023

956 108 38
                                    

Makalipas ang limang araw, muling bumalik ang barkada sa kani-kanilang tirahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang limang araw, muling bumalik ang barkada sa kani-kanilang tirahan. Sa ilang nagdaan din na araw, mas lalong naging matibay pa ang samahang nabuo nina Borj at Roni. Silang dalawa lamang kasi ang nagkasama sa loob ng mga araw na iyon na walang gumagambala.

Sa ngayon ay mag-isang nakaupo sa ilalim ng puno si Borj. Malalim ang iniisip nito habang tahimik na pinagmamasdan ang kapaligiran. Hindi kasi siya lubos na makapaniwalang may pagkakataon pang muli niyang makakasama ang dati na niyang minahal na babae.

Akala ni Borj, mawawalan na siya ng pagkakataon na makita ulit si Roni. Ilang taon din siyang nagtiis at nagpakalayo-layo. Ngunit, buo pa rin ang paniniwala niya at siguradong-sigurado siya na sa nagdaang taon, nananatili pa ring si Roni ang nilalaman ng puso niya.

"Sasabihin ko na ba kay Roni?" Ginulu-gulo pa ni Borj ang buhok nito.

Gusto pa sana nitong magwala, kaso ay nakapagpigil lamang siya. He wants to confess his real feelings for Roni. Sadya lamang pinapangunahan siya ng kaba.

Ngayong nagkaedad na siya't malapit na sa 40's, ngayon pa siya magiging sobrang torpe. He didn't change at all.

Sa hindi inaasahan, biglang dumating si Yuan, Junjun, Basti at Tonsy. Nadatnan pa nila ang kaibigan na sobrang naguguluhan na. Kung hindi lang maayos ang itsura ngayon ni Borj ay mapagkakamalan siyang taong lansangan.

"Sasabihin ang alin?" Yuan was just curious about what Borj said a while back.

Napaangat bigla ang ulo ni Borj at doon niya nakitang nakatayo na sa harapan niya ang apat niyang mga kaibigan. Napatayo agad ang binata dahil sa pagkataranta.

"Nothing!" palusot ni Borj.

Kapag may tinatago ng lihim si Borj ay kapansin-pansin iyon, lalo pa't kapag umiiwas na siya ng tingin habang nakapamulsa ang kamay nito.

"LIAR!" sabay-sabay na wika ng barkada.

"Spill the tea, Borj," pagpupumilit ni Tonsy.

Napabuntong hininga na lamang si Borj. Kung hindi pa siya magsasalita ay kukulitin lamang siya ng mga kaibigan niya. Lahat pa sila'y nakatingin lamang ng diretso sa binata. Naghihintay na muling ibuka ni Borj ang bibig nito.

Mayamaya lamang ay napansin ni Borj na mukhang bati na ang apat. Magkakasama na kasi ang mga ito.

"Teka, mukhang bati na kayong lahat ah," wika ni Borj.

Nagkatinginan naman ang apat at hindi napigilang gumawa muli ng maliit na distansya sa isa't isa. Naningkit bigla ang mga mata ni Borj at hindi na mapigilang magtaka.

"Hindi! Hindi pa kami bati ng mga 'yan!" palusot ni Yuan. Muntikan pa itong mapiyok sa dulo.

"Bakit kayo magkakasama?" muling tanong ni Borj.

"Kasi—kasi hindi namin inaasahang iisa lang ang pupuntahan namin. Hinahanap ka kasi namin para ano... para kamustahin." Kung hindi lamang nauutal at putol-putol ang sinasabi ni Junjun ay tiyak na kapani-paniwala na ang sinasabi nito.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon