Chapter 68

148 7 0
                                    

Chapter 68
Ericka P.O.V.

"You should apply nak. Maganda naman yung company nila." Kanina pa nila ako pinipilit na magpasa ng resume sa company nila Sam.

Maganda naman talaga ang records ng company nila. Wala naman din daw magiging problema pagdating sa mga sahod. Ang ayaw ko lang naman ay makikita ko si Sam doon.

"Oh saan ka pupunta? Bakit dala mo lahat ng gamit mo?" Napalingon ako sa kinausap ni Daddy. Bakit siya aalis?

"Ericka is right dad. Hindi naman ako pwede dito. I have my fiancee." Ngumiti agad siya saakin kaya tumango ako sa kaniya at binalik ko ang tingin sa plato ko.

Malinaw na ngayon saakin na si Gizzelle ang pinipili niya.

"What do you mean?" Tanong naman ni mama. Bakit ba sila parang nagtataka kung aalis si Sam dito?

"Nag away na naman ba kayo ni Ericka?" Hay nako. Tumingin saakin si Daddy kaya ngumiti ako sa kaniya. Para hindi na din ako umalis sa bahay.

"Hindi naman tama na dito siya tumira, ma. Paano kapag nalaman ng fiancee ni Sam na dito siya nagi-stay?" Tumingin naman sila agad saakin.

"Bessy andito ka naman at si Sam. If ever na sumugod iyon dito at isa pa! Wala naman siyang karapatan at hindi niya magugulo sila tita kung iyon ang iniisip mo." Hindi na ako nagbigay ng komento kay Jessie.

"Wag na kayong magtalo. Mauuna na ako." Kinuha naman nung isang escort ni Sam ang isang maleta dala niya. Lumapit naman agad si daddy at mama sa kaniya. Ano na naman kayang sasabihin nila kay Sam?

"Ano bessy? Ako na gagawa ng mga kailangan mo para mag apply? Kilalang kilala yung company nila. Sayang naman kung hindi mo kukunin yung chance." Ayoko. Hindi mapuputol ang koneksyon ko kay Sam kung patuloy pa akong didikit sa kung anong umuugnay sa kaniya.

"May kasabihan ka pa diba? 'take that chance and win it! Dapat hindi tayo tumatanggi sa mga trabaho! Blessings na nga lumalapit diba?.' HAHAHA. Tapos ngayon hindi mo susundin." Napalingon naman ako kay Alex. Ang tanging maayos lang na nakakaalam ay si daddy at ako.

Kung mag aral nalang kaya ulit ako? Pero sayang naman ang mga araw. Kung pwede naman ako magtrabaho nalang.

"Ingat Sam. Mamaya ha! Yung sa kasal." Sabi naman ni Jessie. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kaniya at naupo na ulit sila daddy sa pwesto nila.

Ano kayang pinag usapan nila?

Marami sigurong nagpasa na ng requirments para doon sa pwesto na bakante sa kumpanya nila? Try ko kaya? Aayusin ko nalang mamaya yung mga ipapasa ko.

"Bessy mamaya ah. 8:00 parin tayo." Tumango nalang ako at nagpunas ng kamay. Maga-asikaso nalang ako para sa pupuntahan namin ni Jessie.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na agad ako. 7:30 na kasi. Baka malate pa kami sa appointment niya.

"Bessy sabay ka nalang kay Sam.Susunduin ako ni Love, tapos si Alex mag momotor lang daw." Hindi pa ako nakakatanggi bigla naman nang pumasok si Sam.

"Let's go." Iba na ang suot niya. Umuwi pa ba siya sa kanila? Bakit parang ang bilis naman niya?

"Ingat kayo!" Sumunod nalang ako sa kaniya palabas. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan kaya sumakay na agad ako.

"Okay.. I'll be there in 15 minutes." Hindi ba siya sasama doon sa preperation para sa kasal nila Antony?

"Bababa na ako. Pumunta ka nalang doon sa--"

"I'll drop you there. Malapit lang naman yung pupuntahan ko doon." Sabi niya pagkababa ng cellphone. Sumang ayon nalang ako para hindi na din kami masyadong mag usap ni Sam.

Kung si Gizzelle ang pinili niya bakit andito pa rin siya? Dapat pala hindi nalang ako pumayag na magsabay kami ngayon, umaasa na naman ako.

"Ikaw na din muna ang pumili nung saamin ni Antony. Pero susubukan kong maka-habol sa inyo." Tumango nalang ulit ako at hindi ko na siya kinausap hanggang makarating kami sa shop.

Hininto niya agad yung sasakyan sa mismong entrance at bumaba siya para pagbuksan ulit ako. Hihintayin ko nalang ulit siyang makaalis bago ako pumasok.

"You should choose what you want." Sabi niya pa saakin.

"Di ba sabi mo naman hahabol ka?"tanong ko. Tumango naman agad siya. Tss. Bakit ba ako nagtatanong?

"You should choose what you want. Mamimili naman ako sa mga napili mo mamaya." Sabi niya at hinawakan ang pisnge ko. Lalayo sana ako pero hinawakan niya ang ulo ko.

"Wait.. come with me later." Sabi niya pagkatapos niyang punasan ang pisnge ko. Tiningnan ko naman yung daliri niya na tinitingnan niya din. Ano bang meron sa mukha ko?

"Tss. You're using fake make ups." Eh? Ginamit ko lang naman yung binigay saakin ni Alex ah. Hindi ko naman alam kung peke iyon o original.

"Binigay saa--"

"You have a pimple. Tss." Lumayo agad ako at tumingin sa salamin ng sasakyan niya. Hindi ko napansin ito kanina ah.

"We'll go to the hospital later." Hospital?

"Bakit? Sinong nasa hospital?" Tanong ko agad sa kaniya, nagulat naman ako nang pinitik niya ang ilong ko.

"Crazy. We should consult that on your dermatologist. Dapat kasi hindi ka na gumagamit niyan." Kumuha agad siya ng wipes at binigay iyon saakin.

"Your not using the make ups I gave you?" Umiling agad ako habang tinitingnan ko yung mukha ko sa salamin. Ang dami na ding maliliit hindi ko alam kung tigyawat ba ito or allergies na eh.

"Ako na nga." Kinuha niya agad yung mga wipes saakin at siya na ang nagpunas sa mukha ko.

"A-ako na.. baka ma-late ka pa sa pu-puntahan mo." Umiwas na ako sa kaniya pero hinalikan naman niya ang noo ko bago bumalik doon sa sasakyan.

"Nakalimutan ko nang may pupuntahan ako. Ikaw kasi.." napangiti nalang ako. Ang saya pa rin pala sa pakiramdam na ganito kami ni Sam kahit hindi ako sigurado kung ano nga ba talaga ako para sa kaniya.

"Drive safely!" Dagdag ko pa.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now