Chapter 64

171 8 0
                                    


Chapter 64
Jessie P.O.V.

Paano kaya namin to mapapapili. Ang sabi saamin ni Sam gown daw muna eh.

"Bessy alin ang mas maganda dito?" Tanong ko sa kaniya at pinakita yung dalawang picture ng gown. "Ito or ito?" Yung isang gown kase parang princess ang dating. Sigurado akong bagay na bagay sa kaniya.

Yung isa naman fitted siya. Lalabas ang kaseksihan ni Bessy ko.

"Parehas naman maganda. Dipende nalang yan sa gusto mo." Sabi niya at tumingin ulit sa magazine. Hay nako. Papahirapan pa ako ng isang to.

"If ever na ikaw ang ikakasal alin pipiliin mo?" Tanong ko.

"Wala. Ayoko naman niyan eh." Hayst. Simula na naman ng katarayan ng isang to.

"Sige na pleasee.. gusto ko sana yung mga gusto mo ang sana wedding ko.. Kasi pang high class ka eh" sabi ko sa kaniya pero inirapan nanaman niya ako.

"Anong theme niyo ba?" Tanong ni Alex. As if namang hindi niya alam.

"Winter." Sabi ni Antony. Iyon kase yung gusto ni Sam. Ewan nalang kung gusto iyon ni bessy ko. Pagkalingon ko sa may entrance dumating na si Sam. Tapos na siguro interview nila.

Sasabihin na daw ni Sam sa lahat na ikakasal na sila eh. Diba? Ang sweet. Hindi nga lang alam ng bride.

"Bakit andito si Sam, Jessie?" Tanong agad saakin ni Ericka. Pfft. Shempre siya ang groom mo hihihi.

"Tinutulungan niya si Antony na pumili din." Ilang araw pa kaya namin lolokohin siya? HAHAHA. Kumuha naman siya ng bago pang magazine kaso umupo naman sa tabi niya si Sam pfft.

"It's almost 12 noon. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Sam saamin. Tanungin mo nalang kase si bessy. Dadamay mo pa kami pfft.

"Di pa.. ang hirap kase mamili eh. Wala namang tumutulong saakin." Pagpaparinig ko kay Bessy. Tumingin naman agad siya saakin.

"Bessy. Pili ka na kase ng gown.. Ang hirap kaya." Sana naman pumayag na.

"Tss. Bakit? Ako ba ang ikakasal?! At saka bakit ba kayo nagmamadali? Pwede niyo naman yan gawin ng December. June palang naman eh." Sabi niya at agad na tumayo at pumunta sa cr.

Anong nangyari don? Bakit galit na galit?

"Anyare bro? HAHAHA pinagselos mo na naman siguro." Mahinang sabi ni Antony ko. Kumuha naman si Sam ng magazine, hindi naman mawala yung ngiti ng isang to.

May nangyari kayang hindi ko alam sa kanila?

"Hintayin na muna natin si Ericka tapos kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom kaloka!" Sabi ni Alex at binaba naman yung magazine niya. Binuksan naman nung guard yung TV.

"Next week will be our wedding--"
Pinatay naman agad ni Bessy yung tv. Hindi pa naman nagsisimula ipalabas yung interview nila pinapatay na agad.

Tiningnan agad namin si Sam na nakangiting parang baliw.

"Next week na?! AGAD AGAD?!" Sabay sabay naming tanong maliban kay bessy. O my goodness! Ngayon pa nga lang ang hirap na tapos papabilisin agad niya.

"Let's go. I'm starving." Sabi niya at tumayo agad.  Tumingin naman siya kay Bessy na tahimik na tumitingin sa magazine.

"Bessy tara na kain na muna tayo." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya tumayo.

"Umalis na kayo. Di ba sabi mo ako papapiliin mo para sa kasal mo?" Nagsalpak na agad siya ng earphone at naglakad naman agad palabas si Sam. Hindi niya ba pipilitin si bessy?

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now