Lumapit ang lahat ng barkada sa gawi nina Basti at Roni. Hindi naman nagdalawang isip si Yuan na hilain ang kapatid papalayo kay Basti.
"Distansya na Basti. Friends na lang kayo ng utol ko, so have a friendly distance," patawa ni Yuan.
Nagtawanan naman lahat ng grupo at mayamaya lamang ay may kinuha si Yuan sa bulsa ng kanyang coat. Nang makuha niya iyon ay itinaas pa niya ito sa ere upang makita ng lahat. Laking gulat na lamang ni Roni na diary pala niya iyon.
"Bakit mo naman dinala 'yan dito, Kuya?!" nanggagalaiting wika ni Roni. Ni hindi na ito mapigilan ang mapapadyak sa inis.
Tatawa-tawa na lamang ang lahat dahil sa eksenang kanila ngayong napapanood. Aakmang aagawin sana ni Roni ang diary nito nang biglang inilayo iyon ni Yuan.
"Basahin ko lang 'yung ilang nasulat mo dito. Baka may bago ka lang naisulat. Ipapakita ko rin sa kanila kung sino 'yung nasa letrato ng diary mo," pang-aasar ni Yuan kahit na hindi naman talaga niya iyon gagawin.
Walang pagdadalawang isip at muling nagbadya si Roni na hablutin ang diary kay Yuan at doon na mismo nag-agawan ang magkapatid. Para lamang silang bata na nag-aaway sa isang bagay.
"Yuan, stop that! Bitawan mo na 'yan, kawawa na si Roni," sita ni Missy.
Sa utos ng asawang si Missy ay agad ding napabitaw si Yuan sa pinag-aagawan nilang diary ni Roni, ngunit sa hindi sinasadya, sa biglaang pagbitaw ni Yuan at sa pwersang paghatak ni Roni sa kanyang diary ay aksidenteng nahulog ang dalaga sa may pool.
Lahat ngayon ay gulat na gulat sa pangyayari. Napalunok pa si Yuan dahil sa nagawa nito sa kapatid. Napasapo na lamang sa ulo si Tonsy.
Hindi naman napigilan ni Roni ang mapasigaw ng malakas. "Kuya Yuan! Mapapatay na talaga kita! Bakit mo naman ako hinulog dito?"
"Na naman?!" wika ni Yuan.
Pamilyar ang insidenteng iyon. Minsan no'ng mga bata pa ang magkapatid ay aksidente na ring natulak ni Yuan si Roni sa may pool no'ng mag-agawan sila ng tape dahil lamang nag-uunahan silang maibalik iyon sa kanilang Ina.
"Ang diary ko?" si Roni.
"Ano ba 'yan Yuan. Bakit mo naman siya tinulak? Ang sabi ko, bitawan mo lang yung diary," galit na wika ni Missy.
Hindi rin napigilan ni Jelai ang mag-react. Taranta pa itong napapadyak. "Yuan, ano na naman ba 'tong ginawa mo?"
"Pare, parang nangyari na ito," tatawa-tawang wika ni Junjun.
Agad na dinepensahan ni Yuan ang kanyang sarili. "Pasensya na, hindi ko sinasadya. Siya naman itong humila ng malakas kaya nawalan siya ng balanse." Talaga ngang naghanap pa siya ng madadahilan.
Napahawak pa si Tonsy sa balikat ni Yuan saka ito marahang tinapik-tapik. "Pero wala talaga sa usapan ang manulak," ngumisi pa ito sa huli.
Ngayon, ang diary na siyang pinag-aagawan nilang magkapatid ay kasama na rin ni Roni na naligo sa pool ng 'di oras. Ang dalawamput limang taon na diary ay ngayo'y palutang-lutang na sa pool.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...