Chapter 22

229 15 0
                                    

Chapter 22.
Ericka P.O.V.

"Itry na natin mamaya yung spa nila. Magpamassage tayo." Sabi ko sa kanila kasama naman daw iyon sa package na kinuha namin sabi ng nag aassist.

"Sige!--"

"Excuse me?" Napalingon ako sa nagsalita. Ang lawak lawak ng daan gusto pang dumaan kung saan kami nag uusap.

" daan na." Sabi ko nang hindi siya umaalis sa tabi ko. Nakatingin lang din saakin kaya tinitigan ko siya.

"Not that. I'm Kelvin." Sabi niya at nagabot ng kamay saakin. Ano bang trip sa buhay neto at saakin pa nag abot ng kamay?

"Im Jessie and this is Alexander and Ericka." Sabi naman ni Jessie at siya ang nakipag kamay. Basta talaga kapag gwapo gora lang eh. Kahit may boyfriend na.

"You can call me Alex. Para girly pakinggan. Pfft." Tumawa naman yung nagpakilalang Kelvin at umupo pa sa katabing upuan ko.

"Are you guys enjoying here?"tanong niya saamin. Inayos ko naman yung cover up na suot ko dahil napapansin kong nakatingin siya sa katawan ko.

"Yes--"

"No." Sabi ko at umalis. Tss. Naghahanap ata ng liligawan kaya lumapit saamin.

Umahon ako sa kabilang side ng pool.

"Sabi nila birthday mo." Nagulat ako nang nakatayo siya mismo sa tapat ko.

"So?"

"This resort have a special gift on their customers." Sabi niya pa. Ganitong ganito ang mga linyahan ng mga babaero eh. Sa dinami dami na naming napuntahan puro ganiyan nalang.

"I don't care."

"Sige na. Sayang malay mo libre na tayo sa pagkain." Sabi ni Alex na nasa tabi ko na pala. Sabagay, sayang naman kung libre diba? Makakatipid pa kami. Pero ayokong sumama sa kaniya.

"Kung meron, ibibigay na nila iyon kung nasaan ang  customer. Hindi ko na kailangan pumunta don." Sabi ko.
Baka mamaya budol budol yan diba--

"Ang hirap naman! Kung patulugin ko nalang kaya to para sumama saakin." Rinig kong bulong ni Kelvin. Kelvin ba pangalan nito?

Umahon naman agad sa pool si Alex at agad na tinulak yung lalaki paatras.
"I'm just kidding!" Sabi niya at umalis.

Tama nga ang nasa isip ko. Iba ang gusto nung lalaking iyon eh.

---

"Ma'am Ericka?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Staff siya dito. Tingin ko siya din yung nasa lobby kanina.

"Yes?"

"Pwede po ba kayong sumama saakin?" Nagkakitinginan kami ni Jessie. Bigla din akong kinabahan.

"Why?" Tanong ko.

"Kakausapin daw po kayo ni Sir. About what happened earlier." Eh? Yung nakipag away ako kanina sa lobby? Nainis lang naman talaga ako kanina.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"I don't know ma'am." Hindi naman siguro ako non papaalisin o kakasuhan. Baka naman papabayarin ako? Pero wala namang damages akong nagawa para mag bayad.

"Sige." Nagsuot ako ng cover up at sumunod ako sa kaniya.

"Ano bang pangalan ng boss niyo?" Tanong ko habang nakasunod sa kaniya.

"Hindi ko po pwedeng sabihin ma'am. Mahigpit na bilin po iyon saamin." Ang weird naman. Ayaw niya bang kilalanin siya na may ari siya ng sikat na Resort dito sa Pilipinas?

"Bakit?"

"Confidential ma'am." Okay. Sumunod nalang ako sa kaniya. Hanggang makarating kami sa dulo ng rent house. Dito ba ang opisina ng boss nila?

Ay. Elevator? Pinindot niya ang 5th floor kaya humawak agad ako sa gilid. Hindi talaga ako sanay sumakay sa elevator. Pagkadating namin sa taas ay sumunod ako sa kaniya hanggang makarating kami sa malaking pintuan ng kwarto.

"Sir?"

"Come in." Kinakabahan ako ah. Ngumiti naman saakin yung babae kaya ngumiti din ako sa kaniya.

"Pasok na po ma'am." Sabi nung babae at binuksan ang pinto. Pumasok nalang agad ako sa loob .

"Mauuna na po ako." Sabi niya at sinarado ang pinto. Inikot ko yung tingin ko sa buong opisina ng boss nila. Siya kaya yung lalaki kanina? Na nasa lobby at yung sa bahay.

"Ericka Castillo Santos." Nagulat ako sa nagsalita.

"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakatalikod ang upuan niya sa lamesa. Hindi naman ako umaalis dito sa may pintuan.

"Sit." Eh? Lumapit ako sa lamesa niya at naupo sa sa upuan na bakante.

"If were gonna talk about what happened earlier. Im sorry." Sabi ko agad nang nakaupo ako. Bakit gusto niya na naka dim lang ang ilaw?

"Sign the contract." Eh? Magbabayad ba ako? Nakakainis naman wala namang damage akong nagawa ah? Through verbal lang ako nagalit diba?!

"On that folder." Tss. Binuksan ko agad yung folder na sinasabi niya. Ito lang kasi ang nag iisang folder na nasa lamesa.

'Marriage contract.'

Binasa ko ng mabuti ang nakasulat. Tama ba ang nababasa ko? Tiningnan ko yung pangalan ko na nasa baba. Andito nga ang pangalan ko?!

"Go sign that baby." Napalingon ako sa harap ko. Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siya ng malapitan.

Hindi ako pwedeng magkamali..

"Sam.."

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now