyon.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko sa kaniya at lumayo agad ako sa kaniya.Sa may kili-kili na pala niya ako umaamoy.

"Good morning." Nakalong sleeve na siya. Tiningnan ko yung damit ko. Naka over size T shirt ako at naka short nalang.  Tiningnan ko ulit si Sam na nakangiti saakin. Anong nangyari?!

"Masakit pa rin ba?" Tanong niya saakin at umayos ng pagkakaupo sa gilid ng higaan. Pinakiramdaman ko agad yung buong katawan ko.

"A-anong ginawa mo saakin?!" Lalapit sana siya saakin pero binato ko siya ng unan sa mukha niya.

"Baby--"

"Wag mo kong tawagin ng ganyan! Anong ginawa mo saakin?!" Binato ko lahat sa kaniya yung unan na andito sa higaan at ipinan-takip ko naman yung kumot sa buong katawan ko.

"Pfft. HAHAHAHA!" napatingin naman ako sa kaniya nang tumawa siya ng sobrang lakas. Anong nakakatawa?

"B-baby it's not what you're thinking.. Pfft. Natulog ako sa kabilang kwarto at kayong tatlo dito ni Jessie and Aica. So don't panic! HAHAHA" what?

So walang nangyari saamin?

I mean.. mabuti naman ano nalang ang sasabihin nila mama at daddy kung malaman nila na sinuko ko yung sarili ko dito sa isang unggoy.

"Eh ano yung tinatanong mong masakit ha?!" Tanong ko sa kaniya. Pinupulot naman niya yung unan na inihagis ko sa kaniya.

"Sabi mo masakit ulo mo." Tinaasan niya pa ako ng kilay habang binabalik yung unan sa dating pwesto. Inirapan ko nalang siya dahil sa kahihiyan. Bakit ko ba naisip yung bagay na iyon?

"Pfft. I respect you so much baby and your parents. I don't want to broke my promise on them." Sabi niya at niyakap ako. Ano bang nangyari at bakit siya nagiging ganito.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now