Marahas na sinusuntok ni Roni ang kanyang unan. Doon na lamang niya inilalabas ang sama ng loob patungkol kay Borj. Kanina pa kasi niya dala-dala ang pagkainis niya sa binata.
"Ano ba 'yan Roni, balak mo bang maging boksingera?" pamimilosopong tanong ni Jelai.
"Bakit ka ba nagkakaganyan, Roni? Ganyan ka na no'ng makabalik ka dito sa bahay, may nangyari ba sa restaurant?" tulirong tanong ni Missy.
Ang dalawang kaibigan ngayon ni Roni ay mistulang naguguluhan na sa inaasta nito. Halos kanina pa mainit ang ulo ng dalaga at sa kung anu-anong bagay siya nanggagalaiti.
"How's your work ba?" si Missy.
Matalim ang siyang ipinukol na tingin ni Roni kay Missy. "It was bad, really bad! I just kinda had a little encounter with a sweetened banana."
"I smell something fishy," alam na ni Jelai na kapag tungkol sa minatamis na saging ay awtomatiko ng si Borj iyon.
"I kinda had a duel with Borj awhile back at the restaurant. I don't know, I really don't get him," malungkot na litanya ni Roni.
Nagkatinginan pa si Jelai at Missy na siyang magkatabi lamang sa may parihabang sopa. Alam nila sa oras na iyon na sobrang litong-lito na si Roni.
"Ang dami ng nagbago sa kanya. Mukhang wala na 'yung Borj na dati nating kilala na masiyahin at palatawa. 'Yung Borj ngayon, sobra ng hangin na hindi mo na maintindihan. Para bang lahat na lang sa kanya e puro biro," salaysay ni Roni.
"Nakakainis talaga 'yang si Borj. Sarap sapakin. Napaka presko niya, ibang-iba na 'yung Borj na kilala ko no'ng bata pa tayo," dugtong pa ng dalaga.
Tanging pagmukmok sa kama na lang ang ginawa ni Roni habang yakap-yakap na ang unan na kanina lang ay kanyang sinusuntok.
Napaupo naman sa dulo ng kama si Jelai, samantalang si Missy naman ay nakahilata na sa may parihabang sopa na katapat ng kama ni Roni.
"People change, Roni. Syempre, matagal na rin nating hindi nakasama si Borj kaya parang naninibago na tayo sa kanya. Akalain mo bang sa dalawamput limang taon na nawalay siya sa'tin, marami na talagang nagbago," payo ni Jelai.
"Pero hindi ibig sabihin no'n hindi na siya mabait. We all know that Borj is a good person. Hindi na lang tayo sanay na gano'n na siya, sa tagal ba natin siyang hindi nakasama, marahil gano'n din siya sa'tin ngayon," pagpapalinaw ni Missy.
Missy has a point but Roni seems like she's still not convince. Hindi na lamang nag-isip pa ng malalim si Roni at nanatili na lamang siyang tahimik.
"By the way, nagyaya si Tonsy na mag barbecue party tayo sa bahay nila. Nandoon na lahat ng mga boys, tayo na lang pala hinihintay," pagpapaalala ni Missy.
Napatingin naman agad si Roni sa gawi ni Missy. Akala mo ay para siyang nakakita ng multo sa gulat.
"Don't tell me na pati si Borj, nandoon?" paninigurado ni Roni.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...