Chapter 33

206 11 0
                                    


Chapter 33
Jessie P.O.V.

Papunta kami sa bagong bahay ni Bessy. Iyon daw ang gusto ni Ericka. Hindi parin pala nagbabago si Sam. Nag medyo matured lang itsura pero parang bata parin.

And he's just acting na seryoso kay bessy pero seryoso naman talaga siya. What I mean is.. Acting na cold treatment ganoon. HAHAHAHA

At nalaman ko din na simula ng mag-hiwalay sila palaging may alam parin si Sam sa kaniya. At siya din yung araw araw na nagpapadala ng bulaklak doon sa bahay na inuupahan namin which is akala namin galing iyon kay Martin.

"We're here." Ang ganda! Lumabas agad ako. Parang white mansion na ito eh. Yung sa Baguio.

"Good morning sir." Salubong saamin ng mga babae. Siguro kasambahay sila dito.
Tiningnan ko ulit ang buong bahay mula dito sa pwesto ko. Dalawang palapag siya pero sobrang lawak. Halos lahat ng dingding puro salamin pero hindi makita ang loob.

Malaki din yung gate tapos sa baba ata ang parking ng mga sasakyan. May under ground?

"Tara na." Sabi ni Alex. Yung mga kasambahay nila yung nagdala ng gamit namin. Lahat na talaga kinuha ko hehe. Kailangan dahil matagal tagal na operasyon to eh.

"Wow!" Sabi ko. May pa chandelier sa entrance. Sobrang laki pa ng hagdanan at magkabilaan pa! Nilibot ko agad yung tingin ko.

"We have king and queen rooms, 8 rooms and 5 guest rooms on second floor. The maids also may assist you in everything." Sabi ni Sam. Ayoko munang makipag-usap dahil tinitingnan ko pa lahat ng naabot ng mata ko.

May picture pala si Ericka at Sam noon na magkasama. May painting kasi doon sa gilid ng hagdanan.

"Pwede naman kami sa guest room." Sabi ni Alex dinala naman nung ibang katulong yung gamit namin sa taas. Parang pwede akomg mag tour dito. Pfft.

"Wait for me." Sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Buhat buhat na niya pala si bessy. Paakyat sila sa taas doon ata siya sa queen room dadalhin ni Sam. HAHAHA mas maganda siguro kung sa iisang kwarto lang sila para mapa-bilis ang plano.

Pero sigurado akong magwawala iyon kapag nagising.

"Ma'am, sir. Ano pong gusto niyo? Tea? Coffee or Milk? Juice?" Tanong ng babae saamin. Naupo naman ako doon sa isa sa mga sofa dito. Ang lambot!

"Wag na po kayo mag abala. Okay lang po." Sabi ko sa kaniya. Kumuha naman ako ng magazine na nakalagay sa lamesa at tiningnan iyon. Model nga pala talaga si Sam.

"Pagkain po ma'am? Baka po nagutom po kayo sa byahe." Hayst. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling. 

"Milk nalang po ma'am ang dadalhin ko para makapagpahinga po kayo ng maayos mamaya." Sabi niya bago umalis. Tumabi naman agad si Alex saakin at kumuha ng isang unan

"Ang kulit mana sa amo." sabi ni Alex HAHAHA. Nilibot ko ulit ang tingin ko.

"Girl! May pool!" Tili ko pero pinalo niya ako. Ay oo nga pala baka may mga natutulog na tapos si Ericka magising.

"Tingin ko kapag dito tayo tumira hindi na natin kailangan mag outing " natatawang sabi niya. Tama naman puro swimming lang ang hilig namin kaya di na namin kailangang umalis.

"I'll give you both a first tour." Napalingon kami sa taas. Parang hari talaga si Sam. Napaka swerte ni bessy.

"As I promise to her. Bago kami mag hiwalay ito yung bahay na sinabi ko sa kaniya." Sabi niya habang pababa. Hindi ko akalain na aasenso siya kahit ang daming nangyari sa kanila ni Ericka.

"Dito ang kitchen. Pero hindi naman na kayo maga- abala mag-luto because we have a cook. But if you want to cook wala din naman masama." Sabi niya pa habang naglalakad kami papunta sa kithen. Para namang nasa resto kami sa ayos ng kitchen nila. Ang lawak din.

"We have a utility here." Binuksan niya yung pinto sa gilid. Hindi ko pa nakikita ang loob ay sinarado na niya agad. Sumunod naman kami sa kaniya.

"Dito naman nakatira ang mga kasama natin sa bahay. We have 2 cooks and 8 maids. 4 guards." Parang kasing laki ang kwarto ng buong bahay namin! Pero grabe ang ganda! Hindi mo aakalaing para sa mga katulong ito.

"Bakit apat ang guard?" Tanong ko. Tumigil naman siya sa tapat nung pintuan.

"Dalawa sa umaga dalawa sa gabi. Shifting sila ng duty." Ahh. Kaya pala. Pero parang sobrang dami ng escort niya nung nakaraan. Iba na iyon sa bantay dito sa bahay?

"They have 7 rooms here pero share lang sila mini sala. Para kung ayaw nila doon sa labas manood pwede dito." Mabait na amo talaga. Binuksan naman niya yung pintuan pero hindi siya pumasok. Ang ganda!

"Hanggang dito lang ang mapapakita ko sa side nila because I want to give them privacy about their rooms." Sabi niya at sinarado ang pinto. Gosh ang swerte nila! Mag apply nalang din kaya ako dito?

"Here we have indoor pool." Sabi niya at pinasok yung isang kwarto. Sumunod naman kami.

"This is 4ft. Doon naman sa dulo is 7 ft. We have a Comfort room here. Para after niyong mag swimming dito na kayo." Ang ganda! Ang laki ng bahay parang mawa-wala ako dito kapag ako lang mag-isa ang mag iikot.

"Here I have a gym. Kung nage-exercise din kayo you can workout here." Alaga sa exercise talaga katawan niya. Kumpleto lahat ng equipment dito.

"At dito sa katabing kwarto is Cinema room." Sabi niya at pumasok doon sa isang kwarto sumunod naman kami. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay napanganga na ako!

"O my gosh!" Sabay naming sabi ni Alex. Naka 3d din ang ceiling. Puro stars at constellations! 

"It's quiet small. 25 people lang ang capasity ng upuan." Sabi niya at naglakad pababa. Ang lalaki naman ng upuan kaya namang magtabi sa isa eh. Times two pa. Edi 50 people!

"Here you can choose any movies you want to watch." Sabi niya at binuksan ang malaking kurtina. Ang dami nga!

"But more on this CD's are Korean, Japanese, Chinese and american love story. Dahil iyon ang gusto ng asawa ko. But I also have a action film. Pero mas marami talaga akong binili na loves story."

Ang ganda pala pakinggan kapag may tumatawag na asawa sayo kahit hindi ka kasama ng asawa mo but he still insist about being husband and wife.

So sweet.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now