003

1.6K 205 261
                                    

Nasa clubhouse ngayon sina Jelai, Junjun, Missy, Yuan at Tonsy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa clubhouse ngayon sina Jelai, Junjun, Missy, Yuan at Tonsy. Sa nagdaang taon ay marami na rin ang nagbago sa tambayan nila. Sa katunayan ay nagtitipon-tipon ang lahat dahil sa mahalagang pagpupulong na gagawin nila.

"Binisita ko si Roni kahapon. Walang pinagbago, trabaho at bahay pa rin siya," si Yuan.

"E kung bumalik na lang muna siya sa subdibisyon. Para naman mabantayan siya nina Tita Marite at Tito Charlie," suhestiyon ni Junjun sabay subo ng tinapay.

Napailing naman si Yuan bilang pag desaprobado kay Junjun. Alam naman na kasi ni Yuan na aayaw si Roni.

"Sinubukan na namin iyan ni Missy, pero walang epekto. Pinapunta na namin sina Mommy at Daddy sa bahay ni Roni pero wala pa rin pagbabago. Lumalabas lamang siya ng kwarto kapag ginugusto niya. Subsob na rin siya masyado sa trabaho sa restau," salaysay ni Yuan.

"Alam niyo, mukhang tatandang dalaga na yata si Roni nito. Halos may kanya-kanya na tayong buhay, siya na lang ang hindi ikinakasal sa grupong ito. Ilang taon na ba siya, 38? May anak na kami ni Jelai. Magpapagraduate na ng kinder si Missy at Yuan. Tapos buntis na 'yung asawa ni Tonsy. Kung bakit ba kasi kay Basti pa nagpakatanga si Roni." Ni hindi na naririnig pa ni Junjun ang kanyang sinasabi at ura-urada na lamang itong nagsasalita.

"Junjun!" sabay-sabay na bulyaw ng lahat sa pangalan ni Junjun.

Napaatras naman ng kaunti si Junjun sa kanyang kinauupuan at inisa-isang tiningnan ang mga kasama nitong matatalim na ang binibigay na tingin. Pasimpleng napangiti na lamang si Junjun at kalaunan ay napayuko ang ulo.

"Ikaw ba naman ang may on and off slash cool off relationship at magbabalikan din naman? At saka, malay natin na may darating talagang mas better para kay Roni," pagtatanggol ni Jelai sa kaibigan niyang si Roni. Hindi rin nito napigilan na kurutin sa tagiliran ang asawa nitong si Junjun.

Malungkot namang nagsalita si Missy habang iniisip ang kapakanan ni Roni. "Hindi na ito maganda. 14 years na ang nakalipas pero bakit ayaw pa ni Roni ang mag-settle?" Napabuntong hininga na lamang si Missy matapos niyang magbigay ng mungkahi.

Natahimik lamang ang grupo at tanging pagtitig na lamang sa pagkaing nakapatong sa mesa ang kanilang nagagawa.

Katahimikan ang siyang namuo sa may clubhouse. Ngunit mayamaya lang din ay hindi naiwasan ni Tonsy ang magsalita.

"Maiba muna tayo ng usapan," pagpuputol ni Tonsy sa nakakabinging katahimikang nakapaligid sa kanila.

Lahat naman sila ngayon ay sabay-sabay na napatingin kay Tonsy at doon sila napatitig ng husto sa binata. Inaantay pa nila itong muling magsalita.

Napailing na lang muna si Tonsy bago siya magpatuloy sa iaanunsyo nito.

"Malapit na ang Valentine's Day. Eksaktong sa Sabado na 'yun. Hindi ba't kada Sabado sa lugar natin ay may pa ballroom pa?"

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon