029

800 93 19
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas, pinilit na lamang ni Roni na maging matatag sa kabila ng pinagdadaanan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw na ang nakakalipas, pinilit na lamang ni Roni na maging matatag sa kabila ng pinagdadaanan niya. Naging maayos na rin naman ang pakikitungo niya sa mga kaibigan niya simula nang mag-usap-usap sila.

Tanging ang problema na lamang nito ay si Borj. Hindi pa buo ang dalaga para humarap at makausap ang binata. Kahit sabihin niyang handa na ang utak nitong makapag-isip, nananatili pa ring wasak ang puso niya.

Abala na naman ang dalaga na naglilista ng gastusin sa restaurant. Ang dating palangiti ay napapabusangot na sa kasalukuyan. Ang dating masaya kung bumati sa mga katrabaho niya'y pagtataray na ang isinasalubong nito.

"Ma'am, dumating na po ang mga bago nating stuck na gagamitin for the cater." It's Jojo, ang binatang matagal ng nagtatrabaho sa restaurant bilang tagahugas at waiter.

"Ikaw na muna ang bahala doon, nasabihan naman na kita kung anong nararapat mong gawin 'di ba. Huwag niyo muna akong istorbohin." Ni hindi man lang nilingon ni Roni ang binatang si Jojo. Nananatili lamang nakatuon ang pansin niya sa kanyang ginagawa.

Napakamot na lamang si Jojo sa kanyang ulo nang umalis ito. Samantala, inis na inis naman ng nagsusulat si Roni sa kasalukuyan, kulang na lamang ay mapunit na ang papel sa sobrang diin ng ballpen.

Mayamaya lamang, biglang may dumating na dalaga ang siyang tumawag sa pangalan ni Roni.

"Hey Roni, I need to talk to you."

"Ang sabi ko, huwag niyo muna akong istorbohin. Ano ba!" Napahampas pa ang kamay ni Roni sa may counter top at naniningkit pa ang mga mata nito.

Napaangat ang ulo ni Roni saka napakunot ang noo niya. Hindi nito kasi inaasahang bibisita si Ellaine sa restaurant. Gusto niyang palayasin ang dalaga, ngunit ayaw nitong mag eskandalo. May pinag-aralan siya, kaya pagtitiisan na lamang niya si Ellaine.

Nakangisi pa si Ellaine at matapang na tinititigan lamang si Roni. Hindi naman nagpunta doon ang dalaga para makipag-away. Gusto lamang niyang makausap ng masinsinan si Roni.

"What are you doing here? Borj's not here," mataray na wika ni Roni.

Muling ibinaling ni Roni ang paningin niya sa kanyang ginagawa habang pasimpleng napapadabog pa ito.

Mapakla lamang napahagikhik si Ellaine. Pasimple pa siyang naupo sa may counter seat. Mapang-inis man niyang tinititigan ngayon si Roni ay wala naman sa bokabularyo niya ang makipag-away.

"I came here because I want to talk to you about Borj." Walang kaso kay Ellaine ang pagmamaldita sa kanya ni Roni. She's always cool since she enter the restaurant.

Napabuga bigla ng hangin si Roni at doon naman na niya binitawan ang hawak-hawak niyang ballpen, saka niya iyon pinadulas sa may counter top para itabi muna. Napataas pa ang isang kilay nito habang masama ang pinupukol nitong tingin kay Ellaine.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon