Chapter 7

301 12 0
                                    

Chapter 7
Ericka P.O.V

"Sam?!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang muntikan nang bumagsak. Ang sabi ng mga katulong nagkakagulo daw dito sa kwarto ni Aica kaya pumunta na ako.

"Sam.. Nilalagnat ka.. kuya patulong naman po ako ipunta na po natin siya sa hospital." Sabi ko pero pinigilan niya si Kuya Rex. Ang taas na ng lagnat niya. Tiningnan ko naman si Aica na pilit na ginigising si James na walang malay sa gilid.

Ano bang nangyari sa kanila?

"M-magpapahinga lang ako sa kwarto." Tinulungan ko naman siyang makatayo. Tiningnan niya si Aica na yakap si James. Ang kalat din ng kwarto ni Aica. May naiisip na ako kaya sila nagka ganito pero hindi pa ako sigurado.

"Ako nang bahala dito." Tumango naman ako kay ate Lora at hinila ko na palabas si Sam. Pagkapasok namin sa kwarto niya ay agad na siyang pumunta sa banyo.

"Kuya kukuha lang po ako ng gamot. Pakitawag nalang po ako kapag tapos na siyang makapag palit." Tumango naman saakin si kuya kaya lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso sa baba.

"Ms. Ericka. Ano po bang nangyari?" Lumapit naman silang lahat saakin nang makababa ako. Wala naman akong karapatan para sabihin sa kanila ang tingin kong nangyari sa tatlo kaya nag kibit balikat lang ako.

"Nilalagnat si Sam. Ano kaya ang pwede kong ipainom na gamot?" Tanong ko sa kanila nang makuha ko ang lagayan ng mga gamot dito sa kusina. Inabot naman saakin ni Ate Judy yung tray ng pagkain na may kasama nang gamot.

"Pinagbawalan po kami ni Nanay Lora na umakyat." Tumango naman ako sa kaniya at tinanggap ko iyon.

"Ako nang bahala ate. Paki-handa na din po yung pagkain ni Aica." Tumango naman sila saakin at agad na ding nag asikaso. Pagka akyat ko sa taas ay nakita kong nag uusap si Aica at James pero nandoon si Ate Lora.

"Ako na po." Binigay ko naman kay kuya Rex ang tray at sumunod sa kaniya. Pagka-pasok ko sa loob ng kwarto ni Sam ay nakahiga na siya.

"Sam. Kumain ka na muna bago ka matulog." Sabi ko at pinalagay kay kuya Rex ang tray sa higaan niya. Hindi naman siya kumikibo kaya tinanggal ko ang kumot sa mukha niya.

"Sam.. Kailangan mong kumain." Sabi ko at iniharap ko ang mukha niya saakin. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiiyak sa mismong harapan ko. Nakarinig pa ako ng pagbukas at sarado ng pintuan kaya nilingon ko si Kuya Rex. Lumabas na siya.

"Kumain ka na muna." Pilit ko sa kaniya. Pinipigilan ko din ang sarili ko na hindi maiyak dahil sa nakikita ko siyang nahihirapan.

"Masama ba akong kapatid?" Tanong niya nang makaupo siya. Umiling naman agad ako. Hindi ako nakaranas na magkaroon ng kapatid kaya hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko sa kaniya. Ang gusto ko lang muna ngayon mapagaan ko ang loob niya.

"Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magawa iyon ni Aica." Pinunasan ko naman agad yung pisnge niya nang magsimula na naman siyang umiyak.

"H-hindi naman niya iyon sinasadya.. hindi niya pa siguro nai-isip kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag ginawa nila iyon." Ito siguro yung dahilan kung bakit ko napapansin yung pabago bagong mood ni Sam. Nag aalala siya para kay Aica tuwing magkasama sila ni James.

"Hayaan mo.. kakausapin ko din si Aica. Kumain ka na muna." Inabot ko sa kaniya yung tray. Habang kumakain naman siya ay kinuhaan ko siya ng temperature.

39.8°

Bakit kaya ang daming bote ng alak dito sa loob?

Pagkatapos niyang kumain ay uminom na siya ng gamot at nagpahinga. Pagkalabas ko naman ay nakita kong lumabas si James sa kwarto ni Aica na puro pasa at bukol ang mukha. Halatang halata ang mga sugat na nasa mukha niya.

"Nagpapahinga na po si Sam. Paki-bantayan nalang baka po kasi tumawag." Sabi ko kay Kuya Rex nang makita ko siyang nasa gilid lang ng pintuan.

"Okay po." Dumeretso ako sa baba at sinalubong ako ng ibang katulong para kunin ang dala kong tray. Kanina nakita ko sa taas si ate Lora na nagliligpit pa lang ng gamit..

"Yung pagkain po ni Aica?" Tumango sila saakin at agad nang pumunta sa kusina.
Alas otso na pala. Ang paalam ko kukunin ko lang ang libro dito kila Sam at hindi magtatagal eh.

2 unread message.

Binuksan ko agad yung message na dumating saakin. Unknown Number na naman..

*picture

'Ayan ang araw na binayaran ng magulang ni Sam ang mga magulang mo.'

Tiningnan ko ulit yung picture. Saamin nga eto. Andito din ang mga magulang ni Sam na kausap si mama at si daddy. Saan naman niya nakuha eto?

2 unread message.

*picture.

'Ayan din ang picture kung saan sinagasaan ni Aica ang tatay mo.'

Andoon sa picture si Aica at si Sam. Doon din ito sa lumang bahay namin na may duguang lalaki. Bakit may mga picture siya neto?

unknown number.

Sinagot ko agad yung tawag pero hindi ako nagsalita. Ito din yung number kanina.

"Ericka. Siguro nakita mo na ang pinadala ko sayo." Sabi niya. Sino ka ba? Bakit mo pinapadala saakin iyon. Tumingin ako sa malaking family picture nila Sam na nakasabit sa dingding

"Tingin mo. Tinu-tulungan ka ba ni Sam na mahanap ang gumawa non sa tatay mo?Kung sila naman ng kapatid niya ang may gawa non." Bakit ako kinakabahan sa mga sinasabi niya? Bakit ako nagsisimulang mang hinala kay Sam?

"A-ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Im just helping you. Bakit kaya mas gusto ni Sam na doon kayo humingi ng tulong sa investigator ng daddy niya kung pwede naman sa pulis?" Bakit nga ba? Pumikit naman ako at pilit kong bawiin lahat ng nasa isip ko.

Bakit ba ako nagpapadala sa mga sinasabi neto?!

"Kung ako sayo. Imbistigahan ko din si Sam." Sabi niya at pinatay ang tawag.
Totoo ba ang mga sinasabi nung lalaki?
Hindi ko naman pwedeng pagdudahan si Sam. Sigurado akong hindi sila ang may gawa non.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Aica ay maayos na at siya ay nakahiga na.

'Kung sila naman ang may dahilan non.' Biglang pumasok ulit iyon sa isipan ko.

"Aica. Kumain ka na." Sabi ko at nilapag ko ang tray sa tabi niya.

Kung kayo talaga ang may kasalanan sa pagkakawala kay papa, bakit hindi niyo sinabi saakin nung una palang? Hinding hindi ko kayo mapapatawad.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now