Chapter 80

231 9 0
                                    

Chapter 80
Ericka P.O.V.

Nakakainis talaga tong unggoy na to. Ayun na eh. Mahahawakan ko na yung kamay niya!

Pero poise pa rin ako. Kahit gusto ko na tong sabunutan relax lang. Para beauty ka pa rin.

Nilagay ko yung buhok ko sa likod ko para makita niya talaga ako. Sayang naman diba ang gwapo pa naman neto. Sayang wala din ngayon si Jessie at Alex.

"Ericka--" makikipagkamay na ulit sana siya ng kinuha ulit ni Sam yung kamay niya. Narinig ko naman na tumawa yung mga magulang ni Sam pati si Sir Eddie.

"He owned the bar in Quezon City the--"

"Criszo bar?!" Tanong ko agad.

"Yeah." Sagot naman ni sir Eddie. Omy gosh! Iyon yung palagi naming pinu-puntahan.

"I heard you were drinking there with your friends." Hala hala! Stalker ko na ata siya noon pa. Hindi naman mawala yung ngiti ko sa kaniya. Shems!

"Yes--"

"Let's go." Hinawakan naman ni Sam yung kamay ko at akmang aalis na pero hindi ako sumusunod sa kaniya.

"Bro don't tell me that you're jealous--"

"Ericka can I get your number." Hinila naman agad niya ako pabalik doon sa lamesa namin. Naka poker face naman na siya ngayon.

"Sam mabait ba iyon?" Tanong ko sa kaniya pagkaupo namin. Tumingin naman siya saakin.

"No." Tss. Mabait naman ang itsura niya ah.

"Alam mo ba kamukha niya si Park Seo-Joon." Sabi ko at nilingon ko ulit si Cristoffer na kausap ng mga magulang ni Sam.

Feeling ko na love at first sight ako doon kay Cristoffer. Natatawang humawak naman siya sa batok niya at tumingin saakin.

Kaya napaharap ulit ako kay Sam. Shocks! Bakit parang kinikilig ako? Hindi ko maalis yung ngiti ko kaya tinakpan ko yung pisnge ko. Nginitian ka palang bruha! Kinikilig ka na agad!

"Tss. Can you stop doing that." Napatingin naman ako kay Sam na masama ang tingin saakin. Hinawakan ko agad yung kamay niya na nasa lamesa.

"Nakita mo yun?! Nilingon niya ako tapos nginitian niya ako! Feeling ko si Park Seo Joon talaga yung nakita ko--"

"Tss." Binawi naman niya agad yung kamay niya at pinagkrus niya sa dibdib niya. Napaka Kill Joy naman neto.

Tiningnan ko ulit si Cristoffer doon sa lamesa nila. Gosh nakatingin talaga siya! Kumaway naman siya saakin kaya ngumiti ako sa kaniya at humarap ulit sa lamesa.

Ano bang nangyayari saakin?

"Sam close ba kayo ni Cristoffer?" Tanong ko ulit kay Sam na nakatingin saakin.

"No." Sayang hihingi sana ako ng tulong-- OO! Naalala ko yung usapan namin noon sa bahay kasama sila Daddy.

"Sam?" Ngumiti ako sa kaniya tinaasan naman niya ako ng kilay. Kaya inurong ko yung upuan ko papalapit sa kaniya. "Sam. Diba sabi mo tutulungan mo ko?" Nakangiti kong sabi sa kaniya. Mas lalo naman niya akong tinaasan ng kilay.

Ahitin ko kilay mo eh tss.

"So?"

"I need your help." Ngumuso ako at nagpaawa ng mukha. Hinawakan ko din yung kamay niya kaya Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Para patunayan ko kila daddy na nakamove on na ako sayo." Hinilot ko yung kamay niya. Hindi naman niya binawi kaya sasabibin ko na! "Reto mo ko dun! Hehehe"

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now