Chapter 76

169 6 0
                                    

Chapter 76
Jessie P.O.V.

Ang sabi saakin ng daddy ni Sam ay pupunta sila dito bukas ng umaga para sa papamanhiakan. Sasabihin na din ni Sam kay Ericka yung tungkol sa kasal nilang dalawa. Kaya hindi na magiging surprise wedding.

"May naiisip ako, Jessie." Sabi ni Aica saakin. Andito kami sa Supermarket para mag grocery ng mga lulutuin namin bukas.

"Ano?"

"Ang boring naman kase pag normal na papamanhikan lang diba? Lagyan natin ng thrill." Nakangising sabi niya saakin. Ano na naman kayang kalokohan ang naisip neto.

"Instead na doon mamamanhikan sa bahay niyo bakit kaya doon nalang sa bahay nila kuya?" Huh? Kami din ang pupunta doon?

"Manonood tayo doon ng movie. Sa pagkakaalam ko may Cineroom doon si kuya." Sabi niya at nagbukas ng pringles. Pasaway talaga kung may makakita sa kaniya dito mapapagalitan pa kami.

"Then?"

"Manonood tayo don shempre. Tapos iyon din yung way kung paano sasabihin ni kuya kay Ericka yung mali yung iniisip niya na engage si kuya doon sa hipon tapos magpropropose siya diba. Pero dapat alam lang ni Ericka na engage sila not totally the wedding para may shocking event sa Saturday na wedding nila diba?" Paliwanag niya.

Well maganda naman ang idea niya. Pero ang tanong paano namin mapapapunta si Ericka doon sa bahay nilang dalawa?

"Ako na bahala kausapin sila mommy ikaw naman kila tita and tito. And make sure na hindi malalaman ni Ericka." Tss.

"It's simple task. Ang iniisip ko paano kaya si Ericka? Iyon tomboy lang na iyon ang mahirap kausapin eh." Tanong ko sa kaniya. Tinakpan naman niya yung kinakain niya at nilagay niya iyon sa cart ko.

"Madali lang! Kagaya kaninang umaga napapunta siya ni daddy sa opisina ni Sam. Nagkaroon daw ng car accident doon sa unahan kung saan yung Reception nila. Tapos kaparehas ng damit ni Ericka yung pasahero sa taxi na namatay. Hindi na nga daw makilala ang mukha non." Ah. Kaya pala.

"So nagpaka baliw siya diyan. Parehas lang sila ni Ericka hindi umuwi sa bahay." Dagdag niya pa.

"So ano naiisip mo para mapapunta si Ericka?" Tanong ko sa kaniya. Alangan naman kausapin namin yung daddy nila na papuntahin ulit doon si Ericka sa bahay nila.

"Wala pa nga eh. Sabihin ko kayang nasusunog ang bahay ni kuya? At nasa loob si pa si Sam?" Tanong niya saakin.

"Gaga! Edi tumawag na iyon ng mga ambulansiya at bumbero." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Kung ganito nalang..."

---

Dumating na si Bessy na sobrang daming dalang gamit. Ang sabi niya binili daw iyon ng future mommy niya HAHAHA.

"Oh saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Diyan lang.. Magpapalamig." May nangyari na naman ba sa kanila?

"Susundan ko lang. Bahala ka na muna dito bakla." Sabi ko kay Alex na nagluluto at sinundan ko palabas si Ericka. Kumuha muna ako ng jacket bago ako lumabas ng bahay. Mabuti naman di pa siya nakaka-layo.

"May problema ka ba bessy?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi mo noon diba dapat hindi ako mag regret ng kahit ano sa lahat gagawin ko." Panimula niya.

"Ikaw? Nagsisi ka na ba sa isang desisyong nagawa mo? Yung nasa isip mo nalang na. 'Dapat hindi ko na sinabi sa kaniya iyon noon.' 'Edi sana saakin pa rin siya hanggang ngayon.' " Nag away na naman ba sila ni Sam?

"Bakit bessy?" Tanong ko sa kaniya. Humarap naman agad siya saakin na parang iiyak na.

"Kahit naman ipaliwanag ko sa inyo lahat. Hindi pa rin naman mababawasan yung sakit na nararamdaman ko eh." Ngumiti siya at agad na tumingala. Nilagay naman niya sa bulsa ng jacket niya ang kamay niya at nagsimulang maglakad.

Sumunod nalang ulit ako sa kaniya. Ayoko namang ipilit na sabihin niya kung ano yung problema niya. Kung gusto niyang sarilihin then go. Basta andito lang ako. andito lang kami na handang makinig sa mga problema niya kung gusto niya nang sabihin.

"Bessy.. Pinapapunta pala tayo ng daddy ni Sam bukas sa bahay niyo Sam.." Sabi ko sa kaniya kaya lumingon naman agad siya saakin.

"Gusto din nila na makausap sila tito." Dagdag ko pa.

"Pfft. Parang reunion lang ng ginawa nila kay papa." Napahinto ako sa sinabi niya.

"Aalis na muna ako. Kayo nalang muna pumunta sa invitation nila." Sabi niya pa at iniwan agad ako.

Galit pa rin ba siya? Hindi to pwede! Anong gagawin ko?

"Ericka, teka lang!" Tawag ko sa kaniya. Tinakbo ko agad para mapigilan ko siya.
"Bessy. H-hindi mo parin ba napapatawad yung pamilya ni Sam?" Kinakabahan kong tanong.

"I already forgave them. Noon pa. Naalala ko lang bigla yung nangyari lahat ng nangyari saamin ni Sam" Ngumiti naman siya saakin.

"At yung nangyayari ngayon. Sobrang hirap pala." Hinawakan ko agad yung kamay niya at hinila ko siya papunta sa gilid. Mabuti nalang nasa park na kami.

"Nag away kayo ni Sam noh?" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman siya. Ano kayang nangyari?

"Nalaman ko lang kung gaano niya kamahal yung fiancee niya." Huh? Don't tell me nagseselos siya sa sarili niya? I need to hold on para hindi ako matawa.

"Sinabihan niya ako ng mahal niya ako kanina... Na dapat daw nasa tabi niya lang ako.. Takot na takot nga siyang umalis ako sa tabi niya kanina eh." Nakangiti niyang paliwanag saakin.

"Pero nalaman ko na para i-iyon sa fiancee niya.. He even say na kamukha ko daw fiancee niya " tumawa naman siya pero pakiramdam ko ang sakit sakit non para sa kaniya.

Shempre hindi niya naman alam na siya yung sinasabihan ni Sam.

"Ang tanga ko lang kase akala ko ako yung sinasabihan niya na mahal na mahal niya kahit lasing siya.." Niyakap ko nalang siya. Hindi ko naman kayang sabihin na siya naman yung tinutukoy ni Sam na mahal na mahal niya.

"Bessy may alam akong pampawala ng stressed. Basta promise me na sasama ka saamin bukas." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ano?" Pfft. Sabi na! Papayag din to!

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now