Chapter 38

198 8 0
                                    

Chapter 38
Ericka P.O.V

Dumiretso ako palabas para makapunta sa parking lot. Kumukulo talaga ang dugo tuwing nari-rinig ko na may nagti-tilian.

"Let's eat first. Baby." Rinig kong sabi niya.

"Kumain ka mag isa mo.--"

"Sam!" Tss. Bakit ba kase sumama tong unggoy na to. Kung sana hindi siya sumama hindi magkaka-gulo dito yung mga babae niya at hindi iinit ang dugo ko sa kanila.

"Andito si Sam!" Tiningnan ko siya ng masama. Nakakairita talaga kahit ang mukha niya. Pinalibutan agad kami ng Escort ni Sam.

"Jessie?! Hala! Pa-picture!" Tss. Ito ang ayoko kapag naging artista o naging sikat ka. Unang una hindi ka makakapag-enjoy kapag nasa labas.

"Sam!" Puro tili na ng mga babae ang naririnig ko. Tinatawag nila si Sam at si Jessie.

Aalis na sana ako nang bigla akong natamaan ng kuko nung babae ang mukha ko. Hindi parin sila natitinag. Talagang iniinis ako ng mga babaeng to.

"Baby--"

"Can you please give me some space?!" Inis kong tanong sa kanila. Tumigil naman yung iba at tumingin saakin.

"Hoy miss! Kung hindi mo gusto dito umalis ka hindi naman ikaw ang gusto namin noh!" Hindi ko na nilingon yung nagsalita pero tingin ko bakla iyon.

"Hoy! Huwag kang bastos!" Nagulat ako ng hatakin niya nung isa ang buhok ko. Bago pa ako tuluyang maka-atras ay may sumampal na agad saakin.

Ganito ba kabaliw ang mga nagkakagusto kay Sam?

"Ericka!" Nilayo naman agad ako ni Sam. Pumaikot naman ulit saamin yung mga escort ni Sam. Sobrang sakit ng pisnge ko dahil doon sa ginawa nung babaeng iyon.

"Are you okay? I'm sorry." Tanong niya saakin at niyakap ako. Tinulak ko naman agad siya at hinawakan ko yung pisnge ko dahil mahapdi.

"Baby y-your face." Dumu-dugo. Tinakpan ko naman agad iyon ng panyo na hawak ko.

"Bitawan mo ko! Kanina pa umiinit ang dugo ko sayo!" Sigaw ko sa kaniya nang hawakan niya ang mukha ko. Pero imbis na sundin niya ako binuhat niya pa ako.

"She's my wife and please respect her the way you treat me." Seryoso niyang sabi sa mga tao bago kami tuluyan na umalis doon. Sinakay niya agad ako sa sasakyan at sumakay na din sila Jessie at Alex sa likod.

Tiningnan ko si Sam na kausap ang mga lalaki na escort niya. Tingin ko galit siya base sa nakikita kong pakikipag usap niya doon sa mga lalaki. Binuksan ko ng kaunti ang bintana para marinig ko ang usapan nila.

"Yes sir." Sinarado ko agad yung bintana nang umikot siya para bumalik dito saamin.

Pagkasakay niya pinaandar niya agad ang sasakyan. Sobrang tahimik namin sa loob ng sasakyan kaya pinunasan ko nalang yung mukha ko. May dagdag sugat na naman tuloy ako.

*phone rings.

Tiningnan lang ni Sam yung cellphone niya at hindi sinagot ang tawag. Hanggang maka-katatlong tawag na sa kaniya ay hindi niya pa din sinasagot.

Hinayaan niya lang na magingay ang cellphone niya. Sinilip ko kung sino ang tumatawag sa kaniya.

'Ms. Gizzelle Corpuz.'

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now