Chapter 9

263 14 0
                                    

Chapter 9
Ericka P.O.V

Pagkapasok ko sa bahay ay tumunog ang cellphone ko.

'Pag isipan mo ang mga sinabi ko sayo.'

Pakiramdam ko marami siyang nalalaman. Hindi ako pwedeng maniwala sa kaniya ng walang matibay na ebidensiya.

Me: 'Pwede ba tayong magkita?'

'Magkita tayo bukas kung nasaan ang papa mo.'

Hindi na ako nag reply sa kaniya at dumiretso sa kwarto ko. Hindi na muna ako papasok bukas ng umaga. Mas importante muna saakin ngayon malaman kung ano ang totoo.

---

Ang tagal naman non. Kanina pa akong ala syete naghihintay dito.

"Pa. Tingin mo sino ang paniniwalaan ko?"
Si Sam ba na tumutulong saakin o yung lalaki na palaging nagte-text. Naguguluhan na ako sa kanilang dalawa ni Sam.

"Ericka." Nilingon ko yung nagsalita.

Siya ba yung parating nagte text saakin? Imposible..

"Ibibigay ko lang naman sayo ang bagay na to." Sabi niya at inabot ang isang brown envelope. Kinuha ko naman agad iyon at binuksan. Mga kasunduan to ah.

"Nakasulat jan ang kasunduan ng mga magulang mo at ang magulang ni Sam."
Binasa ko naman iyon ng mabuti. Andito ang pangalan nila mama pati na din ang magulang ni Sam.

"Nakasulat diyan na hindi magsasampa ng kaso ang pamilya mo laban kay Sam kapalit ng limang milyon." Tiningnan ko ng mabuti ang pirma ni mama. At magka-parehong pareho ito.

"Sabi sayo. Hindi ka nababagay kay Sam. It's up to you kung tatanggapin mo pa ang pamilya nila. Specially si Aica."sabi niya at naglakad palayo. Hawak ko na ang kasunduan nila. Pero paano kung ginagawa niya lang ito para mapag-hiwalay kami ni Sam?

"T-teka lang. Paano ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Bakit ba ako nai-iyak?!

"Malapit ako sa kanila. Kapatid ko ang mommy niya. Pamangkin ko si Sam. Kaya alam ko lahat ng nangyayari sa kanila." Tama nga naman.. Hindi nila iyon maitatago saakin.

Kaya ba nagulat ang mga magulang ni Sam nang marinig nila ang apilyedo ko?

"Paano? Gusto mo ba kaming sirain ni Sam kaya mo to ginagawa?" Humarap naman siya saakin at ngumiti. All this time kasama ko lang yung taong pumatay kay papa.

"Im just helping you both." Sabi niya at tumalikod ulit saakin. Naguguluhan pa rin ako. Imposible namang hindi iyon alam ni Sam.

"Kung gusto mo si Gizzelle para kay Sam wala ka na don magagawa Sir Cj!--"

"Wala na nga. Pero yung ginawa nila sa papa mo at sayo. Meron.." Bakit ba ako nagpapadala sa mga sinasabi niya?! Dapat maniwala lang ako kay Sam... Ginugulo lang niya ang isip mo Ericka.

"Ginagamit din ni Sam ang investigator ng daddy niya para matagalan ka sa paghanap and you know why? dahil hinding hindi iyon sasabihin ni Sam sayo kahit anong mangyari." Sabi niya at tuluyan na akong iniwan.

Paulit ulit kong binasa itong kasunduan nilang apat. Bakit pumayag si mama na bayaran sila? Kaya ba lumipat agad kami dahil sa nangyari?

Si Sam. Kaya ba siya parating humihingi ng sorry? Sa hindi ko malaman na dahilan?

Kung ganoon mo kamahal ang kapatid mo Sam para ipagkait saakin ang totoo. Dapat kayong dalawa ang magbayad non.

Kung hindi ka naingatan noon ni mama. Ako ang lalaban para sayo ngayon papa..



MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now