Chapter 24

249 11 0
                                    

Chapter 24
Alexander P.O.V

Ang tagal naman ng babaeng iyon. Nasaan na kaya yon? Ang sabi kakausapin niya lang si Sam. Hindi kaya nagpakilala na si Sam sa kaniya?

unknown number's calling

"Malapit na siya. Don't end the call, I want to hear all her gonna say." eh? Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto.

"Nakakainis talaga siya!!" Si Sam ba tong tumawag? Nilapag ko naman sa lamesa ang cellphone ko at lumapit sa kaniya.

"Bakit? Saan ka ba pumunta?" Tanong ko.

"Nakakainis!! Ahh!!" Pinagha-hampas niya yung unan. Nagkakatinginan kami ni Jessie. Nagpakilala na ba si Sam?

"Ano bang nangyayari sayo bessy? Relax ka nga lang." Iniwanan ko muna yung cellphone ko. Pumunta agad ako sa labas.

"Good afternoon sir. Pinapadala po ni Sir Sam ito para sa inyo." Sabi ng babae. Pffft. Parang alam ko na kung bakit mainit ulo ni Ericka.

"Sige hahaha pakilagay nalang doon sa kusina." Umakyat na agad ako para tawagin sila. Mukhang marami raming dapat ikwento si Ericka.

"Nasa baba na yung pagkain natin tara na." Sabi ko medyo maayos na ang itsura ngayon ni Ericka tiningnan ko naman yung cellphone ko.

Ay hala naputol ko ang tawag!

"Nag order ka?" Tumango nalang ako kay Ericka.

"Sunod nalang kayo." Sabi ko at lumabas na agad. Hindi yon kakain kapag sinabi ko na galing yon sa boylet niya pfft.

Ericka P.O.V.

Buti naman at nagorder si Alex. Para hindi na kami umalis. Ayokong makita siya-- magkikita at magkikita pala kami dahil nasa iisang bahay lang kami!!

"Good afternoon." Napatigil kami sa nagsalita. Uminom naman agad ako ng tubig at nagpunas ng labi.

"Good afternoon sir. Kain po tayo." Sabi ni Jessie.

Napaayos ako ng upo ng naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko. Kumuha siya ng beer sa ref.

"Tapos na ako." Sabi ko agad nang umupo siya sa gilid ko. Naiinis ako sa kaniya. Basta kumukulo ang dugo ko ngayon tuwing nakikita ko siya.

"Eat more." Utos niya.

"Busog na ko--"

"Kakasimula palang natin ah." Sabi ni Alex, tinignan ko naman siya agad. Sana naman makahalata na ayokong makasabay dito si Sam.

"Busog na ako."

"Kumain ka pa." Sabi niya at hinila ako para umupo ulit. Tinitigan ko naman si Sam pero parang wala lang iyon sa kaniya.

"Kailan pala pupunta si Mart, Ericka?" Tanong ni Jessie na nasa harap namin. Mabuti nalang at nag open si Jessie ng bagong topic.

"Bukas." Sabi ko at kumain ulit. Nakatitig lang si Jessie sa kaniya.

"Mart?" Tanong ni Sam saakin. Hindi ko naman siya nililingon. Nakalimutan ko din palang kunin sa kaniya ang cellphone ko.

"Wait may kamukha ka!" Sabi ni Jessie sa kaniya. "Parang nakita na kita eh." Tinititigan niyang mabuti si Sam.

"Sam. Sam Cuesseff." Pakilala niya at naglahad na ng kamay kay Jessie. Tinanggap naman agad iyon ni Jessie habang nakangiti saakin.

"Omyy yung first boyfriend at naging ex ni bessy?!" Kailangan mo pa talagang sabihin iyon Jessie? Tiningnan ko ng masama si Alex nang marinig ko siyang tumawa.

"Ay, Alex alam mo na ba yung plano ni Ericka bukas?" Wag na muna niya sabihin. Sinubukan kong sipain si Jessie pero hindi ko siya maabot. Masyadong malaki pala ang lamesa para maabot ko ang paa niya. 

"Ano yon?"

"Jessie." Bulong ko nilingon naman ako ni Sam. Kaya napailing ako.

"Sasagutin na bukas ni Ericka si Mart." Napainom ako ng tubig sa sinabi ni Jessie.
Teka bakit ko ba siya pinipigilan? Ano naman ngayon kung marinig iyon ni Sam?

"T-talaga?" Tumango ako kay Alex.

"Sa wakas after almost 7 years! HAHAHA" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Tumikhim naman si Sam kaya napatigil sila Jessie na mag usap tungkol saamin ni Martin.

"7 years?" Napalingon ako kay Sam. Ganoon niya ako katagal hinintay na maging handa. Kaya gusto kong bumawi sa kaniya.

"Yes. 7 years." Sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at uminom ng alak. Hindi naman na kami nagsalita ni Sam kaya tinigil ko na din ang pagkain ko.

"Simula ng maghiwalay kayo nililigawan na ni Mart si Ericka HAHAHA hanggang ngayon." Kwento ni Alex kay Sam.

"Anong trabaho niya?" Tanong ni Sam nilingon niya din ako pero nakangiti ako kay Alex. Nakakatuwa lang balikan ang mga nangyari noon. Sumunod din siya saakin dito sa QC para lang ipagpatuloy ang pan liligaw niya.

"Parehas sila na nasa banko nagtatrabaho. Si Ericka ay isang Accountant officer tapos si Mart, Teller." Compatible talaga kami diba. Parehas accountant. Hindi na kumibo si Sam kaya nilingon ko siya.

"Your phone." Nilapag niya sa lamesa yung cellphone ko. Nakalimutan ko palang kunin sa kaniya iyon kanina. Sakto naman na biglang tumawag si Mart.

"Hello?"

"Kinabahan ako. Akala ko kung anong nangyari sayo hindi ka na sumagot sa tawag ko simula kanina." Kinagat ko agad yung labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko.

Naiimagine ko itsura niya kapag nag aalala. Namiss ko tuloy si Mart. 

"I'm sorry. Pfft." Uminom naman ako ng tubig at tumayo na para umalis sa hapag.

"Ano bang nangyari? Papunta na ako jan."
Sa sobrang gulat ko nasagi ko yung vase na nasa gilid ko. Hala nabasag!

"Papunta ka na?!" Tanong ko ulit at akmang lalapit ako para kunin ang mga salamin ay may pumigil saakin.

"Oo. Akala ko kung anong nangyari sayo kaya nagpaalam na agad ako kay ma'am." May pumasok naman agad na maglilinis at agad iyon inalis. Hindi naman na ako makagalaw sa kinakatayuan ko dahil hawak hawak ako ni Sam.

"T-tagalan mo pa ha. Sige bye!" Sabi ko at binaba ang tawag. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ni Sam sa kamay ko at agad nang umakyat.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Alex nang  paakyat na ako.

"Mag aayos ako. Papunta na daw si Mart." Sabi ko agad kay Alex pero bago pa ako tuluyang maka-akyat nagsalita naman si Sam.

"Bakit mo pa kailangan mag ayos?" Napalingon ako sa kaniya.

"Gusto kasi ni Mart na palaging maganda si Ericka." Natatawang sabi ni Alex.

"Pfft. He doesn't love you." Ang kapal naman ng mukha.

"Hindi ka mag aayos. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay--"

"At bakit naman kita susundin?!" Putol ko sa sinasabi niya. Kanina pa siya ah?! Gustong gusto ko na siyang sampalin.

"Because Im your husband." Sabi niya at umalis.

"Bessy? Husband? M-mag asawa kayo?/ paano? Bakit hindi mo kami ininvite? Kailan kayo kinasal?" Sunod sunod na tanong nila saakin.

Ah!! Papabalikin talaga kita sa gubat unggoy!

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now