Chapter 39

206 10 0
                                    

Chapter 39
Ericka P.O.V.

"Oh talaga lang? Anong tawag mo sa kanila? " inis kong tanong sa kaniya. Halatang naiinis na din siya dahil kanina pa kami nagtatalo dito sa opisina ng doktor tungkol sa mga babae niya.

May girlfriend na siya tapos gustong gusto niya pang makihalubilo sa ibang babae.

"They're just my fans." Inirapan ko naman agad siya.

"HAHAHA. Lagot ka kay misis HAHAHAHA" tss. Tiningnan ko yung doctor na nagpipigil ng tawa.

"Marami talaga yang babae Mrs. Cue--"

"Ericka nalang." Putol ko sa sinasabi niya. Hindi ako ang asawa ni Sam kaya hindi-- teka paano niya nalaman na mag-asawa na kami ni Sam?

"Okay, Ericka. Marami talaga yang babae--"

"Oh please. Kindly keep your mouth shut, doc." Tss. Lumabas na agad ako ng opisina nung doctor at dumiretso palabas. Nagulat ako paglabas ko ang dami nang tao na naga-abang.

"Is that true? That you're Mrs. Cuesseff?" Tanong ng isa at nagtapat saakin ng microphone.

"What's your name ma'am?"

"Where and when was your wedding?" Tanong naman nung nasa kanan ko.

"Since when you both start dating?"

"Why you both keep your relationship in private?"

"Are you jealous on his Girls Fans?"

"Anong nararamdaman mo ng magkaroon ka ng asawa na isang sikat na model at pinakabata na mayaman sa industriya?"

"Ilang taon na kayo magkakilala?" Napaatras ako ng lumapit sila ng lumapit.

"Totoo po ba ang bali-balita na may ibang babae si Sam?" Hindi ako makasagot dahil sa sunod sunod nilang mga tanong. Mas malala pala ito keysa kanina. Nagulat ako ng may bigla humila saakin palapit sa kaniya.

Kahit hindi ko na tingnan kung sino yung katabi ko ngayon alam ko na agad si Sam iyon. Nilagay niya agad yung kamay niya sa  likod ko.

"Tss. You should wait for me." Rinig kong bulong niya. Hindi ko naman kayang makipagtalo sa kaniya ngayon dahil sa daming camera na nakatutok saamin.

"Sir." Tawag ng isa pero naglakad si Sam kaya napalakad na din ako habang nakayuko ako. Maya maya pa ay may pinatong siyang sumbrero saakin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon.

"Sir is that true? Is she your wife?" Naramdaman ko nalang na tumigil siya kaya napatigil din ako.

"Yes and please keep all your questions. My wife isn't ready to answer all of you." Sabi niya at naglakad ulit.

"Sir/Ma'am." Napatingin ako sa kaniya para siyang nagpipigil ng galit kaya seryoso siyang naglalakad.

"Sir. I have a question."

"Ma'am." Nakita ko na yung sasakyan namin na papalapit. Hindi naman na ako makagalaw dahil naiilang ako.

"Sir. Saan po kayo nagka-kilala?" Tanong nung nasa likod namin.

"Are you okay?" Napalingon ako sa kanya na nakatingin na pala saakin.

"Y-yes." Sabi ko. Niyakap naman niya agad ako. Nanginginig na pala ang kamay ko sa sobrang kaba. Sigurado akong magiging ganito na talaga ang buhay ko kapag kasama ko si Sam.

"Im sorry." Inayos niya naman ang buhok ko.

"Sakay na!" Sabi ni Jessie na nasa harapan na namin. Pinagbuksan agad ako ni Sam at inalalayan na makapasok.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now