008

1.4K 176 130
                                    

Tanghali na nang magising si Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tanghali na nang magising si Roni. Kabababa lang nito at nakita niyang abala ang pamilya niya sa pag-aayos ng hapag kainan. Agad nagtaka ang dalaga nang makita niyang maraming plato ang siyang nakalatag sa mesa.

"Ang dami naman po yatang plato, may bisita po kayo?" tanong ni Roni habang nakakunot ang noo nito.

Tumango lamang si Mommy Marite. Mayamaya lamang ay lumapit ang pamangkin nitong si Yohan at niyakap niya ng mahigpit si Roni.

"Tita Roni, sabi ni Daddy Yuan na matutuwa kayo sa bibisita ngayon," ngiting saad ni Yohan.

Napaluhod si Roni upang pumantay sa laki ni Yohan. Napapahawak pa siya sa buhok ng bata habang nakangiti ito sa kanya.

"Sinong bisita naman iyon? Talaga pang kilala mo siya." Marahang pinindot ni Roni ang ilong ni Yohan na siyang nagdulot upang kumislot iyon.

Nakabungisngis namang sumagot si Yohan. "Of course Tita Roni. Nakukwento siya sa akin ni Daddy kasi childhood friend sila."

Unti-unti namang napatayo si Roni saka ito napatingin sa may pintuan. Doon naman saktong bumungad sa kanya si Borj na may dala-dalang basket na may lamang prutas.

"It's Tito Borj!" masayang sigaw ni Yohan.

"Pare, nandito ka na," agad sumalubong si Yuan sa kababata nitong si Borj. Kinuha na rin niya ang pasalubong nito at sabay na silang nagtungo sa may hapag kainan.

Masaya namang naupo ang lahat sa may hapag kainan ngunit parang estatwa na lamang nakatayo pa rin si Roni malapit sa may hagdan. Agad iyon napansin ni Daddy Charlie kaya't agad niya itong tinawag.

"May balak ka pang mabuhay, Roni? Kain na, anak," pag-anyaya ni Daddy Charlie sa anak na si Roni.

Pasimple na lamang naupo si Roni sa tabi ni Mommy Marite. Lahat ay nagkakatuwaan, ngunit nanatili pa ring pipe sa kinauupuan niya si Roni. Ni hindi kasi nito kayang makapagsalita dahil wala naman siyang maisip na pwedeng sabihin. Nakikinig na lamang ang dalaga sa usapan habang patuloy siyang kumakain.

Mayamaya lamang ay napatayo na si Roni at agad nagtungo sa may lababo upang doon iligpit ang napagkainan. Kung mas lalo lamang na manatili si Roni sa kanilang bahay ay mas lalo lang magiging abnormal ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Nag aalburuto na naman sa kilig ang puso niyang hindi malaman kung kailan titino.

"Mommy, Daddy. I have to go, marami pang gagawin sa restaurant," pamamaalam ni Roni.

"Ang bilis mo namang kumain, anak. Pero mag-ingat ka," pagpapaalala ni Mommy Marite.

Agad na lamang humalik si Roni sa pisngi ng kanyang mga magulang at dali-dali na itong nagtungo sa labas ng bahay. Ilang segundo lamang ay may maririnig ka na lang na isang kotseng humaharurot papalayo.

Mayamaya lang din ay napatayo rin si Borj sa kanyang kinauupuan at parang nagmamadali rin itong umalis.

"Tita Marite, Tito Charlie. I really enjoyed the food, but I'm afraid to say that I have to leave also," excuses ni Borj.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon