Chapter 48

201 8 0
                                    

Chapter 48
Ericka P.O.V.

Lumabas agad ako nang makita ko yung bahay napinapagawa ko na tapos na. Paano nangyari iyon? Tumigil ako ng mahigit kalahating taon dahil nagkulang yung budget ko. Kaya paanong nangyari na nagawa to?

"Im sorry.." hinawakan naman ni Sam yung kamay ko kaya nilingon ko siya. Siya din ba ang may gawa neto?

"Nalaman ko na pinatigil mo pagpapagawa dito dahil maubusan na ng budget. Kaya kami na ng team ko ang gumawa--" niyakap ko agad siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"I'm sorry nangealam ako. Don't worry. Last na yan. T-tara pasok na muna tayo." Sabi niya at naunang naglakad. Sumunod naman ako sa kaniya nang pumasok na siya sa loob.

"Pinapalitan ko yung ibang materials na andito. Para sigurado akong matibay." Sabi niya nang nilibot ko ang tingin sa buong bahay. Ang layo na ng itsura nung huling punta ko dito.

"Instead of 3 bedrooms, I made it 5. Three bedrooms upstairs and yung dalawa for guest room andito sa baba." Sabi niya at tinuro yung dalawang pintuan sa gilid.

"Hindi ko na din pinalitan ang gusto mong design ng bahay. Sabi kase ni Architect Matthew, iyon daw ang pinaka gusto mo."
Lumapit ako sa hagdanan. Sobrang ganda ng lahat ng makikita dito. Napaka aliwalas ng bahay.

Umakyat ako sa second floor at pumunta doon sa masters bedroom. Puro sky blue ang kulay ng dingding pati ang mga kabinet at ang higaan. Ito din yung gusto kong maging kulay ng kwarto.

Lumapit agad ako doon sa higaan at naupo. Napaka-lambot. May aircon na din pala dito. "AHH!" Tili ko nang gapangan ako ng daga sa paa.

"What happened?!" Napalingon ako sa pinto.

"May daga!" Sigaw ko at inakyat ang paa ko sa higaan.  "Doon pumunta sa likod ng kabinet!" Sigaw ko pa. Lumapit naman siya sa kabinet at tumingin sa ilalim non.

"Nasaan ba?" Tanong niya ulit. Hindi niya ba nakikita yung buntot?!

"There! Sa likod nga ng kabinet! Ayon yung buntot!" Sigaw ko sa kaniya. Iritado naman niya akong nilingon kaya tinapunan ko ng unan ang mukha niya.

"Low down your voice. Nakakahiya sa mga kapitbahay mo tss." Kasalanan ko ba na matakot ako sa daga?!

"Ang liit lang pala." Nagulat ako nang hinawakan niya yung buntot at pinakita iyon saakin.

"ILAYO MO SAAKIN YAN!" banta ko sa kaniya. Tawa naman siya ng tawa habang pababa. Kadiri! Kaya niyang hawakan iyon?

Ano na naman bang tinatawa-tawa ng unggoy na iyon?!

Inayos ko na muna yung higaan bago ako bumaba at sumunod sa kaniya. Nakita ko siya na naghuhugas ng kamay.

"Ang taray taray takot naman sa daga pfft." Rinig kong bulong niya. Iniinis ba ako neto?

"Anong sabi mo?!" Tanong ko sa kaniya.
"HAHAHA wala sabi ko alis na tayo. Bibili ka--"

"Don't touch me! Kadiri ka!" Lumayo agad ako sa kaniya ng hawakan niya kamay ko. Nagtatayuan pa ang balahibo ko sa pag-hawak niya sa daga kanina.

"HAHAHA ang arte mo naman. Andito pa nga iyon sa bulsa ko." nilabas niya ang daga at itinapon iyon saakin.

"Sam!" Tumakbo agad ako papunta doon sa hagdanan. Tawa naman siya ng tawa habang hawak yung daga.
"THROW IT AWAY!" Sigaw ko sa kaniya.

"This is just a toy Ericka HAHAHA" umakyat pa ako ng tatlong hakbang nang lumapit siya saakin.

"I DON'T FREAKING CARE, THROW THAT AWAY FROM ME!" sigaw ko ulit. Pumunta naman ulit siya sa kusina at itinapon nga yung laruan na daga.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now