Chapter 41

231 11 0
                                    

Chapter 41
Ericka P.O.V.
Sunday.

"Are you ready?" Rinig kong tanong ni Sam sa labas. Tapos na agad sila?

"Oo teka." Nasaan na ba yung bag ko?
Tumingin muna ako sa salamin bago ko kinuha yung bag ko na nasa upuan at bukasan ang pintuan.

Nakita ko naman na nakatingin na sa orasan niya si Sam. Late na ba kami?

"You look stunning, love." Nambola pa. Sinarado ko naman yung pintuan ng kwarto at lumapit na sa kaniya.

"You too. You look like a human." Biro ko. Tumawa naman siya at inilahad saakin ang kamay niya.

"May I?" Pfft. Baliw talaga.

"Napaka formal mo. Para lang sa birthday party ang pupuntahan natin." Natatawang sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya. Sabay na kaming naglakad papunta sa hagdanan.

Natatawa naman ako sa itsura naming dalawa. Napaka seryoso kasing maglakad nung unggoy samantalang ako natatawa sa itsura niya.

Nakita ko agad yung mga escort ni Sam. Nasa baba na din sila Jessie. Naramdaman ko naman yung kamay ni Sam na nilagay niya sa bewang ko habang pababa kami.

"Wow! Perfect couple! Say hi to my Jessie babies and your supporters!" Hayst. Sabing ayokong tinututukan ng camera eh.

"Hello."

Flashback.

"So, ano ang payo niyo doon sa mga couples na nagkahiwalay ng matagal na panahon?"  Tanong saamin ni Jessie.

"I don't know." Sabi ko nalang. Keysa naman makipagplastikan diba? Tsaka ayoko din naman sumagot sa mga ganiyan.

"If you really love her, give everything she wants kahit malayo ka."  Napatingin naman ako sa tabi ko. Kahit malayo?

"HAHAHA. So you mean you've been helping Ericka kahit nung nagkahiwalay kayo?" Tumango naman sa kaniya si Sam at tumingin saakin.

"How?" Takhang tanong ko sa kaniya.

"Pfft. Malalaman mo din iyon. Not now baby."  Tss.

End of flash back.

"Ericka! Bati naman. HAHAHA" nagising diwa ko sa sinabi niya.

"Hello." sabi ko at kumaway nalang.

"HAHAHA wala na siyang ibang alam sabihin." Tss. Tiningnan ko ulit yung bag ko kung andito ba yung cellphone ko at pitaka.

"It's almost time. Baka malate tayo." Sabi  naman ni Sam kaya naglakad na kami pa-labas.

Ibang sasakyan na naman ang andito.Black Limousine. Pinagbukasan agad ako ni Sam ng pinto sa harap kaya sumakay na ako. Ganoon din ang ginawa ni Alexander kay Jessie.

"Ano bayan dapat naka gown ako eh." Pfft. Nilingon ko si Sam na kinakausap pa ang mga lalaki na kasama namin.

"Tingin ko gurl pinababantayan ka na HAHAHA!" Sabi pa ni Alex. Bakit naman ako papabantayan ni Sam? Tss.

"Picturan mo ko dali para sa instagram ko!" Sabi naman ni Jessie sa likod. Hay nako.

"Anong sinabi mo sa kanila?" Tanong ko nang pumasok na si Sam sa sasakyan.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now