Chapter 59

221 11 1
                                    

Chapter 59
Ericka P.O.V

"Good morning." Napabangon agad ako nang marinig ko ang boses na iyon. "Labas!" sigaw ko at tumakbo agad sa Cr. Ang aga aga pa eh.

Ginawa ko na agad ang mga kailangan kong gawin. Naligo na din ako at nagsuot ng bathrobe. Sumilip muna ako sa pinto bago ako lumabas.

Mahirap na baka andito pa si Sam. Tumingin agad ako sa kabinet ko. Wala naman akong magagandang damit gaya nung nasa bahay ni Sam. Ano kayang pwedeng isuot?

"You should wear this, baby." Umakyat agad ako sa cabinet at sinarado ko iyon.

"Labas!" Utos ko sa kaniya. Ang hirap magtago dito sa kabinet!

"HAHAHAHA Your clothes are ready." Tss.

"Magbibihis pa nga ako Sam! Lumabas ka muna kanina ka pa eh!" Inis na utos ko ulit sa kaniya.

"Alright. I love you." Tss. Narinig kong nagbukas at nagsara ang pinto. Kaya lumabas na ako. Napakakulit talaga ng unggoy. Bakit ba kase ako napapayag non kahapon eh.

"Where's my 'I love you too'?" Napatakbo ulit ako sa Cr nang bumukas ang pinto.

"I HATE YOU!" Sigaw ko sa kaniya. Napaka bastos talaga ng unggoy na iyon.

---

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Tita Flor.

"Date." Tss. Tumitig naman agad saamin sila Jessie. Iniisip siguro nila kung paano niya ako napapayag ng isang unggoy.

"Wait lang! Ayusan muna kita. Ang putla mo oh. Di ka man lang nag ayos." Hinila agad ako ni Jessie paupo. Kumuha naman agad si Alex ng bag at nilapag iyon sa lamesa na nasa harap ko

"Ayoko niyan at aalis na kami--"

"Take your time." Putol ni Sam sa sinasabi ko at dumeretso sa kusina. Tuwang tuwa naman si Jessie sa sinabi ni Sam kaya agad naman nilang binuksan iyon.

"Sa park lang naman kami. Hindi ko naman na kailangan yan."

"Kailangan mo yan HAHAHA nasabi ni Sam gagawin niyo eh." Eh? Bakit kay Jessie sinabi? Saakin hindi?

"Saan daw ba kami pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Umiling silang dalawa at agad nang nagsenyas na bawal sabihin.

"Ayokong magbayad ng milyon no!" Sabi ni Alex. Milyon?

"Me too. Kalahati palang ata naiipon ko sa bangko. HAHAHA" eh?

"Bakit naman kayo magbabayad ng milyon?" Takhang tanong ko. Sabay naman silang nagkibit balikat. Kung ano ano na ang nilagay nila sa mukha ko. Parang may party akong pupuntahan eh.

Kinulot pa nila ang laylayan ng buhok ko.

"Ayan tapos na!" Tili ng tili si Alex. Parang baliw na naman sila.

"Done?" Napalingon ako sa nagsalita. Halos isang oras din siyang nag antay saakin.

"Oo daw." Tumayo agad ako sa at hinarap ko na si Sam."Saan ba tayo pupunta at kailangan pang mag ayos ako?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya umiimik kaya tiningnan ko ulit siya.

"Uy." Tawag ko ulit sa kaniya dahil seryoso lang siyang nakatingin saakin. Sampalin ko kaya to?

"Let's go." Dumeretso naman agad siya palabas. Anong nangyari don?

"Dalhin mo to. Pang re-touch mo." Sabi ni Alex at binigay ang bag niya saakin.
"Enjoy!" Sabay nilang sabi at tinulak ako palabas. Sakto naman ang pagparada ng sasakyan sa harapan ng bahay ko. Kaya dumeretso na ako palabas.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now