Chapter 15

253 11 0
                                    

Chapter 15
Sam P.O.V

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Masisira pangalan ng pamilya mo mapapagalitan ka din ni tito." Sabi ni Carl. Naisip ko na din iyan pero hindi naman iyon ang paraan para mapatawad kami ni Ericka.

"Y-yeah." Ito ang pinangako ko sa kaniya noon. Gusto kong tuparin iyon.

"Ayan na sila." Sabi ni James saamin nilingon ko naman yung tatlo na naglalakad.

Nasasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya ngayon. Parang kahapon lang maayos na maayos kami tapos ngayon napakarami nang nakaharang para mapaglayo kami.

"Tandaan mo James. Kapag ginawa mo pa iyon sa kapatid ko nang wala ako susundan kita kahit saan ka magpunta." Banta ko sa kaniya.

"Pfft. Nangako na nga ako diba lalapit ako kapag 20 na siya. Hinding hindi ko na iyon sisirain bayaw." Tss. Kahit naman maging 20 na si Aica hindi ko pa rin iyon papayagan.
Tumingin ako kay Ericka pulang pula pa rin ang mga mata niya.

"Tara na sa loob." Sabi ko at pumasok sa loob.

Sa kaniya ko lang ito naramdaman. Gusto kong gawin sa kaniya lahat ng makakaya ko. Gusto kong gawin lahat ng makakapag-pasaya sa kaniya.

"Mukhang ito na din ang huli nating pagsasama sama." Sabi ni Antony hindi ko nalang sila pinansin. Sinabi ko na sa kanila ang plano ko.

"Bakla ka ba bro?" Tanong ni James sa kaniya. Tumingin ako kung saan sila naka upo nakita ko ulit siyang umiiyak.

Im sorry.

Gusto ko parin tuparin ang pinangako ko sayo. Sana hayaan mo akong gawin iyon.



Ericka P.O.V.

"Tara kain muna tayo don!" Sabi ni Jessie. Hindi naman sinabi saakin ni Alex na kasama pala dito si Jessie. Nauna na silang pumunta sa tindahan.

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming sumamba.

"Ericka." Naglakad ako ng mabilis ng marinig ko ang boses na iyon. Gusto kong lumayo sa kanila lalong lalo na sa kaniya. Ayokong biguin ko si papa.

"Teka lang." Hinarangan niya ulit yung dinadaanan ko. Bakit ba ang kulit kulit niya?

"M-may gusto lang sana akong hilingin sayo.." Kahit anong gawin pag-iwas ko sa kaniya para makaalis hindi ko magawa.

"Tapos na tayo.. Gusto ko nang lumayo sa inyo--" napatigil ako nang yakapin niya ako. Gusto kong lumayo sa kaniya dahil iyon ang alam kong tama

"Sam. Tama na.. Please. Parehas lang tayong mahihirapan sa ginagawa mo." Sabi ko sa kaniya mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya saakin. Naramdaman ko nalang na basa na ang balikat ko. Umiiyak ba siya?

"N-ngayon araw lang please.. I want to be with you for the last time." Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero hindi ako makaalis.

"Sam.. H-hindi na ako maghahanap ng hustisiya para kay papa. Just let me go please.." hindi ko kayang makita siya na nasa loob ng selda. Parehas silang mahalaga saakin. Gustuhin ko mang tuparin ang ipinangako ko kay papa pero hindi ko kaya.

Lalayuan ko nalang sila..

"Ngayon lang.. Ngayon lang.. please." Tumingin ako sa gilid nakita ko sila Jessie, Alex ,James, Antony, at si Carl. Bakit andito silang lahat?

"S-sige." Pagkasabi ko non ay bumitaw agad siya at hinarap ako. Parehas lang kaming nasasaktan at nahihirapan sa nangyari.

"Thank you." Hinalikan niya ang noo ko at agad na hinila ako.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now