Year 2024
Roni's House
14 years laterTanging pagmumukmok ang nagagawa ni Roni ngayon. Ang buong kwarto niya ay makalat dahil sa mga papeles. Ang laptop nito ay nakabukas pa habang nakapatong sa kama.
Sa buong buhay ng dalaga, iginugol niya sa pagtatrabaho ang kanyang sarili upang maaliw kahit papaano.
Nakaupo ngayon si Roni sa kama niya
at sa saktong paglingon nito sa may study table ay doon niya nakita ang diary na naisulat niya dalawamput limang taon na ang nakakalipas. Agad nagtungo doon si Roni at naupo siya sa may swivel chair. Hindi mapigilan ng dalaga na buklatin muli ang diary na matagal na niyang hindi nababasa. Nakalimutan na nga nito kung anu-ano na ang mga nakasulat doon."Nandito ka pa pala, pero sino ang naglagay nito dito?" pagtatakang tanong nito sa kanyang sarili.
Simula nang lumipat si Roni sa sarili nitong bahay ay hindi na niya nakita pa ang diary na pagmamay-ari niya, at ang tanging kagamitang naitabi nito mula taong 1999 ay ang regalong natanggap niya kay Borj, iyun ang regalo ng binata sa kaarawan noon ni Roni. Isa iyung teddy bear.
Little did Roni know, mismong ang Kuya nitong si Yuan ang naglagay ng diary sa study table.
Ngayon ay muli na naman niyang mababasa ang nilalaman no'n. Matapos kasi itong maka-graduate ng kolehiyo ay doon na rin siya natigil sa pagsusulat ng diary.
Sa isip ni Roni ay para bang kahapon lamang ang lahat ng naisulat mula sa kanyang diary, parang kahapon lamang nang maging sila ni Basti. Nang basahin pa ng dalaga ang nasa diary niya ay doon nito napagtantong mas marami pala siyang naisulat patungkol kay Borj, ang lalaking minsan rin ay nagustuhan niya. Hindi na mawala sa isipan ni Roni na parang kahapon lang no'ng lagi pang nangungulit si Borj na manligaw ito sa kanya.
Mas lalong nalungkot si Roni nang mabasa niya ang isang sulat nito patungkol sa papayag sana itong magpaligaw na kay Borj ulit. Napabuntong hininga si Roni dahil sa pagpipigil nitong hindi tumulo ang mga luha niyang nagbabadyang bumagsak muli.
Doon rin napagtanto ni Roni na may nakadikit pang letrato ni Borj sa kanyang diary. Bigla niyang naalala na ang letrato na iyon ay siyang hinahalik-halikan niya.
"Borj, if only we can just bring back the past. Ikaw na lang sana ang minahal ko. Ikaw na lang sana ang tinitibok ng puso ko noon, sakaling hindi ko pa naranasan ang sakit ngayon," wika ni Roni at doon naman na niya itinabi ang diary.
Mayamaya lamang ay biglang napatitig si Roni sa isang teddy bear na nasa kama niya. Sa tuwing napapatitig siya doon ay hindi niya maipagkakailang nasasabik siyang muling makita ang pinakamamahal niyang kaibigan na si Borj. Ang teddy bear na iyon ay regalo pa noon ng binata.
Mula ng lumipad paibang bansa si Borj ay 'yun na lamang ang huli niyang nakita ang kaibigan, pati ang barkada ay nangungulila na sa presensya ni Borj. Simula kasi nang nasa Amerika na ang binata ay nawalan na sila ng koneksyon dito.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...