Chapter 71

173 10 1
                                    

Chapter 71
Jessie P.O.V.

Hay nako. Makababa na nga lang. Para malaman ko pa yung pag uusapan nila tito. Mas mabuti na ding wala palang alam si Ericka para madali lang namin maayos yung problema.

"Matutulog na daw po siya.." Sabi ko kila tito. Tiningnan naman namin si Sam na nakayuko. Naalala ko yung kanina..

Hindi ko siya kayang saktan dahil baka makita ako ni Ericka. Baka saakin pa magalit iyon.

"I can prove to all of you that I'm not the father of that child. We can do some DNA test." Tss.

"Paano mo naman nasasabi iyan Sam? After 9 months mo pa malalaman tapos yung kasal niyo malapit na! 9 days nalang." Inis na sabi ko sa kaniya.. At sigurado akong hindi papayag sila tita na pakasalan ni Sam ang anak nila ng may anak si Sam sa ibang babae.

"There is a DNA test na pwede kahit nasa loob pa ang bata. We just need the approval of the mother.. kailangan din 3 months to 7 month pregnancy to get a DNA test.." Sabi naman ni Antony. Tss. Magkaibigan kase kaya kinakampihan.  Ang gandang pag-untugin neto eh.

"Ay basta. Ayoko nang matuloy ang kasal nila kung ganito ang nangyayari." Sabi ko sa kanila. Pero gusto ko pa ring maging happy si bessy ko!

Ang gulo naman kasi ni Sam!

"Then do the DNA test. Kung wala kang mapapakita sa amin ng asawa ko within 5 days. Hindi na matutuloy ang kasal niyo." Sabi ni Tita. Ang seseryoso talaga nila pagdating kay Ericka. Pero sigurado naman akong gagawa ng paraan si Sam.

"Tita paano kapag ayaw ni Gizzelle?" Tanong naman ni Alexander. Shocks oo nga? Paano iyon? Mas lalo kaming mahi-hirapan tulungan siya.

"Then that's your problem. Prove to us that you're the right man for our princess." Sabi ni tito. Hindi pa ba sapat yung mga ginawa ni Sam noon para sa kanila para patunay na worth it siya para kay Bessy.

"Para matuloy ang kasal niyo kailangan mong patunayan saamin na hindi ikaw ang tatay nung batang dinadala ni Gizzelle--"

"Tito mahihirapan naman niyan si Sam. Malapit na ang kasal nila." napahinto kami nang naglakad si Bessy papalapit saamin. Kanina pa ba siya?

Gosh narinig niya ba lahat?

"Oh? Bakit natigil po kayo? Tuloy niyo lang." Sabi niya saamin. Shems nalaman ba niya? Narinig niya?!

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Alex sa kaniya. Kinakabahan tuloy ako.

"Kung yan lang naman pala ang pag uusapan niyo pwede niyo naman akong isama ah." Sabi niya kila tito. Magagalit na naman to ng walang alam. Hay nako.

"At daddy. Hindi niyo naman pwede pagbawalan si Sam.. Pamilya na niya yung pinag uusapan niyo. Alam ko naman na naging malapit kayo kay Sam pero sana hayaan niyo naman na siya." Napayuko naman ako dahil mali na naman yung sasabihin niya.

Mabuti nalang at hindi kami nagsabi ng pangalan niya kanina.

"Ericka. Matulog ka na sa taas." Sabi ni tito. Tiningnan naman niya agad si tito na magkasalubong ang kilay. Kung pwede lang tumawa ng sobrang lakas ginawa ko na.

"Ano naman po sa inyo daddy kung magkaroon na sila ng anak? At gusto mo na negative yung maging resulta?  Ang gulo niyo." Sabi niya pa at uminom ng gatas. Pfft.

"Nak para sayo naman itong ginagawa namin." Hinawakan ni tita at tito yung kamay ni Ericka kaya parang mas lalo siyang nainis HAHAHAHA. Kila mommy and daddy hindi ko iyan nagagawa eh.

"Alam niyo po. Hindi ko na kayo maintindihan. Matutuloy ang kasal ni Sam kung hindi siya ang tatay non? Hindi ba mas magulo iyon?" Sabay sabay nanaman kaming tumawa sa sinabi niya. Hay nako.

Maganda din pala ang naidudulot ng walang alam yung bride para kung magkagulo man hindi mahihirapan ayusin.

"Oh ano na namang nakakatawa?" Pfft.

"Tito, tita.uuwi na po ako. Love uwi na ako. Pfft." Tumayo naman na si Antony ko. Maga-alas dose na pala.

"Hehehe bye love. Ingat ka. Text me pag nakauwi ka na." Sabi ko at niyakap ko siya. Magkikita na naman kami bukas.

"Opo... Alex, Ericka. Sam" kumaway siya saamin. Pfft. Siguro kailangan nilang mag usap na apat para maayos nila iyan.

"Aakyat na din po kami tita. Good night po!" Paalam ko bago kami umakyat sa kwarto namin.

Ericka P.O.V.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nila mama para pagbawalan pa nila si Sam.

"Ma. Malaki na iyan si Sam. Hindi na siya bata para pagbawalan niyo pa. Gusto na din naman niyang magkaroon ng pamilya eh." Sabi ko kay mama. Kanina pa ako nagpupumilit dito na tigilan nila si Sam ayaw naman nilang pumayag.

"Ericka hindi mo kasi naiintindihan." Hay nako. Tss.

"Daddy. Kung iyon lang naman ang kailangan niyo sinabi din saakin ni Sam na hindi siya ang tatay non.. And I believe him." Hinawakan ni Sam yung kamay ko kaya nilingon ko siya. Hindi naman niya kayang ipagtanggol sarili niya kila mama.

"Hayaan niyo na siya. Kung mahal naman niya talaga yung fiancee niya he can accept that child. Wala na pong problema iyon saakin. Nakapag-usap na kami ni Sam tungkol doon." Ngumiti naman saakin si mama. Buti naman na intindihan na niya.

"Gusto ko lang maging maayos ka nak." Sabi naman ni daddy.

"Iniisip niyo po ba na hindi pa ako nakaka move on?! HAHAHAHAHA" tinuro ko pa yung sarili ko. My gosh. Kung iniisip pa lang nila na ganon hay nako!

"Ako hindi pa makaka move on dito, Daddy? HAHAHAHA kung iyon lang ang iniisip niyo wag na kayong mag alala.. Malapit na daddy!" Sabi ko kaya tumawa naman si Mama. Bihira ko lang makita si mama na tumatawa ng ganito.

"Ang hirap hindi sabihin. Nagmumukha ka tuloy baliw nak. HAHAHA" tss. Ako mukhang baliw?

"Ma. Ganto nalang hanapan niyo nalang ako ng bagong pogi na single. HAHAHAHA Pati si Sam tutulong para masigurado ko sa inyo na naka move on na ako. Diba?" Nilingon ko naman si Sam na seryosong nakatingin saakin. Problema neto? Okay naman na sila mama at daddy ah.

"Tss. Matulog ka na. May gagawin pa ako." Sabi niya at tumayo. Anyare sa kaniya? Okay naman na ah? Bakit siya magwo- walk out?

"Sam. Hihintayin pa rin namin iyon." Sabi sa kaniya ni daddy. Hay nako ayaw pa ring maniwala. "Yes dad. I'll do everything to prove that." Sabi naman ni Sam sa kaniya.

"Daddy. Hindi pa rin po ba kayo naniniwala?" Tumingin naman saakin si daddy. "Daddy. Totoo naman si Sam sa mga sinasabi niya. Naniniwala ako don. Kaya naman--"

"It's okay Eka. Matulog ka na nga." Napalingon ako kay Sam. Hindi ko alam kung galit ba siya o naiinis. Umalis naman na sila mama at daddy. Kaya naiwan kami dito ni Sam.

"Maaga pa trabaho mo bukas diba? Umakyat ka na don." Galit ba siya? At parang ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako sa nickname ko.

"S-sam-"

"Aalis na ako. Agahan mo nalang pumunta bukas sa company." Sabi niya at iniwan niya ako sa kusina. Anong nangyari don? Atsaka akala ko magjo-jogging pa kami?

"Sam! Teka!" Pinigilan ko agad siya bago siya makalabas ng bahay. "P-paano yung ano.."

"What?" Hayst. Wag na nga. Bahala siya sa buhay niyam

"Wala. I lock mo nalang yung gate pag labas mo." Sabi ko at tumalikod sa kaniya.  Hayaan ko na ngang tumaba ako. Hindi pa naman masyadong malaki tiyan ko eh at tama siya. Kailangan maaga ako bukas. Tss.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now