Chapter 16

227 12 0
                                    

Chapter 16
Ericka P.O.V

7pm na na pala. Hindi ko namalayan ang oras.

"Suot mo parin pala yan." Turo niya sa kwintas na suot ko kaya tinanggal ko iyon.

"Nakalimutan ko--"

"Isuot mo, bagay nga iyan sayo. Wag mong tatanggalin yan ah... kahit kailan." Sabi niya at sinuot ulit saakin yung kwintas. Pakiramdam ko nagsisisi ako na pumayag pa akong sumama sa kaniya.

"Tama na.. I-i want to go home." Pinunasan naman niya agad ang pisnge ko kaya bahagyang lumayo ako sa kaniya.

"May huli pa tayong pupuntahan." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Akala ko ay aalis na kami pero hindi naman siya tumayo.

"Pero bago iyon. I want to say sorry. Sa nagawa ko. Gusto kong malaman mo ang totoong nangyari.. And I want you to hear that from me.." hindi na ako kumibo at hinayaan ko siyang magsalita. Mapa-panatag din siguro ako kapag sa kaniya nanggaling ang totoong nangyari.

"Two years ago. Nagpaturo saakin si Aica na magmaneho ng sasakyan. Hindi siya pinapayagan ni Daddy dahil babae daw siya. Kaya ako ang kinulit niya." Ngumiti siya saakin pero kabaliktad non ang nakikita ko sa mata niya.

"Ako kase yung hindi makatanggi sa kapatid. We always want spoil her lalo na ako. Kahit anong hingiin niya saakin I give it to her. Kahit magka-edad kami siya parin ang bunso saamin." Sabi niya at tumingin sa dagat. Alam ko naman kung gaano niya kamahal si Aica. Sa sandaling panahon na nakasama ko sila nakita ko na agad iyon.

"That day. Tumakas kami kay daddy. Hindi din kami nagpakita kila Kuya Rex. Nasa labas na non ang service namin at nakuha ko yung susi sa lamesa ni daddy." Nung tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang sunod sunod na paglabas ng mga luha niya.

"Tinakas namin yung sasakyan. Ako una ang nagmaneho palayo sa bahay. Bago ko siya tinuruan ay pumunta kami doon sa dating bahay niyo. Nagulat nalang kami nang may biglang tumawid." Hindi niya pa tinutuloy ang sinasabi niya ay alam ko na kung sino iyon. Nalaman ko din kahapon na araw araw na palang pumupunta doon si papa para makita ako. Walang nagsasabi sa kaniya kung saan kami lumipat.

"Sinubukan kong ilihis doon sa lalaki yung sasakyan pero hindi ko napigilan. Umiiyak non si Aica dahil sa takot. Kaya pinatago ko siya sa baba ng upuan." Ang sabi saakin si Aica ang nakasagasa kay papa?

Siya ang nakasagasa kay papa?

"Ako yung unang bumaba. Sinabihan ko si Aica na wag nang bumaba para hindi siya makita ng tao. Nalaman agad iyon ni Daddy. Galit na galit siya kay Aica.. Lalo na nang malaman namin na namatay yung lalaking nasagasaan ko." Naramdaman ko nalang na yumakap siya saakin. Itinago niya saakin ang totoo. Simula pala sa umpisa alam na niyang siya ang may kasalanan sa pagkawala ni papa.

"Pinalabas namin na okay na yung lalaki kay Aica. Dahil hindi ko kayang nakikita na tulala at umiiyak ang kapatid ko. Binayaran din ni daddy ang mga magulang mo para hindi na magsampa ng kaso saamin. Kung sakali man." Para hindi na kumalat yung balita kaya nila binayaran si mama?

"Akala ko okay na ang lahat... na hindi nalalabas ulit yung nangyaring iyon. Pero nagkamali ako.. Dumating ka.. Hindi ko alam na tatay mo iyon. Hindi ko alam sorry. sorry.." Siguro kung hindi nangyari iyon magkasama na kami ni papa. Binalikan niya talaga ako. Kung sana hindi nangyari iyon masaya na kami ni papa.

"Tara na. May pupuntahan pa tayo." Sabi niya at nauna nang maglakad. Tahimik lang akong sumunod sa kaniya. Pagkadating ko sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya parin ako kagaya ng dati.

Tinuruan niya akong patawarin ko noon si mama. Alam ko na din ang totoong nangyari sa kanila. Pinagkasundo lang si papa at si mama noon. At ang totoong mahal ni mama ay si tito. Minahal na ng tuluyan ni papa si mama pero hindi napalitan sa puso ni mama si tito.

Iba iba parin pala ang epekto ng pag ibig saatin. Sa ibang tao masaya ang mag-mahal. Pero saamin hindi. Bakit kaya nangyari iyon saamin. Sa lahat ng tao bakit pamilya pa nila Sam.

Wala naman akong naging kasalanan sa kanila. Bakit ganito yung nangyayari?
Minsan na nga lang ako maniwala sa pag ibig bakit kay Sam pa?

"Andito na tayo." Sabi niya at tinigil ang sasakyan. Tumingin ako sa labas. Hindi ko pa naisip na pumunta dito lalong lalo na nang malaman ko iyon.

"Gusto kong tuparin ang ipinangako ko saiyo." Sabi niya at nagtanggal ng seat belt. Pinigilan ko naman agad siya. Ayoko dito. Hindi ko gustong pumunta dito.

"A-ayoko. Gusto ko nang umuwi." Sabi ko agad ngumiti lang siya saakin hinawakan ang kamay ko.

"Gusto kong matupad yung pangarap mo. Yung ipinangako ko sayo na makukulong kung sino ang gumawa non." Hindi ko kayang gawin sa kaniya iyon. Ayoko.

"Shh..I want you to be happy hindi para umiyak ka pfft.." Sabi niya at niyakap ako. Hindi ko kayang gawin iyon.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now