Chapter 42

196 8 0
                                    

Chapter 42
Ericka P.O.V.

Bumalik ako sa lamesa namin pero hindi ko parin naiintindihan ang nangyari. Mas naguguluhan ako sa naging sagot nila.

"Are you okay?" Tanong nung humawak sa kamay ko. May kinalaman kaya siya sa mga nangyayari?

'If you really love her. Give everything she wants and needs kahit malayo ka.'

Hindi kaya? Inutusan lang ni Sam si Martin? Kaya ba hindi nila masabi saakin ang totoo dahil kay Sam?

"Hey! What's the matter? Why are you crying?" Pinunasan naman niya agad yung pisnge ko kaya lumayo ako sa kaniya. Sana mali lang ang nasa isip ko.

"Masama ba pakiramdam mo?" Umiling nalang ako sa tanong niya. Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao kaya napalingon ako sa harap.

Nasa harapan na pala si Ma'm baby. Nakita niya agad ako kaya kumaway ako sa kaniya ngumiti naman agad siya saakin. Kailangan kong ialis muna sa isip ko yung gumugulo sa isip ko. Birthday ngayon ni Ma'am Baby. Dapat maging masaya kaming lahat.

Sunod sunod lang ang nangyari. Hindi ko din namalayan na speech ko na pala.

"Ms. Ericka Santos-Cuesseff." Hindi ako sanay na may kadugtong na ganon ang pangalan ko. Tumayo agad ako at pumunta sa harap.

"Hi ma'am Baby." Bati ko at ngumiti siya saakin. Hindi ko na din alam kung ano yung mga pinagsa sasabi ko dahil sa sobrang gulo ng isip ko.

"Thank you." Bulong niya nang  niyakap ko na siya. Pfft. Kapag tumatanda na talaga nagiging emotional.

"May kailangan akong sabihin sayo." Sabi niya nang humiwalay ako sa pagkaka-yakap.

"Ang totoo niyan hindi ako ang tumanggap sayo sa trabaho. Ang asawa mo ang tumulong sayo kaya ka nakapagtapos, anak. Hindi ako." Hinawakan niya yung kamay ko. Si Sam ba ang tinutukoy niya?

Paanong si Sam ang naging dahilan?

"Nung sinabi saakin ni Jessie na kinasal ka sa kaniya. Alam ko na kung bakit pala ako noon pinilit ni Sam na tanggapin ka sa trabaho."

Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya. Kaya ba sinabi iyon nung nakaraan ni Sam? Kasi all this time siya yung tumutulong saakin?

Siya din ba yung nagpadala ng pera noon nung walang wala na akong pag asa na makapag-aral?

"Dahil ganon ka niya kamahal. Napaka-palad mo iha. Salamat. Alam ko namang nasabi na iyon sayo ni Sam. Yung swimming natin ha." Sabi niya kaya bumalik na ako sa pwesto namin.

"Ang tagal ng chickahan niyo ni Ma'am Baby ah." Rinig kong sabi ni Jessie hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong hindi umiyak kaya umalis agad ako sa pwesto namin.

Bakit niya ginawa iyon noon? Ganon din kaya ang ginawa niya noon kay Martin? Inutusan niya ba sila na tulungan ako?

"Baby--" bago pa siya matapos nasampal ko na agad siya. Kitang kita na pumula agad ang pisnge niya dahil sa nagawa ko. Nagtinginan din ang ibang tao saamin kaya umalis ako. 

"Ma'am totoo po ba na kayo ang asawa ni Mr. Sam Cuesseff?"

"Ma'am. Bakit po kayo umalis sa venue."

"Ma'am nasaan po si Sam?"

"Ma'am bakit umiiyak po kayo?"

"Ma'am teka lang po."

Sunod sunod nilang tanong. Lumabas agad ako sa hotel at naghanap ng masasakyan.

"Ma'am. Saan po kayo nagkakilala ni Sam?" Marami pa silang mga tanong pero hindi ko sila sinasagot patuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga nangyayari. Binayaran lang silang lahat ni Sam?

Kaya ba niya ako pinapirma doon sa marriage certificate dahil iyon ang gusto niyang kapalit sa lahat ng naitulong niya saakin?

"Ericka--" sinampal ko ulit siya.

"What the hell is your problem?!" Kitang kita sa mga mata niya ang galit. Halatang nagpipigil lang siyang saktan ako.Hindi  na ako nagsalita at naglakad ako ulit pero bago ako makahakbang hinila na niya agad ako.

" Get the car Carlos!--"

"Hindi ako sasama sayo!" Sabi ko at tinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag.

"Baby! What is your problem?!" Tanong niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Mas lalo lang akong naiiyak sa ginagawa niya.

"I said get the Car." May nagparada naman na agad sa baba yung sinakyan namin kanina papunta dito sa hotel.

"B-bitawan mo ko Sam."

"Rico. Make sure na walang lalabas na kahit isang picture o video ngayon." Sabi niya pa nilingon naman niya ako. "N-nasasaktan ako. Bitawan m-mo ako." Sabi ko at pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Sorry.." Binitawan naman niya agad kaya nakatakbo agad ako. Saktong may tumigil na taxi kaya sumakay agad ako at ni-lock ang mga pintuan.

"Kuya. Drive!" Sabi ko pagka-sakay. Pilit namang binubuksan ni Sam ang pintuan sa gilid ko.

"Ericka!"

"Kuya umalis na tayo!" Sabi ko at pinaalis naman niya agad. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Ang malinaw lang saakin ay yung pagpapa-kasal ko kay Sam ang gusto niyang bayad sa lahat ng naitulong niya.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong niya pero hindi ako nagsalita.

Bakit ba niya ginawa ang lahat ng iyon?

Unknown number.

"Stop that taxi Ericka. We need to talk!" Pinatay ko agad yung tawag niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Kung anong dahilan niya.

Basta ang gusto ko muna ngayon ay hindi siya makita.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now