Chapter 18

237 12 0
                                    

Chapter 18
3 weeks passed

Ericka P.O.V

"Yehey!! Ikaw ang nanguna sa school!! Niyo!! " Tili ni Alex pumunta naman ako agad sa sofa para makapagtanggal na ng sapatos.

"Magce-celebrate tayo! Saan mo gustong kumain?" Kakauwi ko lang dito sa condo niya.

"May pupuntahan ako." Sabi ko at dumeretso sa kwarto.Hindi ko ramdam na ako ang nanguna sa exam namin this Sem.  Hindi ko parin kayang maging masaya. Parang may palaging kulang--

"Saan ka pupunta?"nagulat ako ng biglang nagbukas ang pintuan sa cr ko.

"Bastos!! Lumabas ka nga!! Nagbibihis pa ako!" Mabuti nalang at nakuha ko agad yung tuwalya. Kung hindi ko iyon nakuha agad nakita niya na ang lahat saakin!

"HAHAHAHA magkakaroon din naman ako niyan HAHAHA" lumabas naman siya agad tss. Bakit ko ba kasi nakalimutang i-lock?

---

"Ah. Now I know HAHAHA ikaw ah di ka pa pala nakaka-move on. Pfft. sagutin mo na si Mart para maka move on ka na kay Sam." Tss. Kinuha ko naman yung mga binili ko at ang gamit ko.

"Diyan ka nalang. Hintayin mo ko."sabi ko at bumaba sa sasakyan ko. Which is siya ang nagda drive pfft. Hindi pa ako masyadong marunong kaya siya na muna ang naghahatid saakin kahit saan ako pumunta.

"Para magkaroon pa kayo ng quality time?!" Tss. Inirapan ko na lang siya.

Pumasok na agad ako sa loob. Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Kamusta na kaya siya?

"Bibisitahin ko lang po si Sam Cuesseff." Tumango naman yung isang pulis at binigay saakin yung notebook. Pagkatapos kong magsulat ay pinapunta nila ako doon sa loob.

Naghintay ako dito sa isang table. Wala ding tao dito mabuti nalang. Nilabas ko lahat ng binili ko para sa kaniya. May gusto lang akong hilingin sa kaniya bago ako umalis.

"Excuse me ma'am. May kailangan po kayong pirmahan sa office ni sir." Tumango naman ako at sumunod muna sa kaniya.

Sam P.O.V

"Cuesseff may bisita ka." Napalingon ako sa nagsalita.

"Pumunta ka na." Kinuha ko agad ang saklay ko at pinilit kong tumayo. Ang aga naman ni Aica. 10:00 palang ah. Wala ba siyang pasok?

Habang naglalakad ako papunta sa waiting area may natanaw akong isang babae. Sigurado akong hindi si Aica iyon.

Binuksan agad ng pulis yung pintuan para saakin. Siya lang naman ang nag iisang tao dito. Kaya siguro akong siya yung bibisita saakin.

"E-excuse me?" Tawag ko at lumingon naman agad siya. Halos matumba ako sa nakita ko. Dadalawin niya ba talaga ako?

"E-ericka?" Ang ganda na niya.

"Sam? Anong nangyari sayo--"

"wala to HAHAHA malayo sa bituka." Sabi ko at umupo sa katapat ng inuupuan niya. Hindi naman na siya nagsalita kaya tiningnan ko ang mga nasa lamesa.

"Ang dami mong dala ah para saakin ba lahat ng to?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya kumibo kaya tiningnan ko siya. Nakatitig lang siya saakin. Pfft.

"Uy! Alam ko namang pogi ako wag kang tumitig saakin ng ganyan." Biro ko sa kaniya pagkasabi ko non ay saka lang siya natauhan.

"Oo sayo iyan." Sabi niya kaya kumuha na agad ako ng barbeque. Namiss ko to. Si Aica kasi palaging nakakalimutan na dalhan ako ng ganito.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now