Chapter 58

194 15 1
                                    

Chapter 58
Ericka P.O.V.

Pagkatapos ng tatlong linggo, nakalabas na din ako sa hospital. Ipinaliwanag na din saakin ng doctor ang mga kailangan ko pang gawin para mas lalong mapabilis ang paggaling ng sugat ko.

Hindi narin ako pinayagan nila Daddy at Sam na makita ko sa personal yung dalawang lalaki.

Sila na ang magsampa ng kaso sa kanila. May pinakita lang sila na picture at kailangan ko lang daw ng statement tapos sila na ang nag asikaso.

"Bessy!" Nagulat ako sa biglang pumasok sa kwarto ko. Kakatapos ko lang na maligo nang pumasok siya.

"Hehehe mag bihis ka na dali!" Huh? Siya na agad ang kumuha ng damit ko sa cabinet. Kinuha niya yung peach na dress ko.

"Nababaliw ka na ba? Matutulog lang Jessie tapos papasuotin mo ko niyan?!" Inis na sabi ko. Nagpa-cute naman siya sa harapan ko habang hawak yung damit.

"Bahala ka sa buhay mo kung gusto mo yan edi yan suotin mo tss." Ako pa idadamay sa kalokohan niya. Hinila naman niya ako papunta sa make up table ko at agad nang nagsuklay sa buhok ko.

"Sabihin mo nga ano bang meron?!" Tanong ko sa kaniya. Hindi man lang nagsasalita.

"Birthday ni Sam!" Bulong niya saakin. Nakalimutan ko siyang batiin kanina habang magkasama kami. Nawala din sa isip kong birthday niya ngayon. July 15 1995.

"Don't tell me nakalimutan mo bessy?!" Takhang tanong niya saakin. Hindi naman na ako nakapag-salita. Ngayon ko lang nakalimutan iyon

"Omy! 6 years mo na palaging naalala iyon tapos ngayon na bumalik siya nakalimutan mo na?!" Naupo ulit siya sa higaan ko. Kinuha ko naman yung cellphone ko at pumunta sa cr. Bakit ko ba nakalimutan iyon?

Tinawagan ko naman agad si Sam nang maisarado ko yung pintuan.
"Good evening, baby. Napatawag ka?" Sabagay ngayon nalang naman ulit ako nakatawag sa kanoya.

"H-happy birthday.." nakakahiya. Wala man lang akong nabiling regalo para sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita kaya pinatay ko na ang tawag at lumabas ng cr.

"Hala! Ano yun?!" Tumabi naman agad si Jessie saakin nang makahiga ako. Hayst nakaka-antok na tapos ngayon pa sila mag-iingay.

"Your the one that never lets me sleep." Parang kilala ko yung boses na yon? Pumunta naman na agad si Jessie sa terrace ng kwarto ko.

"Through my mind, to my soul, you touch my lips" kasunod non ang narinig kong mga tilian sa baba. Kung kailan dis oras na ng gabi nagisipan pa nilang mang-harana.

"Kapit bahay lang yon. Jessie matutulog na ako." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Si Sam nasa baba!" Napa-bangon agad ako sa sinabi niya. Tiningnan ko muna yung mukha ko sa salamin pero hinila na ako palabas ni Jessie.

"Your love is like a sun
That lights up my whole world.
I feel the warmth inside~"

Si daddy at Antony may hawak na gitara. Si Alex naman ang may hawak ng isang kartolina habang kumakaway saamin. At si Sam ang kumakanta. Tama nga ako.

Kay Sam ang boses na iyon.

"Your love is like a river
That flows down to my veins
I feel the chill inside~"

Ngumiti agad siya saakin. Hindi ko alam bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Yiiee hinaharana ng bebe niya!" Bulong saakin ni Jessie. Pinigilan ko naman ang sarili kong hindi ngumiti.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now