Chapter 19

236 12 0
                                    

Chapter 19
7 years later...

Ericka P.O.V

"Ericka diba next week na birthday mo?" Tanong ni Jessie habang nagluluto.

"Oo, bakit?"

"Puntahan na natin yung pinagi-ipunan mo." Eh? Sasakto na kaya yung pera ko doon? Mukhang hindi pa nga iyon sakto sa isang kwarto eh.

"Hindi pa ako tapos mag ipon doon. Ang mahal daw doon  eh."

"HAHAHA edi gamitin mo credit cards mo duh napakakuripot talaga." Para sa ibang bagay yung credit cards ko. Hindi ko pwedeng gastusin iyon ng isang araw.

"Para sa bahay na pinapatayo ko iyon. Tss." Hindi ko pa nga natatapos hanggang ngayon. Ilang taon na ang nakalipas hayst.

"Edi, ambagan tayo." Sabi ni Alex. Nasa iisang condo lang kami. Sumunod din kasi dito sa Quezon City si Jessie.

"Game!" Sigaw agad ni Jessie.

"Magli leave ako for 1 week." Sabi ni Alex at naglabas na agad siya ng cellphone. Hindi naman kami pwedeng mag leave agad. Kailangan a week before kami nagpaalam. Iyon ang sabi eh.

"Me too!" Hayst I have no other choice!

"We can enjoy there for 3 days. Bakit pa kailangan one week?!" Inis na tanong ko habang nagte text kay Ma'am. Ano kaya ang idadahilan ko? Parang hindi kasi ako papayagan kapag sinabi ko lang na magsi-swimming lang kami.

"Pfft. HAHAHA okay lang yan!"

"Ano ngang pangalan ng resort na yon?" Tanong ni Alex . Masaya na din ako dahil kahit marami nang nagbago saamin hindi pa rin nagbabago ang samahan namin.

"Lovericka." Sabi ko. Sikat at mamahalin ang resort na iyon. Malawak dahil may beach. Pool. Spa. Rent house. Owned restaurants sa loob nila.

And I heared na ginawa iyon ng may ari para doon sa first love niya. Corny isn't?

"Isama ba natin si ma'am baby?" Tanong ni Alex. Hayst. Gusto ko sana kaming tatlo lang para hindi masyadong limit ang usapan at gagawin.

"Magbo book na ako. Para ma-assist na tayo agad pag dating natin don." Sabi ni Jessie.

"Tss. Matutulog na muna ako. Bahala na kayo jan." Sabi ko at sinarado ang laptop. Mas nakakapagod talaga kapag walang ginagawa lalo na kapag nasa bahay.

"Goodnight sleeptight." Sabay nilang sabi.

"Isasama ko ba si Mart?" Tanong ni Jessie. Si Martin Suarez? Wala naman sigurong masama kung isama namin siya tutal malapit siya kila Jessie.

"Sure." Sabi ko at pumasok sa kwarto ko.

Hanggang ngayon nanliligaw pa rin saakin si Mart. Ewan ko ba kung bakit ayokong sagutin siya. Kahit almost 7 years na siyang nanliligaw.

Sinabihan ko na nga iyon na hanggang kaibigan lang tingin ko sa kaniya pero tuloy tuloy pa rin siya. Sabi niya maghi-hintay siya hanggang maging mutual na ang feelings namin. Tss ang corny ng mga lalaki hindi ba?

Makatulog na nga.

Kelvin P.O.V

"May nagbook na kapangalan ng hinahanap mo bro." Sabi ko sa kaniya. Naalala ko na! Kanina ko pa to tinititigan eh. Sabi na familiar.

"Name?"

"Ericka Castillo Santos." Pfft. Maganda siguro toh kaya nabaliw ang isang to doon sa babae.

"Okay." Tss. Ilang buwan ko na din siyang hinintay para mag book dito tapos iyan lang ang sasabihin niya?

"Is she beautiful?" I asked. Tinitigan niya ako na parang may ginawa akong kasalanan. Hilig naman niyang gawin iyan. Sanay na ako.

"Tss."

"Kind? Sweet? Have a sexy body?" Tanong ko ulit. Hindi naman na siya kumibo at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nakaka excite naman ang mangyayari next week.

Nasa resort siya kaya sigurado akong magbi bikini iyon.

"Is she have a--"

"Get out!" What?! Hindi ko pa nga tapos ang ginagawa ko.

"Im just asking--"

"Out!" Tss. Makaalis na nga. Siya nalang gumawa neto at ako ay maghahanap pa ng magandang dilag.

"Yes! Dagdagan mo sahod ko ah!" I said before I closed the door.

He's my bestfriend when we're in college. Ewan kung bakit kami naging close pfft. Sabagay siya lang ang nakilala kong unang Pilipino na na nag-aral doon sa pina-pasukan ko. I am his personal attorney.

Just kidding.

Im his buddy Architect. And isa lang ang alam ko. Baliw na baliw siya sa babaeng tomboy daw. Iyon ang mukhang bibig simula pa noon eh.

Buti pa ako. I can get all the girls I want. Hindi ko kailangan ng real girlfriend. Tsk.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now