Chapter 62

182 13 1
                                    

Chapter 62
Jessie P.O.V

"She thinks that I'm engage with Gizzelle." Huh? Paano nangyari iyon?

"Sino naman nagsabi non?" Tanong ni Alex. Paano kaya to? Malapit na kasal nila eh. Tapos nagkaganito pa.

Tumayo agad si Alex papunta doon sa labas para pagbuksan yung pinto. Andito kasi kami sa sala. Planado na sana ang lahat kaso bigla naman nangyari to.

"E-excuse me sir.." napalingon kami sa pumasok, yung secretary ni Sam andito.

"What brings you here?" Uminom agad si Sam ng alak. Tss. Alcohol addict na talaga tong jowa ng kaibigan ko.

"I t-think kailangan mong malaman yung nangyari kanina sa.. sa restroom, sir." Huh? Naupo naman sa tabi ko sila tita Flor.

"Kasi kanina. Habang nasa cubicle din ako may naguusap kasi na dalawang babae." Simula niya. Sinaktan ba non si Ericka? Pinagbantaan?!--

"Pinagu-usapan nila si Ericka." Sabi niya ng umupo siya sa sofa.

"Sa pagkakarinig ko. Binayaran mo daw po ulit si Ericka para ngayong araw--"

"What?!" Nagulat agad ako ng sumigaw si Alex.

"Bruha ka! Papatayin mo ata kami eh!" Inis na sabi ko habang hinahawakan ko yung dibdib ko. Parang aatakihin ako sa puso dahil sa gulat.

"Continue." Tumahimik na agad kami ng magsalita si Sam.

"Tapos. Sinabi din po nila na engage ka na kay miss Gizzelle.. at mukha daw na nag away kayo, kaya binayaran mo ulit si Ericka na magpasaya ulit sayo ngayong araw... They even say na pinalabas lang daw ni Ericka yung nangyari sa kaniya 2 weeks ago para maawa ka sa kaniya." Napamura ako sa isip ko pero bawal kong isulat iyon. Bakit may ganoong mindset ang mga babaeng iyon?!

"I also get their names at kung saan sila nagtatrabaho. In case na kailanganin mo." Binigay niya yung papel kay Sam. Pumalakpak agad ako.

"Magaling! Magaling. Pwede na nating patumabahin agad yung dalawang bruha." Tumayo naman na agad kami ni Alex at lumapit kay Sam.

"Alam mo yung address?" Tanong ni Alex kay Roxanne.

"Pahiram. Susunugin ko ang bahay ng mga iyon." Ibibigay sana ni Roxanne kay Alex pero inagaw agad iyon ni Sam.

"Tanggalan mo sila ng trabaho." Napalingon agad kami kay Sam.

"And talk to Mr. Miguel Sobretos. File a case." Sabi niya pa habang tinitingnan yung folder. Tumango naman agad si Roxanne sa kaniya.

"Paano na yung plano natin?" Tanong ko kay Sam.

"That's still on going." paano kaya yun? Galit si Ericka kay Sam. Mas lalo lang kaming mahihirapan. "Tomorrow she'll find her gown." Dagdag niya pa.

"Anong theme niyo ba?" Tanong ko ulit. Shempre ako muna magpapanggap na Bride kaya dapat alam ko ang mga gusto nila.

"Anything she wants." Ang tino naman kausap neto.

"Paano kapag hindi sumama?" Tanong lo ulit.

"Sasama iyon." Napalingon kami kila tita.
"Magpanggap ka nalang na susundin mo siya sa gusto niya na lumayo ka sa kaniya." Nakangiting sabi ni tita Andrea. Ano bang naiisip nilang mag-asawa?

"Huh? Edi mas lalala yan tita. Diba hindi dapat patagalin ang away nila--"

"Then you'll get what you want,Sam." Sabi ni tito at uminom din.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now