Tonsy and Trisha

464 42 1
                                    

Special Chapter 4
Year 2029
Tonsy and Trisha
Limitation

Pinatawag ang mag-asawang Rodriguez sa Principal's Office dahil sa nagawang 'di maganda ang anak nilang si Beatrice sa kaklase nito. Hindi naman maganda ang timpla ng umaga ng Principal na si Mrs. Ortiz. Naniningkit na ang mga mata nito habang nakatitig lamang kina Tonsy at Trisha. Napabuntong hininga pa ito bago magsimulang buksan ang magiging topiko nito.

"I'm sorry to say this, but Mr. and Mrs. Rodriguez, ang anak ninyo'y nagpapakita ng 'di magandang asal sa mga kaklase niya. I'm afraid that she's also manipulating her other classmates to make fun with other kids," pahayag ni Mrs. Ortiz. Napapahilot na ito sa kaniyang sentido na senyales na sobra na itong tensyonada.

"I really did that, but I'm still in the right track!" pagmamalditang panunumbat ni Beatrice.

"Kid, you better not talk back to your Principal like that." Tonsy can't hold his temper anymore, and that leads him not to realize that he's already raising his voice.

Napanguso naman ang batang si Beatrice at napahalukipkip pa ito. Napapadyak pa siyang napatayo at 'di na maiwasang magmaldita pa lalo.

"But Dad, you told me not to lie. I'm just stating the obvious," panlalaban ni Beatrice.

"That's not the point, Beatrice. Iba ang pagsasabi ng katotohanan sa pagngungutya," pangangaral naman ni Tonsy sa anak nito.

Sa sobrang galit ni Beatrice ay padabog na lamang itong lumabas ng Principal's Office. Ang Ina pa nitong si Trisha ay hindi na maiwasang mahiya sa inaasta ng anak niya. Samantala, dismayado naman sa kasalukuyan si Tonsy.

"Mr. Rodriguez, concern lamang po ako sa anak ninyo. Bata pa lamang siya't ganito na ang kaniyang pinapakitang pag-uugali," wika ni Mrs. Ortiz. Mapapansin pa kung gaano rin ito nag-aalala.

"Pasenya na po, siguro ay nasa amin lang talaga ang problema. Masyado namin siyang inispoiled at 'di gaanong pinaintindi sa kaniya ang mga bagay-bagay na itinuturo namin," wika ni Trisha.

Napapatitig na lamang sa isa't isa ang mag-asawang Rodriguez. Sa oras na iyon ay parehas lamang sila ng iniisip. Gusto nilang makausap at pangaralan ang kanilang anak.

ʕ •ᴥ•ʔ

Nakauwi na ang magpapamilyang Rodriguez sa kanilang bahay. Padabog pang napaupo si Beatrice sa sopa habang nagmamaktol. Ni ang pansinin ang Ama at Ina nito'y hindi pa niya magawa.

"Beatrice, hindi nakakatuwa ang ginawa mo. What you did isn't even right. Kid, you're not supposed to bully other kids," panenermon ni Tonsy. Ni hindi na nga nito namamalayan na napapataas na naman ang boses nito. Napapaturo na nga ito sa sobrang panggagalaiti.

Hindi naman nakikinig sa kaniya si Beatrice kaya't sa sobrang galit ni Tonsy ay napailing na lamang ito. Ang asawa naman nitong si Trisha ay pasimpleng tumabi sa anak nito't kalmadong kinausap iyon.

"Anak, mali naman kasing pagtawanan ang isang tao at laitin sila. Tinuro namin sa'yo ang kung anong masama sa mabuti." Kahit na galit na rin si Trisha ay nananatiling malumanay pa rin itong magsalita.

Nakabusangot namang tiningnan ni Beatrice ang Ina nito sabay napabuntong hininga. Ang pinaka ayaw ng bata ay ang makinig sa sermon ng magulang nito, lalo na't pinapagalitan pa siya.

"She's poor and she's out of our league. We're rich Dad, and I don't want to be friends with poor kid like her," pagsagot ni Beatrice. Nawawalan na rin siya ng respeto sa magulang niya.

Nagulat naman si Tonsy sa naging tugon ng anak nito sa kaniya. Ni hindi nito inaasahan na magiging gano'n ang pag-iisip ng anak niya. Ginawa na lahat ng mag-asawa ang kanilang makakaya para lamang matuwid ang baluktot na pag-iisip ng anak nila, at turuan lamang ito ng tama, ngunit para bang mas nagiging negatibo lamang lahat ng naituturo nila.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon